HUGTUNGAN – CUATRO
Ang pagpapatuloy….
Sa pagmulat ng aming mga mata ay takot at pagkagimbal ang sumalubong sa aming lahat. Takot na naging sanhi upang may lumabas na likido sa aming mga pantalon. Hindi ihi yun. Likidong ‘di namin maipaliwanag kung ano. Sobrang pag-aalala ang aming napamalas sapagkat isang malaking leon ang nakahambalang sa aming harapan! At mukhang ito’y nagugutom na sapagkat panay ang sigaw nito at tila balak na kaming sagpangin. Wala na kaming makita pang ibang pagpipilian kundi tumakbo at umasang hindi sana abutan ng nakakatakot na leon , o kaya naman ay ihagis namin si PJ sa kanya at ipakain para kami ay makaligtas. Pero di namin ginawa yun sapagkat malamang ay hindi siya kainin ng leon at lalo lang itong magalit at lalo lang kaming mapasama…
JC: Wala nang choice! Takbo na!
Franks:Teka! Siguradong mahuhuli ako sa takbuhan!
Gail: Pabilisan na lang yan!
Nhoel:Takbo na!!!!
PJ: Teka guys. Nabasa ko minsan na kapag tumayo ka lang at wag gagalaw ay hindi ka aanuhin ng leon . Aanuhin, kakainin.
Pero wala na ang lahat. Tumakbo na kami! Naiwan si PJ na mag-isa. Nakatayong kala mo tanga. Pero di namin inaasahan na medyo may katotohanan yung sinabi niya o talagang nakakaasiwa lang yung dating niya at pati yung leong naghuhurumentado ay di siya naatim sagpangin. Nilampasan siya ng leon at kami pa din ang hinabol nito…
Chet: Dre yoko mamatay dito!
Kim: Wag ka mag-alala! Tumawa ka habang tumatakbo para di ka kabahan. Tignan mo si Lele kalmado lang.
Nhoel: ♫ ♪ Leon leon sinta buko ng papaya.♫ ♪
Franks:Aaaahhhh!!! Di ko na kayang tumakbo! Iwan nyo na ko! Ang bigat nitong isang paa ko…
Wino: Wag kang susuko Karl! Kaya natin to.
JC: Pesteng leon yan. Kung ano yung nilaki yun din yung nilaki ng utak. Hamakin mong tinanggihan si PJ.
Gail: Wah! t@ng*na! pinupulikat ako!
Napahiga si Gail, sobra yung pulikat nya! Umaakyat na hanggang sa anu nya! Sa bewang! Di na sya makakilos! Talagang nanigas na yung buong kwan nya, katawan. Langyang pulikat gandang timing. Papalapit na yung leon sa kanya! Sasagpangin na sya…
At lalo kaming nagulantang nang…
??????:Argh! Haiyaaa! Uhmph! Ungghhh!! Aaahhhhh!!!!
Kinilabutan kami sa aming nakita! Isang mama! Pinaslang yung leon ! Barehanded! Nakakatakot ang tanawing yaon. Di sapat ang ikwento ko para maramdaman nyo ang aming nadama nung mga oras na yun. Talsikan ang dugo ng leon sa matipunong binata.
McJ: Sylvester! Idol ko! Rambo! Mga tropa si Rambo yan! Niligtas tayo ng idol ko!
Vince:Ou nga kamukha ni Kim.
Ericko:Sylvester? Ikaw nga ba yan?
Nhoel: Si tanga! Inglisin mo!
Chet: Ot Eriko katanga mo talaga? Maiintindihan kale ni Bo-Ram yung tagalog nakitang Holywood yan.
??????:Paumanhin sa inyo. Hindi Sylvester ang pangalan ko.
Kim: Naknamp! Di nga si Rambo! Tagalog eh!
McJ: Wag ka na iyak manok ko, di nga sya si Rambo. Kala ko pa naman… Huhuhuhu.
Wino: Eh sino ka pala?
??????:Ako si Samson, anak ni Manoah.
Gail: (hinimatay si Gail dahil sa narinig nya, o talagang nagpakahimatay sya dahil sa pulikat…walang may alam)
Jeff: Ikaw si Samson?
