Monday, September 13, 2010

Book 1, Chapter 3

Unit divider:

Sa kapitulong ito, matututunan mong ang buhay ay buhay. O kala mo joke na naman? Suriin mong mabuti, ano ba ang ibig sabihin ng buhay? O ng mabuhay? Sana sa pagtatapos ng chapter ay mabigyan ng kasagutan ang iyong mga tanong. Sana ay matulungan ka ng parteng ito ng aming salaysay upang maunawaan na ang katanungan ay mananatiling katanungan. Masagot man ang iyong tanong ay mayroon pa din itong kalakip na susunod pang mga katanungan. Ganun talaga ang tao, walang katapusan ang pagtatanong. Kahit sira ang ulo may tanong pa din, halimbawa si Sisa, di ba walang katapusan yun tanong nya? Pero likhang-isip lang si Sisa, tanong mo? Ayos lang yun dahil napatunayan ko punto ko, wala kang sinagot kundi tanong...

Sa kapitulong ito, ating sagutin ang mga tanong na ito (puro tanong no?):

1.      Bakit idol o dol ang tawag ni Prof kay Vinards?
2.       May follow up question sa number 1 pero ‘di ko na itatanong.
3.      Ano nga ba ang kulay na bursting?
4.      Kung alam mo, gawin itong sagot sa slambook under the question “What is your favorite color?”
5.      Bilangin kung ilang beses nabanggit ang salitang tanong at kung ilan ang tandang pananong. Itaya sa jueteng ang bilang nito. Tapos ay pengeng balato.
6.      Bakit binabasa mo pa din ang mga tanong na ‘to sa halip na binabasa mo na yung kuwento? Hindi ka ba excited kung ano na nangyari?
7.      O bakit nasa 7 ka pa din?
8.      Kasi curious ka?
9.      Tama. Walang tigil na tanong dahil curious ang lahat. Trait yan na taglay ng lahat ng tao.
10.  Hala basa na at tumawa, suminghot, umiyak, at mangarap....






HUGTUNGAN – IKATLO NA

Magtatanong ka na naman? Di ka na nagsawang magtanong? Ay, ako din pala nagtatanong. Wag na tanungin pa kung ano nangyari sa nakaraan! Ilang beses na naming nasabi na “Ang nakaraan ay nakaraan na!” Pero kung ang samahang Maro-Kim ang gusto mong malaman, idiretsa mo na sa kanila dahil kami gustung-gusto din naming malaman dahil ubod nang hot topic ng seryeng yun...parang yung sinusubaybayan kong koreanobela na kamukha ko yung bida. At isa ‘to sa mga tambalang bumuo at tumulong para magkaroon ng simoy pag-ibig sa classroom nung high skul.

Sa pagbalik ng liwanag ay hindi kami nasiyahan sa aming nakita. Nasira na yata nang tuluyan ang aming time machine. Hindi yata kami tumalon at lumipat ng panahon sapagkat kami ay napapalibutan pa din ng tubig! Aanud- anod pa din ang aming bangkang tatagilid-tagilid na sa bigat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Kung kami ay makakabalik sa tamang panahon, gagawan ko ng sariling museo ang bangkang ito tanda ng pasasalamat sa kanyang walang mapapantayang serbisyo...
           
Gusto nang pumutok ng mga ugat ko sa ulo(yun sa taas)  dahil sa sobrang galit na nadadama, at panay ang sisi sa letseng time machine...

Wino: Teka mga dre! Di ba tubig ulan yun nakagawa ng super lalim na baha?      Pero bakit maalat ‘tung tubig na nalalasahan ko?
Gail:     Patikim nga! Wah ou nga dre! Maalat nga! Tubig dagat!
Jeff:     Nabalik na tayo sa Oceam View!
Ericko:Yahoo!!!! Pwede ko nang itapon ‘tung lintik na time machine na to repapips?
McJ:     Wahahahahaha!!!Haha! Ha!
Kim:     Hahahaha! Nadale kayo ni Chet tsaka ni Lele!
(itinuro yung dalawa na nakatayo, nakatalikod, at kinikilig-kilig pa!)
Chet: Aaahhhhh! Ginhawa! Kanina pa to eh.
Gail:     p*$t@ngna nyo!!!
JC:        Teka wag muna kayo mag-away! Nasa dagat nga tayo! Nakitam may        alon oh! Lalakas pa.
Karl:    Oo nga dre. Tignan nyo dun sa may di kalayuan oh? Parang may buod.      Tapos kadame atang tao?
Chet:   Oy, tara lapitan natin yung madla. Le, kayo nila Wino magsagwan kayo.    Magkabila.
Nhoel:Lintik ka. Pansin ko, isang dekada mo na kong ginagawang utusan ah?        Bat di si Danny yung utusan mo? Balita ko sunud-sunuran sayu yan?
Chet:   Ba, kelan ka natutong sumagot?! Tska kung yang si Daniel sinindak ko edi nagunaw kaluluwa ko ‘pag inupakan ako nyan.
Danny:Wag na tayong mag-away-away. Magtulungan tayo. Liwas-liwas na           lang sa pagsagwan. No choice wala na yung motor ng bangka, nagamit na ata ni   Prof sa machine ng time.
Vince:O sige. Akina yung isa. Mauna na ‘ko.
Chet:   O ganyan Le, nagpiprisinta. Gayahin mo si Vinards. Pano ka matutulad sa kanya nyan? Chickboy. (Teka baka may magalit, nagbabasa nga pala siya... tabi-tabi po.)
JC:        Ano yang pinagsasabi mo Chet. Magfocus tayo sa problem at hand.

