Monday, September 13, 2010

Book II, Chapter 3

HUGTUNGAN WALO
IKALAWANG AKLAT, KABANATA – TATLO

“Ang Bukero, ang Panadero, at ang Karpintero”

Anong gagawin mo kapag biglang nawala sa piling mo ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay mo? Sa isang iglap ay naglaho at hindi na babalik pa. Walang iniwan sa ‘yo kundi mga alaala. Magagawa mo bang tanggapin ang mapait na katotohanan? Ano ang iyong mararamdaman? Galit ba? Lungkot? Panghihinayang? Pangungulila? Ang katotohanan, kahit anong gawin mo, at ano mang emosyon ang maramdaman ng iyong damdamin, ay kahit kailan, hindi mo na siya makikita pa, hindi mo na maririnig ang kanyang boses, at hindi mo na mararamdaman ang kanyang hawak.

Walang kahit anong paghahanda ang makasasapat upang madali nating matanggap ang pagkawala ng taong iyon.

Alam mong kailangan mo nang mag-move-on. Iyon ang sinasabi sa ‘yo ng mga tao, at iyon din ang isinisigaw mo sa sarili mo. Pero saan ka pupunta? Doon sa mundong hindi na sya kabilang? Saan ‘yon? Puno ba yun ng mga taong nilamon na ng kanilang mga kalungkutan at mga taong nawalan na ng pag-asa? Oo, tama, doon ka na sa mundong iyon mabibilang. Sa mundong nawalan na ng kulay.
           
Danny: Bad trip talaga! Bakit kailangan tayong iwan ni Chet!!!
McJohn:Bakit? Saan ba dapat kayo pupunta?
Danny: Alam mo, yung mga taong katulad mo ang naging dahilan kung para        saan tung panggitnang daliri ko eh.
McJohn:Para nagpapatawa lang...
Danny: Eh kung sapukin kaya kitang lula ka?!!
JC:        Dre tama na. Wag tayong mag-away. Lahat tayo di kayang tanggapin       ang lahat. Pero sa palagay mo ba mas gugustuhin ni Chet na ganito na lang tayo?
Kim:     Oo nga dre, sa palagay ko mas gugustuhin ni Chet na maging masaya       tayong lahat...(sisigok sigok)
Noel: Pati sarili ko niloloko ko kung sasabihin kong ang nangyari kay Chet ay        isang bagay na kaya kong ihandle. Pero sa kabila nun kailangan nating            maging matatag. Pero hindi natin siya kakalimutan. Kaya nga natin siya         binalot ng madaming tissue para maisama natin sya eh.
Marvin:Oo nga. Di tayo dapat mahinto na lang sa lugar na to. Kailangan nating   iahon si Chet. Malay natin pagbalik natin sa sarili nating panahon         manumbalik yung sigla ni Chet?

Hindi na kami tumugon pa sa sinabing iyon ni Marvin. Wala na si Chet. Yun ang katotohanan. Alam naming lahat iyon. Subalit nung sandaling iyon, hinayaan na lamang naming manatili ang posibilidad na may pag-asa pang muli naming makapiling ang aming namayapang kaibigan. Dahil kung minsan, niloloko natin ang ating mga sarili para panandaliang makalimutan ang sakit.

Lumingon lingon kami sa paligid at matamang pinagmasdan ang lawak ng pook na aming binagsakan. Mainit. Tuyot. Disyerto. Alam naming wala pa rin kami sa tamang lugar. Hindi na rin naman kami nag-expect. Dahil expectations lead to disappointments. Halos wala na rin kaming pakialam, hindi pa kami nakakarecover sa mga nangyari. Wala na kaming pakiramdam. Walang emosyon. Manhid sa lahat ng bagay. Tila nawalan ng kulay ang mundo. At ang tuyot na disyertong ito ay sumasalamin sa aming mga wasak na pagkatao. Pero ano nga ba ang magagawa namin? Mananatili na lang bang ganon? Sa dami ng aming mga pinagdaanan at haba ng aming paglalakbay, ang palagi naming ginagawa ay ang maglakad. Nagsimula kaming humakbang.