Ang magiting na si Samson na nga ang aming kaharap at sino pa ba sa inaakala mo? Wala nang iba pa. Pasalamat na lang kami at kay Samson kami napadpad kundi ay ginawang sisig si Gail netong malaking leon na nakahandusay na sa lupa. Sa kabilang banda ay may lungkot pa ding mababakas na nagtatago sa likod ng aming mga labi. Lungkot na hindi pinapahalata sa isa’t-isa para hindi mawala ang pag-asang makakabalik din kami sa aming kinabibilangang milenya… Nakakadarang isipin na kami ay laging inaanod ng tadhana sa mga panahon ng kabanalan. Naiisip ko tuloy na ibig itong ipakita at iparanas sapagkat kami ay makakasalanang tao. Pero sa isip-isip ko, may dahilan kung bakit ito ang aming kinakaharap, at kung anu man yon ay hindi pa ako handa na malaman ito, at malamang sila din. Eto lang ang sure, handa man kami o hindi ay darating at darating ang oras para kaharapin ang lahat.
Hindi pa ako nakakasigurong gising na ang aking kamalayan nang magsalita si Samson…
Samson:Mga kaibigan, ano ang inyong pakay at kayo ay napadpad sa lupaing ito. Di ba ninyo alam na mapanganib dito?
Kim: Di namin alam boss. Sensya.
Nhoel:Ngayon alam na namin. Alam na!
Chet: Dre tulungan na muna natin si Gail oh.
Jeff: Tska si PJ balikan na natin.
Ericko:Tsaka yung bangka repapips!
JC: Yung time machine Kalo?
Ericko:Kaya nga sabi ko repapips balikan natin yung bangka eh.
Nhoel: t@ngn@&g Kalo naman na to!
Chet: Katanga talaga nangg…!
Kim: Tara na bumalik na tayo! Sempre nga naman kaharap na natin best friend nyong si kamatayan, nataranta na siguro sya.
JC: Ok sige, tara na.
Danny:Samson, palakihan tayo?
Samson:Palakihan?
Kim: Alam na namin dre, mas malaki na yun sa ‘yo.
Danny:Ng katawan. Ebat kasi…
Nhoel:Hoy Daniel! t@rant@d* ka talaga!
Chet: Tara na dre, baka mawala pa yung makina dun. Lalo tayung namanyas.
Danny:Sige sunod na ko. Pano Samson, una na kame? Salamat sa yo. San ka ba papunta nyan?
Samson:Pupunta ko dun sa babaeng mapapangasawa ko.
Wino: Ha? Ikakasal ka na? Eh pano si De….
(tinakpan na lang ni Vinards yun bibig tska kinaladkad siya nila ni Ipoy)
Danny:Ikakasal ka na nga pala?
Samson:Oo eh. Pero... wag na nating pag-usapan, mahabang kuwento kung bakit ako pakakasal.
Danny:Ah ganun ba? San ba yun? Para naman mabisita kita pag naligaw uli kami.
Samson:(nginuso) Duuuuuuunnnn….
Danny:Ah ok. Sige kaibigan. Punta na din kami duuuun…
At naghiwalay na nga kami ng landas na tinahak ng aming bagong kaibigan. Pinuntahan na nga namin si PJ na malamang ay nakatanga lang sa isang tabi at balik-balik yung laway na tumutulo sa kanyang bibig.
Inabot na nga namin ang lugar kung san namin naiwan yung bangka pero hindi namin makita kung asan si PJ.
Jeff: Hoy Peej! Asan ka na?
Ericko:Hoy bakla? Asan ka?
Nhoel:Ebat kasi katatanga! Sundan nyo tung bakas ng patak ng laway oh!
Kim: Ah! Kaalam ng….
MCJ: Galing ni tule! O sige na sundan na natin.
At tinunton na nga namin ang iniwan na clues ni PJ na parang mga crumbs na iniwan nila Hansel n Gretel dahil tulad dun sa kwentong yun eh nawala din yun pananda nila dahil kinain ng mga ibon, tung laway nya kinakain ng lupa dahil natuyo na.
Franks:Langyang bakla to, pabayaan na nga natin yan. Iwan na natin.
Ericko:Nakakita siguro ng papa.
JC: O sige na tsaka na natin hanapin si PJ, kunin mo na yung time machine Ericko.