Nagsimula nang managwan ang mga matitipunong bangkero subalit datapwat kaunti pa lamang ang aming inuusad ay bigla na namang lumakas ang hangin. Nag-iba ang timpla ng karagatan. Pawang lumalaki ang alon na akala mo ba ay tsunami. Nakakagimbal, nakakapagpagababab, bagabag? Gabagab? Letse! Nakakakaba na nga lang. Nakakakaba. Nakakabaliw! Ang lakas ng alon na ikatutuwa sana ng mga surfers. Pero wala namang naggaganun sa amin kaya lahat kami ay nainis lang. Nakakainis dahil sabik na sabik na kaming makaapak ng lupa to the point na kahit may ebs pa ang lupa ay amin pa ding aapakan dahil sa pagkasabik namin dito. Ilang araw kasi kaming limitado ang galaw sa bangkang ito, at hindi nabigyan ng mahabang oras para mag inat-inat.
           
JC:        Wag kayong huminto sa pagsagwan! Wag nyong pansinin ang hangin,       masamang hangin lang yan. Believe me!
Kim:     Dyan tayo naloloko eh. Kakabelieve me, believe me mo na yan.
Chet:   Et siiii.... Nabanggit lang kasi sa librong sila lang yun gumawa na yun yung paborito mong linya, pinangatawanan mo naman.

Nag-iiringan pa ang mga gwapo kong kaibigan nang hampasin kami ng isang napakalakas na alon. Kakaibang alon na binuhos na yata ang lahat sa isang iyon. Nang naramdaman na lang namin na iba na ang kilos ng dagat at parang hinihigop na kami papunta sa gitna. Naikumpara ko ito sa isang ilog na malapit sa isang talon. Letse plan! Nalintikan na naman! Yung dagat nabibiyak! Gusto ko nang bumitaw sa aking pagkakahawak at tuluyan nang magpakain sa dagat na ito upang mawakasan na ang paghihirap ko kakaisip sa mga nagaganap sa mga walang saysay naming buhay.

Kailangan lumaban, di dapat sumuko. Kailangang gamitin ang lahat ng natutunan sa eskwelahan, teka mali, patay pag yun ang ginamit dahil wala naman talagang natututunan sa skul. Kailangang ang mga natutunang leksyon sa buhay ang aming isabuhay at ang mga dagok sa batok ang ililok sa aming mga kakarampot na utak upang mapagtambayan este mapagtagumpayan ang hamong ito.
                       
Sa pagkabiyak ng dagat ay muntik na ding mabiyak ang aming mga ulo sa pagsigaw at pagmamando sa matitikas na aming mananagwan kaya minabuti na namin silang tulungan sapagkat kami ay nalalapit na sa pagkagunaw at mahulog sa gitna ng biyak na karagatan, datapwat kami ay sabik na sabik ng makaapak at makahalik ng lupa, dahil nga forty forty ang iginugol naming araw at gabi sa tubigan.

Sa pagsasanib-sanib ng aming mga lakas ay unti-unti kaming napapalayo sa delubyong aming kakaharapin sana.

Chet:   Sige pa, ots, bilisan nyo pa ang pagsagwan! Nakitang kataas ng babagsakan natin oh.
Kim:     Kyosk! Et hindi ka kale tumulong?
Nhoel:Ou nga. Ebat kasi puro utos eh, di mo nakikita? Nagkulay bursting na ulo   ko dahil sa hirap?

Ou, kahit nasa bingit na ng kamatayan kontrahan pa din at nakukuha pa ding magtsismisan. Pero kahit ganun, natural na lang ang lahat, kontrahan, sigawan, murahan, katusan. Hindi na nagsawa sa awayan. Pero parang lambingan na lang sa amin ang mga ganung bagay. Dito namin napapatunayan ang tibay ng pinagsamahan. Ang tibay at hindi ang tagal. Masasabi naming mahal namin ang isa’t isa. Kung maririnig nila kong sinasabi ang mga salitang ‘to, katos at mura ang aabutin ko. Sasabihin pa, kahalay mo! Pero alam din nila yun, at ganun din ang gusto nilang sabihin. Malamang kung sila yung magsasabi nito mura din aabutin nila sakin. Nakakalungkot isipin pero ganun talaga. Ewan ko din kung bakit. Di ko masagot pero ayos lang. Kadrama ko talaga. Pero tama naman yung nakasulat sa yearbook na seryoso akong tao. Di ko lang maintindihan yung nakasulat na 100 degree friend. Nu ibig sabihin nun? Di pa ginawang 360 para umikot. O kaya kung 98 degree, mas maiintindihan ko pero di ibig sabihin nun na idol ko si Nick Lachey. Hindi na naman tapos ang pagdadrama ko nang...

