IKAAPAT NA AKLAT, KABANATA – LIMA
“Ang Suntok na Umabot sa Buwan”
Alam mo ba kung gano katagal
ang forever? Sa tagalog, magpakailanman, magpasawalanghanggan. Mas mahaba pa
yan sa habangbuhay. Yung habangbuhay matatapos yan pag namatay ka na. Pero ang
forever kahit na mamatay ka pa, walang pakelam yan, tuluy-
tuloy lang yan, forever and
ever. Kaya pag nakakarinig ako ng magkasintahan na nagpapalitan ng mga 'I will
love you forever,' napapatanong ako ng alam
mo ba kung gano katagal ang forever? Hindi ito dapat basta basta na lang
binibitaw. Hindi dapat ganun ganun na lang pinapagulong sa dila. Dapat mong maintindihan
na ang forever ay dedikasyon, katapatan, at isang dakilang pangako.