Jeff: Ou nga Rek. Nakita mo ko oh? Nakasukbit pa din sa ‘kin tung bag ng coins.
Ericko:Prof???!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!?!!!!!!!!!!!!!!!?!?!??!?!?!?!!?!? Wala dito yung time machine!
Kaming lahat:(pwera kay Pj, at Ericko syempre. Tsaka nga pala si Gail kasi di na namin napansin na siya naman pala yung naiwan namin dun sa patay na leon , hinimatay nga pala at pinulikat)
Ano????!!!!
Ericko:Eh, kasi mga repapips, dito ko lang yun ibinaba kanina, wala na ngayon dito.
??: Uhhmmm! Hhmmmmnnn!!!!
Nhoel:Ah! P*t@ anu yun! Chet tignan mo nga? Parang galing dyan sa kabilang side ng bangka.
Chet: Siiiiiiii!!!!! Nakitang….
Kim: Ge aku na titingin… (tumingkad konti) Wala man dre!!!
??: Hmmmmnnnn!!!!
Di ko na natiis, kahit may halong takot sa aking kaibuturan ay aking hinarap ang kakaibang huni. Dahan-dahan. Maingat na maingat. At walang ingay na maririnig sa aking mga hakbang habang nilalapitan ko ang pinanggagalingan neto…
Danny:Ah, PJ? Dre si PJ pala to… Tulungan nyo ko…
Wino: (nakasunod pala at may hawak na malaking kahoy, pamalo) Si PJ nga. Anu nangyari sayo?
PJ: Hhmm hmm hmn hmmmn hmmn! (translates: I love you Wino! Sabi ko na nga ba love mo din ako!)
Nhoel:Kaya pala ganun yung himig ng lintikang bakla eh! May tali yung bibig!
Kim: Chet, kalagan mo ng tali sa bibig.
Chet: Ots di ikaw! Nakitang! Basang-basa oh!
Nhoel:Mga tanga talaga kayu loko! Ede yung kamay yung kalagan? Tapos pabayaang sya yung magkalag sa bibig nya? Ots di kasi nag-iisip eh.
Jeff: Galing ng.
Chet: Maalam ka talaga loko Le. O sige na kalagan mo na sa kamay.
Di ko alam kung ano yung nasa isip ni Lele nung mga oras na yun. Ayaw nya bang kalagin yung tali sa bibig ni Peej dahil ayaw nyang mabasa yung kamay nya nung laway ni PJ? O talagang di nya kakalagin yung sa bibig at yung sa kamay yung aalisin nya nang sa gayon eh mabigyan ng konting leksyon sa buhay si pichara. Leksyon na di ko alam dahil kay PJ nya nga binigay yun di man sa akin.
Kinalagan na nga si PJ ng tropa para maginhawahan naman ito at amin na ding matanong kung ano ang mga naganap.
JC: Peej, ano nangyari? Sino gumawa nito?
PJ: Hindi ko kilala…(sisigok sigok) huhuhu.. Tinali nila ko at binusalan yung bibig ko. Kinuha nila yung time machine..huhuhuhu.
Danny:Anu kamo? Kinuha yung time machine! Naku naman!!! Panu na to?
Jeff: Men? Anu gagawin natin? Ayokong mamuhay na lang dito.
Franks:Malaking problema! Kailangan na nating mahanap yun agad. Pano kung biglang tumunog yun?
JC: Tama si Karl! Hanapin na natin! Kumilos na tayo! Madali!
Vince:Pero san tayo magsisimula? San natin yun hahanapin?
Ericko:Eh ni hindi natin alam yung mga hitsura nung mga nagnakaw.
Chet: Alam ko na. Humingi tayo ng tulong!
Nhoel:Kanino naman tayo hihingi ng tulong Chet?
Kim: Isa lang kilala natin sa panahon na to...tama! Kay Samson!
Chet: (minomostra yun katawan ni Samson)
Nhoel:(hinampas sa balikat si Chet) Tara na! Mukha kang tanga loko….!
Danny:Tara na. Alam ko kung san matatagpuan si Samson. Pero bago yun, balikan muna natin si Gail, baka namanyas na dun.