Jeff:     Men! Sagwan pa! Malapit na tayong makalayo sa buhos ng talon sa          gitna.
JC:        Ou nga dre. Maliligtas na tayo!
Franks:Hayun, dun tayo pumunta! Sa burol! Tinatawag tayo nung mga tao oh!      Nakataas yung kamay nun isa!
Gail:     Nice one Karl! Tara lets! Duon na tayo magpunta!

At tinunton na nga namin ang kinaroronan ng mamang nakataas ang kamay na tila nagpapapansin sa amin. Habang papalapit kami ng papalapit sa burol ay amin ding napapansin ang tumpok ng taong bumaba at tumutuloy sa ibaba. Sa pagitan ng pinaghiwalay na parte ng karagatan. Sa biniyak na tubig alat.

MCJ:    Ah! Teka, pamilyar tung eksenang to ah. San ko nga ba nakita to?  Napanuod ko yata sa tv to ah. Poy ikaw? Lam mo to?
Jeff:     Huh? Ah, oo. Ahm, Nards di ba alam natin to?
Vince:(buntong-ininga) Oo alam nating lahat ito. Alam natin kung sino yung         bumiyak ng dagat!
Ericko: Si Moses yun repapips! Ang long time john idol ko!

Si Moses na nga at wala ng iba pa ang nilalang naming nakikitang nakatayo sa gilid ng burol at nag-uutos sa mga taong lumakad sa pagitan ng tubig. Pinagmamadali ang mga iyon at alam na nating lahat kung bakit. Kung alam na natin kung bakit ay alam din natin na mali ang tinatahak naming direksyon. Dapat ay dun sa kabilang dulo ng dagat. Duuuuuuuuun sa kabilang pampang, kaya...

Chet:   Dre mali! Pano ba to? Pano iikot tung bangka? Dun tayo sa kabilang          direksyon.
Gail:     Tara na. Bilisan natin!  Pag inabutan tayo ng pagsugpong ng tubig, patay  tayo!
Franks:Tama si Gail! Dahil siguradong hindi kakayanin ng bangka yung pressure. Malamang na bumaligtad tayo.
JC:        Di din pwedeng bumaba na tayo dito, dahil alam nyo naman ang mangyayari sa atin.
Wino:  Kailangang isipin natin ang kailangan. Di tayo pwedeng sumuko! Tayo       na! Tulung-tulong tayo! Dito muna sa isang side ang sagwan, para            lumipat ng direksyon at mapaikot natin.
MCJ:    Ba Wino, san mo natutunan yan?
Wino:  Di ko alam eh, basta alam ko lang.

Dahil sa mga salitang nabitawan ni Paul Weynahm na para namang walang katuturan ay aking nabatid nang husto na di mo kailangang malaman ang lahat ng bagay para lumaban. Hindi mo kailangan magbitaw ng sanlibong tanong bago ka humakbang. Mas masarap ang pakiramdam ng nabubuhay nang di mo alam kung ano ang mga susunod na magaganap kesa sa tumutunton ng linyang alam mo na kung ano yung nasa kabilang dulo. Sa puntong ito, masasabi kong di na ko naniniwala sa salitang tadhana, o sa kabilang dako ay pinipili kong hindi paniwalaan ang ibig sabihin ng salitang iyon, dahil ayoko ang ideya na wala akong kontrol sa sarili kong buhay. Sapagkat, buhay ko to, magpapatuloy ito sa paraang gugustuhin ko, kung hindi ay pipiliin kong endingan na  ito ngayon din.

Danny:Tara dre! Ganun na gawin natin.
Kim:     Ok Le, sabay sabay tayo.
Nhoel:Hoy Chet! Tara na! Ot katanga nanggggg…
Chet:   Eto na nga! Ebats!
JC:        Tumigil na kayo! Nakitang nasa bingit na tayo eh!


Ganun na nga ang nangyari at tulung-tulong kami upang mabago ang direksyong pinupuntahan ng aming pambihirang bangka. Akap akap pa din ni tulong este ni Mc ang kaniyang sisiw na napulot nung panahon ni Noah. Mahal nya talaga ang alaga nya, mas mahal pa ata nya sa amin dahil ni ayaw nyang isagwan yung kamay nya sa tubig para di mahulog yung manok.