Pinuntahan na nga namin yung tinuro sa aking direksyon ni Samson kanina pero bago yun ay side trip muna at dinaanan namin si Gail. Nakita namin siya agad at mukhang nakahiga pa din sa lupa pero gising na at mukhang ginawang unan yung patay na leon . Payapa yung mukha ni Gail, may maliit na ngiti na mababakas sa labi nya, mababakas mo yung pagiging kuntento. Parang sinasabi nyang pwede na syang mawala o mamaalam na sa mundong ibabaw. Pero hindi rin, siguro naging masaya sya dahil napagtagumpayan nya ng mag-isa yung pagsubok na binigay sa kanya. Siguro iniisip nya din na kundi dahil kay Samson eh nasa tahimik na lugar na sya ngayon, pero,[pero na naman, puro pero, PERO ganun talaga. nabubuhay halos tatlo sa apat na tao dito sa mundo ng puro pero. (alam mo ba na tatlo sa apat na tao eh bumubuo sa pitumput limang porsyento ng populasyon ng mundo?totoo yan. Promise!)] pero dahil nga kuntento at tanggap nya yung mga nagaganap eh hindi na kami nag-alala sa kanya. Alam naming nung iniwan namin sya kanina eh malamang kinausap nya yung sarili nya, tinanong nya marahil kung bakit, ano at paano nagaganap ang lahat, kasi yun yung tumatakbo sa isip ko kaya inisip ko na ganun din yung tanung nya. Pucha, di ko na mapaliwanag nang husto yung nararamdaman ko nung mga oras na yun kaya minabuti ko na lang kausapin si Gail.
Danny:Gail. Ok ka lang ba? Tara na dre. Alis na tayo.
Gail: San tayo pupunta?
Chet: Susundan natin si Samson, ets.
Nhoel:Ou nga dre. Tara na. Importanteng sundan natin si Samson.
Jeff: Ou nga kasi…
(pinigil ko ang sasabihin ni Ipoy dahil ayoko nang ipaalam muna kay Gail na nawawala yung time machine, yoko muna dagdagan pa yung naglulumikot sa imahinasyon nya at baka tuluyan na siyang sumuko.)
Danny:Tara bangon ka na dyan.
Gail: Parang ayoko na dre.
Kim: Ets siiiiiii. Lika na. Tumayo ka na dyan.
Nhoel: Kate-arts ng...
Gail: Pagod na ko. Parang di ko na kayang tanggapin yung mga nangyayari. Iwan nyo na ko dito. Wag kayo mag-alala. Matatahimik ako dito. Sige na.
Danny: Dre, alam ko mahirap tung pakikipagsapalaran natin, ganun talaga at walang obligasyon yung mundo na protektahan ka. Pero kahit ganun pinipili nating makipaglaro. Pinipiling paulit-ulit kahit na alam nating di sigurado yung pagkapanalo kahit mandaya ka man sa larong ito. Alam nating lahat na di batayan yung pagiging guwapo mo, mabait ka man o masama sa iba, di batayan na madame kang natulungang tao para di tumapat yun roleta sayo at bigla kang pasayawin sa tugtog na di mo naman alam. Pero sa kabila ng lahat, iniisip nating ayos lang ang lahat basta sa bawat laban, kaakbay natin yung balikat ng isa’t-isa. Yung resulta eh hindi makikita sa kung ano ang kinasasadlakan mong sitwasyon sa ngayon, kundi sa kung ano yung pinili mong gawin. Kung di ka masaya sa mga resulta ng iyong pakikibaka, wag mong isisi ito sa iba o sa anu pa man. Ang mainam eh lumingon ka sa kabila at maghanap pa ng ibang posibilidad na hindi mo pa natatamo. Marahan mong tignan at taas noo mong hanapin ang iyong sarili at pagkadakay humakbang ka na ng pausad at gawin mong makabuluhuan ang sitwasyon mo ngayon.
Chet: Ano daw?! Kaarte mo loko.
Nhoel:Para kayong tanga. Wala man ako naintindihan sa pinagsasabi mo Daniel.
Kim: Hahaha. Yan sige Gail ke Danny ka umakbay. Ots me ganun pa kale. Halay.
Sabi na nga ba at siste ang aabutin ko sa mga ‘to pag nagsalita ako ng ganun. Pero dahil sa mga madrama kong salitang iyon ay biglang pumikit si Gail, tumalikod sa amin at hinagod ang kanyang ulo sa katawan nung patay na leon . Marahil ay hindi nya ginustong ipakita sa amin ang pagtulo ng kanyang mga luha at pinunas agad ang mga butil niyon habang namumuo pa lang.
Tumindig na si Gail at kami’y nagpatuloy na upang hanapin ang kinaroroonan ni Samson. Naglakbay kami nang hindi alam kung saan kami patungo, bahala na lang na matapos ang paglalakbay na ito hanggang sa matagpuan ang aming hinahanap. Pero ayos lang kahit ganon. Kung di mo alam ang patutunguhan, humakbang ka lang. Sa paghakbang mo ay masisimulan ang adhikain mo. Mainam mangarap, magplano at mapuno ng spekulasyon ang kukote mo pero wala nang mas iinam pa kung kikilos ka. Sa pagkilos mo ay nalalagay ang posisyon mo sa tagumpay kesa sa nagmumukmok ka lang sa isang tabi. Pag naisagawa mo na ang unang hakbang ay lilinaw na sa iyong paningin kung ano ang susunod. Pag nagawa mo nang ihakbang ang ikalawa ay may momentum ka na tungo sa walang kapantay na tagumpay. Ngilong-ngilo na ang aking ulo kakaisip kung paano namin malulusutan ang gusot na ito nang magparamdam ang malikot na pagsubok ng tadhana.
????: Kabigat naman neto.
????: Ou nga, bakit ba kasi pinabuhat pa sa atin ni bosing to? Iwanan na lang kaya natin dito?
????: Ou gagaan pakiramdam mo sigurado na parang lumilipad, kaluluwa ka na kasi. Malamang paslangin ka ni bosing pag ginawa mo yun.
(habang nakakubli kami sa likod ng isang halamang di ko alam kung ano, ganun naman talaga di ba? Napakadaming halaman sa paligid na di mo man lang alam yun tawag)(at pabulong ang pag-uusap)
JC: Dre yun time machine dala nila.
Franks: Anu pa hinihintay natin?
Jeff: Bawiin na natin yung talagang atin(!)
Wino: Bugbugin natin yang dalawang iyan! Paghiganti natin yun ginawa nila kay PJ.
PJ: (pupungay pungay kay Wino)
McJ: Ou nga. Kaya na nating gulpihin yang dalawang yan.
Danny:Ok sige. Pag bilang ko ng tatlo, sunggaban nyo… one… two…
Nhoel:Teka kala ko bibilang ka ng tatlo? Eh three yang kapupuntahan ng bilang mo eh. Et katanga ng…
Danny:O sige, sige.. isa… dalawa…….
Kim: (di na pinatapos ni Kim yun bilang ko, sinungalngal nya yung bibig ko gamit yung kamay nya)
Chet: Ots bakit Kim?
Danny:Anu ginagawa mo dre? Kadumi-dumi ng kamay mo. Kaliwete ka pa naman. Ots ba?
Kim: Mamumurit tayo dre pag tinuloy nyo balak nyo. Tingnan nyo yun oh.
Napalingon kami sa direksyon ng kanyang hintuturo na basa ng laway ko dahil sa pagkakasungalngal nya sa akin kanina. Peste, ang daming hukbo, tila mga sundalo, at malamang ay kasamahan sila ng mga ugok na may tangan-tangan ng aming pinakamamahal na makinarya dahil parang napapatid na yung bulate sa leeg nung isa kakasigaw sa dalawa at pinagmamadali, tila may importante silang pupuntahan.
Tinutukso kami ng tadhana! Nagpapatawa ito at kami ang ginagamit na punchline. Langya! Kaharap na namin ang time machine ngunit hindi namin ito magawang kunin dahil nga sa pulutong ng sundalong ito.
Wino: Bahala na! Sugurin na natin. Sabik na kong makauwi!
McJ: O sige bale bale na to.
Vince:Teka lang. Mag-isip muna tayo.
Eriko: Wala nang isip-isip! Ganto na lang, aagawin ko yung time machine tapos tatakbo ko ng mabilis na mabilis.