Franks:Ok. Ayos na. Papunta na tayo dun sa kabila. Yung mga tao papunta na       din dun oh! Mukhang pababa na din si Moses. Maglalakbay na sila      palipat!
PJ:        Kalapit lang pala nung pagitan ng lalakbayin nila noh? Kala ko malayo, kitang kita kasi natin yun kabilang ibayo eh.
Vince: Bakit, sino ba nagsabi na malayong-malayo yung nilakbay nila?
PJ:        Ha? Ah, eh...
Nhoel:Ah eh daw ka!
Chet:   Hahaha!
Gail:     Malayo man! Malapit din. Kailangan na nating pumunta dun sa kabila!     Pinupulikat na ko eh. Sobrang tagal na natin sa tubig. Miss ko na yung        pagtayo ng tuwid.
Ericko:Repapips ako din, sabik na sa lupa! Miss ko na yung pagbuburak ng paa     ko!
Kim:     Bakit? Di lang naman paa mo yung nagbuburak ah?
Nhoel:Hahahaha! Kulay ka kasing dark bursting! hehehehe
Chet:   Teka, ots, tawa kayu ng tawa? Huminto kayung magsagwan? Ayun na        yung mga tao oh! Malapit ng makadating dun sa kabilang side!
Danny:Ou nga neh Chet! t@n%in@! pagbubugkusin na uli ni manong Moses        yung tubig nyan!
McJ:     Baka bumaligtad tayu! Panu tung manok ko. Di siya marunong lumangoy! Wala na siyang life jacket tulad nun dati.
Wino: Lintik ka! Yang manok mo pa din yang iniisip mo!
Franks:Bayaan mo siya! Alam ko nararamdaman nya! Kung pwede ko lang           sanang kalungin gaya nyan yung T-Rex ko...huhuhuhu.
JC:        Anong gagawin natin? Siguradong tataub tayo! Yung time machine! Di      pwedeng mawala sa atin ang time machine!
Ericko:Wag ka magalala repapits! Hanggat andito ko, di mapapabayaan ang        time machine!
Nhoel:tar@nt@&$ ka! Ebat andito nakatali yung time machine sa pinagtalian ng mga buko?
Kim:     Lintik namang Kalo na to! Ots dun mo tinali?
Ericko:Ay nakalimutan ko! Tinali ko yan dyan nung minsang nagmidnight snack    ako. Medyo naubos ko yung isang bigkis kaya itinali ko muna. Di ako     makahinga nun sa busog eh. Sensya na mga repapips.
JC:        Puro na naman kwentuhan! Wala nang oras! Ayun na yung mga kalaban   at sila manong Moses nakalipat na! Aalisin nya na yung pagkakahiwalay!      Andito pa tayo sa gitna! Nalintikan na!

At bigla na ngang kumilos si manong Moses na tila hinuhudyatan ang dagat upang pag-isahin ang nagkahiwalay nitong bahagi. Unti- unting lumakas ang hampas ng alon! Hinahampas kami na parang hampas ng latigo ng isang hinete sa kanyang kabayo. Ang lakas ng hagupit, dahilan upang magkatagi-tagilid ang bangka. Mukhang tataob na ito at tuluyan nang mawawala ang aming pag-asa. Mananatili na lang ba ang aming pakikipagsapalaran sa panahong ito? Itsurang wala na ngang pag-asa dahil tuluyan nang ibinaba ni manong ang kanyang kamay, at kahit sino ay alam na ang ibig sabihin ng senyas na pagbaba ng kamay. Ibig sabihin nun ay nangawit na siya dahil matagal nang nakataas. Sa pagbaba ng kanyang kamay ay siya ding pagragasa ng tubig dagat. Naganap na!

Danny:Juice ko po! Patawarin Nyo po kami sa aming mga kasalanan!
Nhoel:Dre kung magdadasal ka ayusin mo!
Kim:     Ako na magdadasal! Madalang lang naman akong humingi ng tulong        kay Manager at alam kong pakikingan Nya ko dahil good boy ako.          Inaalagaan ko ng mabuti yung mga  pasyente sa ospital. At pag oras ng        break at walang trabaho eh yung mga nurse na kasama ko yung    inaalagaan ko ng husto. Hehehe.
Chet: Teka ako na. Lalo tayong mapapasama sa ‘yo. Patawarin Mo po kami...

Hindi na natapos ang dasal ni Chet, in fact kauumpisa pa nga lang nang nagsugpong na ang tubig! Hindi ibig sabihin nun na hindi kami pinakinggan sa aming dasal at hindi rin ibig sabihin na makasalanan kaming lahat kaya di kami pinagbigyan, basta lang. Bumaligtad kaming lahat pero nakakapit pa din sa aming bangka kahit na ito’y bumaligtad na.