Franks:Teka mukhang di magandang plano yan? Kadame nyan oh? Siguradong hahabulin ka ng lahat na yan.
Danny:Ou nga dre. Di mo ba nadinig? Takot silang iwan na lang yun, siguradong mabagsik yung amo ng mga yan. At malamang eh di ka titigilan hanggat di ka nahuhuli ng mga yan.
Eriko: A basta! Wala nang pero pero! Eto na ko…
At tumakbo na nga si Eriko…
Eriko: (hinihingal) Haaaaahh-Haaaahh-Haaaaaahhh… ba, kahingal ko na pero di pa din ako lumalapit sa kanila…
Samson:Huwag kang pangahas kaibigan. Maghintay ka ng tamang pagkakataon para maisagawa ang plano mo.
(binuhat pala si Kalo ni Samson at tumatakbo sya sa ere)
Danny:Samson? Kaibigan? Anong ginagawa mo dito?
Kim: Ou nga Samson, ang tagal ka na naming hinahanap.
Samson:Eh bakit nyo naman ako hinahanap?
Nhoel: Bakit daw ka. Eh kasi di ka namin makita.
Samson:Bakit di nyo ko makita?
Chet: Kulit namanggg. Kasi nga hinahanap ka namin!
Samson:Eh bakit nyo nga ko hina…
JC: Tama na yan. Ginugulo nyo si Samson eh.
Franks:Hinahanap ka namin para magpatulong sana sayo, ninakaw kasi yung bagay na importante sa amin.
Vince:Wala kaming ibang malapitan at isa pa ikaw lang yung kilala namin dito.
Samson:Ganun ba? Eh anu ba yung napakahalagang bagay na iyon?
Wino: Ayun oh! Dala nung mga kumag na yun.
Samson:Anu ba yun? Ngayon ko lang nakita ang bagay na yun ah.
Chet: Ah, eh kwan, anu.... Kim?
Kim: Sasagot ka pa kasi di mo naman mapaliwanag, tabi ka nga dyan. Basta Samson mahalagang bagay sa amin yun.
JC: Ikumpara mo ito sa mga mahal mo sa buhay. Ganun kaimportante yan.
Samson:Di ko kayo maintindihan pero sige tutulungan ko kayo dahil pakay ko ding engkwentruhin ang pangkat na ito. Inaantay ko lang na lumabas ang kanilang pinuno, matagal na kaming may sigalot. At sadyang napakalaki na ng atraso nya sa akin.
Eriko: Ang tindi ata ng galit mo repapips?
Samson:Medyo lang naman. Madame na kasi sa aking kababayan ang pinahirapan ng kanilang pinuno. At pati ang aking mapapangasawa sana ay walang awa niyang pinaslang.
Mula sa di kalayuan ay nagpakita ang isang mamang sa postura pa lang ay mababatid mo nang ubod ng sama. Kahit di namin nababakas ang kanyang mukha ay batid na naming lahat na di magiging maganda ang mga susunod na magaganap. Pansin ko agad ang galit kay Samson, kung anu man ang nagawa sa kanya ng grupong ito ay hindi maikakailang napakatindi dahil sa punpon ng pighati sa matatambok na dibdib ng aming kaibigan. Batid ko na agad na ito na ang oras para mabawi ang time machine. Sa postura ni Samson ay nag-iipon na ito ng lakas upang salakayin ang sandatahan ng kanyang mga kaaway, hindi niya alintana kahit libo pa ang bilang ng mga ito. At sa tingin ko ay punung-puno ng determinasyon ang kanyang mga mata, nag-aalab! Isang segundo pa ang lumipas at biglang nabaliw si Samson!
Samson: Aaaaaaaaahhhhhhhhh!!!! Pagbabayaran mo ang lahat Dagon!!!
Kumilos na si Samson! Di na niya napigilan ang pagbugso ng poot sa kanyang mga mata. Nagliliyab ang mga iyon habang sinusugod niya ang grupo ng mga sundalong ungas. Mukhang di na nakapag-isip si Samson nung makita nya yung pinuno at tinawag nya itong Dagon. Dahil nga sa pabara-barang gawa ni Samson ay napansin kaagad siya ni Dagon kuno...