JC:        Kalo yung time machine wag mong pababayaang mawala!
Franks:Ou nga Rek! Yan ang natitira nating pag-asa.
Chet: Tsaka Poy yung mga piso! Wag mong hayaang matapon sa dagat! Kundi     sisisirin mong isa-isa yan! Balita ko naman magaling ka sumisid.
(Oo na kay Ipoy yung bag ng barya. Wag na magtaka kasi kahit sa kwento parang nabibigatan ako kaya pinamigay ko naman sa iba)
Jeff:     Ou andito sa ‘kin. Di mawawala ‘to. You worry too much talaga.
Wino: Pero pano tayo? Anu gagawin natin? Parang jack at rose ng titanic na        lulutang-lutang na lang muna dito?
PJ:        Jack! I love you Jack! Wino ako si Rose!
Wino: Why sa akin ka ba nakakapit? Eh pwede namang dito sa bangka! Dun ka    nga at naaalibadbaran ako sa ‘yo. Para kang barairo!
JC:        Dito tayo naloloko eh! Panay ang kwentuhan natin! Kung tinipon natin yung mga oras na kwentuhan natin, baka andun na din tayo kila manong Moses at nagsasaya gaya nila! Ayun tignan nyo!
MCJ:    Sorry tong! Eh ang saya kasi ng pakiramdam.

Tama nga naman si Prof. Ang daming nasayang na oras. Kung ginugol lang namin ang mga oras na ‘yon sa mas may saysay na paraan kesa sa pagkukuwentuhan ay nasa pampang na din sana kami. Pero mas tama si McJohn. Wala akong pinagsisihan sa mga nangyari. Ok lang kahit na napasama yung sitwasyon namin. Ayos lang dahil gaya ng sabi nya, masarap sa pakiramdam ang ginagawa naming kwentuhan, harutan, at tawanan. Minsan nga kahit walang usapan bigla na lang tatawa, ewan kung ano tinatawanan pero nagkakaintindihan naman. Di ko pinagsisihan na bumabagsak ako sa test nung highschool kasi di nakapagreview dahil puro kwentuhang walang saysay ang inatupag. Umaasa na lang na may lilingunin sa katabi, pero pustahan paglingon ko wala din pala masagot dahil parehas kami ng inatupag. Ayos lang dahil kahit sabihin ng iba na walang saysay yung usapan, masaya naman.

Franks:Anong plano? Tara languyin natin yung pampang?
Danny:Ulol ka talaga! Nakitang sementadong aspalto yang paa mo, langoy          sinasabi mo? Di ba operado yan?
Gail:     Ou nga! Nung tumalon ka sa second floor! Tapos naggulung-gulung ka sa  mga cactus na tanim nung klase ni Ma’am Baclig? Hahahahahaha! Ay            este mali pala , nung nagdidilig pala tayo ng garden nun? Tapos bigla            kang natapilok at napilay at nabali ang paa?
Ericko:Ou nga repapips, nagawaran ka pa ng most serviceable award! Tinalo       mo ko dahil sa kwento nyo, ibig kong sabihin eh yun kuwento ng nangyari     sayo.
JC:        Pasensya na kung medyo nagsusungit ako. Thanks guys! Kahit anung          hirap ang danasin natin importante sama-sama pa din tayo. Di ba ‘dol?
Vince:Ou Prof. Alam naman namin na nag-aalala ka lang.
Chet:   Hay! Anu gagawin natin? Magmumuritan na naman?
Nhoel:Eh anu pa nga ba?

Tut tut Tut tut Tut tut Tut (konting tut na lang. alam mo na din naman ibig sabihin neto eh)
           
Nangeelam na naman ng moment yung pesteng makinarya. Pero pinoproblema namin kung sino yung maghuhulog dahil kailangan nyang bumitaw sa pagkakakapit sa bangka.

Chet:   Le? Umaano ka?
Nhoel:Ebat ako ba lagi yung nakikita mo dyan Chet? Laging Le agad yung sinasabi mo pag may gagawin?
Chet: O sige na nga wag ka na Le. Nhoel! Kumilos ka na dyan. Ets tatanga-           tanga ka pa?
Kim:     Hahahahaha! Sige na Le gawin mo na. pinapa-highblood mo pa si Chet nakitang labas yung ebidensya na kulang na dugo nyan.
Chet: N@m0! Kala mo ikaw.
Gail:     Ots dali na! Hulog na! Baka dito pa tayo mamatay.
Nhoel:Oo na! Ots si OA!

Sa hirap ng sitwasyon ay walang nagawa si Lele kundi maghulog na. Pero dahil mahirap nga ay ‘di nya nagawang makapaghulog ng madame. Konti sa natural na nakalaang ihulog ang kanyang nagawa. Pero wag mag-alala dahil gumana pa din naman yung machine, at dumilim na naman ang kalangitan at kami’y nahilo sapagkat alam mo na. Umikot ang mundo!

Itutuloy...

Ngayon.

Ots umiiyak ka agad? Kala mo mabibitin ka na naman (agad)? Di pa tapos yung chapter...

Dumilim. Tanda ng pagpapalit ng panahon. Walang kumikilos, walang umiimik. Nag-aantabay lang ang lahat ng liwanag at tinitipon ang lakas para kung sakaling makabalik na sa tamang panahon ay manalo sa palakasang sumigaw ng yahoo.

Unti-unting nagliwanag at aming nakita ang aming mga sariling nakadapa sa isang malawak na lupain. Parang bukid. Nakadapa kami at nananatiling nakakapit sa gilid ng aming bangka. Sa wakas ay napadpad na kami sa lupa, madamo! Paborito ng kabayo. Pero hindi kabayo ang aming nakita, alam na namin agad na hindi pa kami nakakabalik sa sariling panahon sapagkat tupa ang aming  nakikita, pastol ng mga tupa. Naisip namin ang bagay na yaon dahil wala namang nag-aalaga ng tupa sa aming pinanggalingang probinsya.

????:    Lobo! Tulungan nyo ako! Mga kanayon! Napakadaming lobo!

MCJ:    Uy lobo daw! Kuha tayo! Bibigay ko dito sa manok ko!
(Oo, buhay pa din yung lintik na manok nya. Matindi talaga yung pagmamahal ng mga taong nag-aalaga ng manok, kasi parang narinig ko nung minsang nag-aaway yung kapitbahay kong mag-asawa na mas mahal pa daw ata nung lalaki  yung manok nyang panabong kesa sa asawa nya. Di man ako tsismoso, narinig ko lang talaga)
Franks:Muret! Hindi lobo yun! Lobong hayop, wolf.
JC:        Nalintikan na naman! Umalis tayo dito! Kung totoong lobo eh baka tayo yun gawing main course.

           
At nagmadali nga kaming umalis at iniwan panandali ang bangka ngunit pinadala pa din yung time machine kay Eriko. Siyang pag-alis namin ay siya ding pagsugod ng mga taong nayon upang tulungan ang pastulero ng mga tupa at puksain ang nasabing lobo.

?????:Hahahahahahaha! (tawa ng tawa! Gusto ng mag-asawa!) Naloko ko na        naman kayo! Walang lobo! Hahahahaha!
Taga nayon1:Walangya ka talaga David! Ilang beses mo nang ginawa ito! Sa       susunod na hihingi ka ng tulong eh di ka na namin papansinin!
Taga nayon2:Ou nga! Pababayaan naming makain na ng mga lobo ang mga        tupa mo!
David:Hahahaha (tawa pa din ng tawa! mukhang inaantay na nya yun       mapapangasawa parang si t*** tawa din ng tawa kakahintay kay ****)

Tawa pa din ng tawa si David kaya wala na kaming nagawa kundi makitawa na lang din. Hahahahahaha, ikaw nakikitawa na din ba?

Pero di rin tumagal yung tawanan dahil may isang tropa ng mababangis na lobo ang papalapit sa mga nagbebeauty rest at nagsusunbathing na mga tupa. Anak ng tupa! Lagot na!

David:[di na tumatawa, (nabigo sa paghihintay) (ewan ko lang dun sa isang          love team kung anu mangyayari, parang may secret kasi)] Lobo! Mga kanayon tulungan nyo ako! Napakadaming lobo! Papalapit na!
Taga nayon3:Ha! Di mo na kami maloloko pa David! Alam na namin ang gimik    mong iyan!
Taga nayon4:Ou nga! Kabisado na namin galaw mo!
David:Oh hinde! Patawarin nyo ako sa aking kapilyuhan! Dis time totoo na!          Ayan na! Nagpiyesta na mga lobo! Pinapasang na mga tupa ko!     Huhuhuhuhu. Parang awa na ninyo.
           
Ngunit hindi siya pinakinggan ng mga tanga nayon este taga  nayon at hinayaang matupok ang batalyon nya ng tupa.

Nalungkot kami sa aming nakita, sobrang lungkot at hindi namin magawang umiyak. Nalulungkot talaga kami. Pero biglang may naisip si MCJohn. Di namin inaasahan na si McJohn ang makakapuna niyon…

MCJ:    Ah dre, alam ko tu! Di ba eto yung istorya ng sinungaling na bata? Niloloko nya yung mga tao lagi kaya nung totoo na sinasabi nya eh di na   siya pinaniwalaan?
Jeff:     Ou nga tama ka! Pero di ba kuwento lang yun na inimbento ng tao?
JC:        Mukhang lumala na ang diperensya ng makina natin. Pati sa mga  children’s story napupunta na din tayo!
Wino: Sana mapunta tayo sa Alice in Wonderland!
PJ:        O kaya under the sea! Gusto ko kasing maging sirena!
Ericko:Echusera! Pero in fairness! Bongga yun!
Chet:   Mga lintik kayo! Ano yung pinagsasabi nyo dyan!
Kim:     Bakit Kalo? Gusto mo ding maging serena?
Nhoel:Hahahaha! Di ka magiging ganun pag napunta tayu dun! Malamang          pugita! Puro burak!
Gail:     Wahahahahahaha!