Dagon:Samson! Mga bata si Samson! Alam nyo na! Paslangin!
Sa isang iglap ay kumilos kaagad ang mga bata ni Dagon. Naharang nila si Samson, at sa pagharang nilang iyon ay siyang pagtakip naman upang makapuga na ang tusong si Dagon, at sinama pa ang dalawang ugok na may dala ng aming time machine.
Samson:Dagon! Bumalik ka dito! Wag mo nang pahirapan pa ang lahat. Uubusin ko ang hukbo mo dito! At itaga mo sa himpapawid ang mga salita kong ito. Bago mawala ang presensya ko sa mundong ito, sisiguraduhin kong unang pagpipiyestahan ng mga uod ang katawan mo sa ilalim ng lupa!
Pero wala na si Dagon, nakatakas na. Naiwan siyang napapalibutan ng mga kawal. Walang kumikilos. Inaantay kung sino ang magpapatiuna. Habang tahimik lang kaming nakamasid sa isang tabi, hindi ibig sabihin nun na duwag kami at di namin tinulungan si Samson. Sadyang tanggap lang namin ang katotohanang kanyang isiniwalat sa amin na wala kaming maitutulong sa kanya laban sa sanlibong sandatahan.
Nalito ang lahat, pati na din ako. Isinara ko ang aking mga mata at pinilit wag makita ang mga kaganapan. Di ko gustong makita ang isang kaibigan na napupuno ng sobra sobra at nag-uumapaw na galit.
Nakakapangilabot na madinig ang sigaw ng mga kawal na pinapaslang ni Samson! Naluluha na ako nang tapikin ako nila Chet...
Chet: Dre dilat ka na dyan.
Kim: Et ba ngayon mo pa naisipang umidlip?
JC: Anu ba dre?
Danny:Pasensya na kayo. Ayoko lang makitang ilagay ni Samson yung batas sa kanyang mga kamay.
Nhoel:Anu pinagsasasabi mo dyan? Wala ka nang kasing arte talaga loko.
Jeff: Men, tingnan mo si Samson. Andun sa taas ng bundok na sinalansan nyang sanlibong kawal.
Nakatindig si Samson, nakatingin sa aming lahat. Nagmamalaki nyang ipinagmalaki ang lahat ng kanyang nagawa.
Samson: (dinagukan yung tinatapakan nya) Wag ka malikot! Baka mahulog ako!
Namuo ang walang mapapantayang ngiti sa aking mga labi nang aking makita ang lahat. Hindi pala pinaslang ni Samson ang mga kawal, sa halip ay pinagbuhul-buhol nya ang mga ito at isinalansan upang mawala ang kakayahan nilang manlaban.
Samson:Mga kaibigan. Patawarin ninyo ako at hindi ko kayo natulungang ibalik ang inyong inaasam. Ngunit bibitawan ko ang mga katagang ito tanda ng aking sinsero at tapat na pagtulong sa inyo. Saan man lupalop napunta ang inyong kagamitan ay ating hahalughugin at babaligtarin ang mundo makita lamang ito at maibalik sa inyo. Susundan natin si Dagon.
Sa talumpati ni Samson ay aking napagnilay na sadyang napakaraming pagkakataon na aking nakitang ang kabaitan ng isa ay nagpabago sa buhay ng ibang tao. At napakadaling makita na ang kabaitang iyon ay may angking lakas para dumaloy sa abot ng iyong maiisip. Sa mga kagipitan, kabaitan ng iba ang nakagagaling at nakakapagpaunawa sa isang nilalang na ang buhay ay puno pa din ng pag-asa, lalot higit sa mga taong nawawalan na nito. Nakakadagdag din ito ng lakas at tibay ng loob. Binabago niya ang pamamaraan kung paano tingnan ng isang tao ang mga kinakaharap nito, at sa mabuting paraan. Kung ikaw ay naghahanap ng isang malaking pagbabago, bait ang pinakamakapangyarihang paninimula, wag lang masisiraan. Kaya magbigay ka ng kahit gabutil na kabaitan sa iba gaya ng ginagawa sa amin ni Samson ngayon, walang pagkatumanggi at walang pagdadalawang isip, at hindi umaasa kung masusuklian din siya ng kabaitan, dahil malamang para sa kanya ay hindi na mahalaga yon sapagkat ang totoong punto at pagpapahalaga ay ang pagbibigay. Kaya’t isabuhay natin ang leksyong natutunan kay Samson, at iyong mababatid at lagi mong makikita ang bawat aspeto at mga posibilidad ng buhay. Dahil ang pagiging mabait mo ay magpapakita ng puso kung sino ka talaga.