Tawanan na naman syempre! Pero di nagtagal yung tawanan dahil may isang tropa ng kalalakihan ang humahangos at papalapit sa nayon. Mukhang very urgent ang kanilang pakay.

Miyembro Ng Tropa Ng Kalalakihan (MNTNK) 1:Mga kababayan! Humihingi ng            tulong ang ating mahal na hari sa inyong lahat.
MNTNK2:May magaganap na labanan at kinakailangan ng maraming tauhan      upang maipagtanggol ang kaharian.
MNTNK3:Required lahat ng kalalakihan na sumali at makipaglaban.         Compulsory.
MNTNK4:Kailangan lahat dahil kasapi ng kabilang koponan ang super center       wearing jersey number 55: Goliath!!!!
           
Kitang-kita ang takot na dumapo sa mukha ng lahat nang mabanggit ang pangalang Goliath! Di lubos maipaliwanag ng kanilang hitsura ang level ng takot na kanilang nadama. Kami naman ay nakatalungko lang sa isang tabi at nagmamasid-masid. Nang magsalita ang mga taga nayon…

Taga nayon 5, kapatid ng taga nayon 1:Pero wala tayong laban kung si Goliath  ang ating makakalaban!
Taga nayon 6, anak ni taga nayon 4:Di natin kailangang ibuwis ang ating            buhay! Sumuko na lang tayo!
TNK leader:Sumuko? Di natin kailangang sumuko! May paraan pa! Kailangan       lang natin ng volunteer para labanan si Goliath nang one on one!
Taga nayon3:Nahihibang ka na ba? Sino naman sa palagay mo ang sira ang         tuktok na makikipag one on one kay Goliath?
TNK leader:Kahit sino! Basta kailangan lang na may lumaban kahit na matalo!     At least di nakakahiya at di masasabing sumuko tayo!

           
Nagpulong ang mga taga nayon. Bumilog sila at nagbulungan kung ano ang pasya…

Taga nayon 1:Ganto gawin natin! Ibigay natin si David!
Taga nayon 3:Ou nga. Tutal wala nang silbi yan dahil ubos na mga tupa nya!
Taga nayon5:May sagot na kami! Ibibigay namin si David! Siya ang           makikipaglaban sa higanteng yun!
TNK leader:Ok, magaling! Babalik kami dito sa loob ng tatlong araw at     ipapasundo namin siya! Tayo na mga bata!

At umalis na nga ang tropa ng kalalakihan. Naiwang tulala si David at tila hihimatayin na sa takot pero napigilan siya ni JC at pinakalma ito.

JC:        David, wag kang mag-alala! Tutulungan kita. May tiradol ka ba?
David:Tiradol? Anu yun?
Jeff:     Tiradol? David? Goliath?
Franks:Oo tama. Yan na nga sa iniisip nyo!
MCJ:    Di ko magets.
Wino: Naku! Wag ka mag-alala David dahil ayon sa kwento…

Di ko na pinatapos ang sasabihin ni Wino at dinagukan ko na ito!

Wino:  Aray! Nanakit ka na naman? Ganyan ka naman talaga! Kaya kayo nag-      aaway ni Bitterborgs eh!
Vince:Wag ka nang umangal! Tama lang yun! Di mo dapat sabihin sa kanya         yung mga bagay na yun.
PJ:        Oo nga mylove! Halika kiss kita para mawala sakit!
Wino: Tumigil ka nga dyan baka banatan kita!
Nhoel:Ah dre eto may tiradol si David oh!
           
Kaprasong tela na nakapalupot sa kanyang baywang at may baon na mga balang bato.

David:Ah eto ba? Ginagamit ko tung panira ng ibon.
Kim:     Ou ayan nga! Yan ang gagamitin mo para talunin si Gols!
David:Talunin? Nahihibang ka na ba?  Maiwan ko na nga kayo at ihahanda ko      na sarili ko sa mga huling araw ng aking buhay…

Umalis na nga si David at iniwan ang mga guwapo nyang bagong kakilala.

Nag-isip si JC. Nag-isip ng plano kung paano nya matutulungan si David. Hinihimas ang balbas habang sinasabing “walang malaking nakapupuwing!” pero depende sa laki ng mata.

JC:        Alam ko na! Gail, kunin mo yung tiradol ni David. Babaguhin ko yun at      gagawing malakas para matalo nya si Goliath.
Franks:Teka Prof kung gagawin mo yun eh di mo ba mababago yung totoong       nangyari?
Chet:   Ou nga Prof, di tayo dapat nangengealam sa mga bagay-bagay dito.
Kim:     Wag tayung magmaalam dre!
JC:        Ok lang dahil kung di ko gagawin ito ay siguradong maiiba talaga ang       mga magaganap. Siguradong kakarnihin si David pag nakaharap nya si      Goliath.
Vince:Tama si Prof. Sige na Gail gawin mo na.

At ginawa na nga ni Gail ang pinapagawa sa kanya at na-Lupin na agad ang tiradol ni David. Inayos na nga iyon ni Prof sa tulong naming lahat. Tinesting nya, pinukol sa isang sanga. Naputol ang sanga at sa lakas ay natunaw ang ibong nakakapit dito. Nakita iyon ni David na nakamasid pala sa amin.

David:Ang galing!  Ang galing mong tumiradol!
JC:        Hindi David. Ginamitan ko ng siyensya.
David:Ha pasensya? Ako din mahaba ang pasensya. Kaya ko din siguro yan…

At tinesting nga ni David ang bago nyang laruan. Isa, dalawa, tatlong tira pa lang ay gamay na nya ang ibinigay na iyon ni Prof. Pero ang hindi niya alam ay pagkatapos ng isang linggo ay mawawala na ang bisa ng nilagay ni Prof na nickel cadmium quadruple A batteries. Siya’y tuwang-tuwa at naisip na kayang-kaya na niyang talunin ang nakakakilabot na higanteng si Gols.

David:Salamat kaibigan. Tatanawin ko itong utang na loob sa iyo. Ipangangalat    ko sa buong sangkatauhan na ikaw ang dahilan ng pagiging kampeon         ko at tuluyang lupigin ang lipi ni Goliath.
JC:        Hindi mo naiintindihan aking kaibigan, kung talagang gusto mong magpasalamat ay ganito ang ipamalita mong kuwento… …. … … … … … …



Binigyan ni JC ng script si David kung ano ang mga dapat na mangyari at maganap. Nagpaalam si David sa aming lahat at hindi na niya hinintay ang kanyang sundo sapagkat sabik na siyang ipamalas ang natatanging galing ng kanyang laruan.
           
Nang mawala na si David sa aming paningin ay nag-alburuto na naman ang sounding device ng aming time machine…

JC:        Tumutunog na naman yan, ayoko pa sanang umalis nang mapanood ko     naman ang historic battle nila.
Kim:     Tama kaya tung ginagawa natin? Di ba tayo tumataliwas sa mga   kautuusan ng ating Lumikha?
Chet: Di man din. Sa palagay ko eto talaga yung gusto Nya. Tayo ang        ginagamit Nya para iligtas ang sangkatauhan. Chance point na din   naman at nandito tayo.
Nhoel:Galing mo talaga loko Chet.
Chet:   Oo alam ko, kaya anu pa tinatanga mo dyan?
Nhoel:Hoy Mc John! Ikaw maghulog baka pisain ko kayung sabay ng sisiw mo!
MCJ: karahas mo!
Nhoel: Bakit papalag ka?
MCJ: hinde! Poy pengeng barya…

Sa mga sandaling iyon ay nakadama kami ng maginhawang hangin. Simoy na tila baga yumayakap sa kaibuturan naming lahat, na nagdala ng kakaibang sensasyon na tila may binubulong sa aming damdamin. Napakasarap lasapin ng moment na yun pero kailangan nang magpaalam sa refreshing na pook na ito. Gustuhin man naming manatili pa sana ay nagwawala na ang time machine kung kayat minarapat naming pumikit upang malasap ng husto ang mga sandaling payapa, walang gulo sa isipan at kalmado ang katawan. Dumilim na naman at inaasahang sa pagbabalik ng liwanag ay tuloy na naman ang pakikipagsapalaran pag kami’y muling didilat. Pero dito pa lang sa mga sandaling ito ay maari nang pigilin ang hininga at wag nang tuluyang silipin pa ang pagsikat ng umaga. Pero hindi ba mas masarap ang tagumpay kung iyong tunay na pinaghirapan? Mas masarap kagatin ang hangin pagkatapos ng dilim. Mas mainam magtampisaw sa tubig pagkatapos ng matinding ulan. Mas masarap damhin ang sikat ng araw pagkayari ng mahabang tag ulan. Mas masarap talaga ang lahat pag galing ka sa pakikipagsapalaran. Kesa lumalasap ng ginhawang galing sa ginhawa, anung saysay di ba? Ginhawa na sa umpisa pa lang. Pero pag  pinaghirapan matapos man ang ginhawa at bumalik sa pagsubok, eh buong ngiti at sigla mo itong kakaharapin dahil alam mo sa iyong sarili na makakamtan at makakamtan mo pa din ang naghuhumindig na ginhawa.
           
Eto na ang liwanag, balik sa reyalidad, at sa bawat pagkurap ng mata ay kalakip ang ligaya. Tuluyan na nga akong nagmulat at tuloy tuloy ang laboy ng aming mga mata….



Itutuloy, na naman….

No comments:

Post a Comment