JC: Salamat sa ‘yo Samson. Tara na’t maglakbay.
McJ: Ok tara lets! Pero di ba natin babalikan yung bangka natin? Nakakangawit kasing bitibit tung manok ko eh. Lalapag ko sana dun. Hehehe.
Nhoel:Lintik naman kasi na ‘to hindi pa pakawalan yung manok nya eh.
Kim: Tangeks wag! Pwedeng ihawin yan pag pede na! Tingnan mo lumalaki na.
Chet: Lumalaki na daw ka. Sige ikaw kumuha nung bangka, tutal mahilig ka din lang, itulak mo hanggang dito.
Kim: Ba! Et ako? Yan o si Pj tsaka si Wino, sila naman talaga yung taga dala nun.
Jeff: Di na dre. Pabayaan na natin yung bangka. Palayain na natin siya. Sobra na ng lubos yung serbisyong naigawad nya sa atin.
Vince:Oo nga tama si Ipoy. Oras na siguro para makapagpahinga na din yung bangka.
JC: Absolutely right guys, bawat isa sa atin ay may naiwan nang masarap na memorya ang ating mahal na bangka, ngunit sabi nga nitong dalawa, let us set her free.
Franks:Ok sige iwan na natin. Samson tara na. Gaano ba kalayo yung lalakbayin natin?
Samson:Nakikita nyo ba yung bundok na yun?
Wino: Hahahaha! Liit namang bundok nyan.
Samson:Nagkakamali ka. Malayo lang kaya mukhang maliit. Sa kabila nung bundok na yun may patag, at sa patag ay matatanaw mo yung isa pang bundok na gaya nito. Ganun din yun layo. Kaya medyo malayu-layo din ang ating lalakbayin.
Gail: Aaaah! T@ng*an^ yan! Kalayo!
Nhoel:Layo nga. Kung gusto mo maiwan ka na.
Wino: Hehehehe. Tara na, para nababawasan yung layo.
Franks:Tama Wino. Tayo na, pansin ko puro lang tayo yayaan, walang kumikilos ah. Wala tayong mapapala kung di tayo kikilos, gumawa tayo kahit anu lang.
Sa sinabing yun ni Franks naisip ng lahat na kahit anong unos ay dapat pa ding kumilos, kahit katiting lang na paggawa ay kailangang makitaan ang bawat isa. Bawat paghakbang ay may kalakip na bunga. Bawat gawin mo ay may epekto saan mang banda mo tingnan. Maging makabuluhan man ito o mawalan ng saysay ay nakasalalay lahat sa iyo. Dahil sa pagpili mo ng iyong gagawin ay natural na siya ding pagpili mo ng gusto mong makamit. Ang halaga ng iyong mga paglalakbay ay siya ding halaga ng kahit na gamunting hininga na labas masok sa iyong katawan. Pwede naming ipalagay na pasakit at pahirap ang aming lalakbayin na ito dahil sa sobra talagang layo, o maging masaya at ituring na isang field trip lang kasama ang mga kaibigan. Ano man ang dumating sa’yo ay magiging masama o mabuti ayon na din kung paano mo tingnan ang mga ito. At ngayon ay pagkakataon namin upang makagawa ng napakalaki at nagniningning na kayamanan ng experience at kaganapan. Kailangan lang naming ibigay ang aming limandaang porsyento bawat segundo sa bawat saya ng aming mga postibong aksyon.
Unti-unti nang nawawala ang sikat ng araw at dahan-dahang nilalamon ng dilim ang pulang liwanag na bumabalot sa buong kapaligiran. Kahit nagkagayon ay kumilos ang lahat at humakbang pa din ang bawat isa na nakatikas ang dibdib at marubdob ang determinasyong mababakas sa mga mukha patungo sa walang hanggan na aming tinatanaw…
Itutuloy muna...
No comments:
Post a Comment