Dinala kami ng aming mga paa sa isang lugar kung saan isang kakaibang nilalang na naman ang aming nakasalamuha. Isang nilalang na kahit paano ay nagdulot ng ngiti sa aming mga labi.

McJohn: Ah, astig oh!! Hobbit! Si Frodo!
Wino: Anong hobbit?
Eriko: Yung sa Lord of the Rings? Yung mga maliliit na tao?
Wino: Aah yun ba yun... Ou si Frodo nga yun. Lapitan natin.
McJohn: Tara, agawin natin yung singsing. Hehehe.

Nilapitan namin ang sinasabi nilang nilalang. Nakabalot ito ng tela, at natatakpan ang kanyang mukha...

Wino: Frodo! My preciousssss.....
Gail:     Teka ‘Nam, mag-ingat na tayo sa pakikisalamuha sa mga kakaibang nilalang, nakita mo naman yung nangyari sa ‘kin. Bahala ka pag naging gulay ka.
PJ:        Sana talong, o kaya upo. Hihihi.
Eriko:  Ampalaya yata eh. Hahaha!

?????? :Ah!!! “Delicious aw”!!! Anung ginagawa mo dito?

Sobrang pamilyar ang boses ng maliit na nilalang! Parang bumalik ang aking alaala nung vacant period sa eskwela, erh, kahit hindi naman vacant period ganun lang ang ginagawa.. nagmumuritan!

JC:        Isa lang ang nagsasalita ng ganyan!!!
All:       Si Elster!!!! Cartoon character no more!!!

Si Lester nga! Hindi namin inakalang makikita namin ang aming munting kaibigan sa lugar na ‘yon. Isa iyong matamis na sorpresa. Hindi na kami nagpatumpik tumpik pa at walang pakundangan na naming inurirat ang aming kakosa.

Gail:     Les! Magpaliwanag ka!
Lester:Medyo matagal tagal na din akong nabubuhay dito. Nakabisado ko na        ang kalakaran ng lugar na to.
Karl:    Gaano katagal? ilang  buwan o taon ka na nandito?
Lester:Di ko alam eh. Nakalimutan ko na magbilang. Pero tandang  tanda ko        nung mapunta ko dito. Bigla na lang ako nagblack-out. Kala ko nga    patay na ko eh. Iniisip ko dito lang napupunta yung mga namamatay.       
JC:        Tsaka ‘Les, ano ba ‘tong lugar na ‘to?
Lester:Di ko rin sigurado Prof, pero parang sinaunang panahon.
Eriko:  Panay ka namang “di ko alam”, “di ko sigurado”, wala naman kaming nakuhang impormasyon sa ‘yo eh.
Lester:Ay Kalo! Tigil tigilan mo nga ako. Teka nga, buti di nyo kasama si Chet?    

Nahinto kaming lahat nang banggitin ni Lester ang pangalan ni Chet. Muling sumariwa ang sakit na panandalian naming nakalimutan. Ipinakita ko sa kanya ang mummified naming kaibigan. Mahabang katahimikan ang aming ginamit upang maisalaysay kay Lester ang lahat…

Halata ang pagkagulat ni Lester sa mga naganap at sa sinapit ni Chet. Mababakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Ngunit siya na rin ang bumasag sa namumuong katahimikan.

Lester:Ang pinakamabuting gawin natin ngayon ay pumunta sa bayan at   dumiskarte ng makakain.
Ipoy:    Good idea ‘Les. Gutom na ko eh. Hehehe.
Kim:     Sige Elster, lead the way.

Sa pagdating na iyon ni Lester ay parang nanumbalik ang kulay ng lahat. Hindi pa lubusan, subalit mas mabuti na kumpara noong una. Narealize namin na ayos lang maging masaya na ulit. Napulot ko din iyon kay Chet. Nakuha ko sa kanya na be happy. Napakasimple di ba? Wag seryosohin masyado ang buhay, dahil walang sino man ang nakapagtapos sa karera ng buhay  nang humihinga pa. Kaya habang humihinga pa kami, nagpasya kaming ngumiti, maging masaya, at mabuhay.

Sa aming paglalakad ay napadpad kami sa isang nayon. Parang may pulong. May nangangampanya yatang kandidato. Hindi namin makita mangyaring nakapalibot ang sangkatutak at sangdamukal na tao. Si Lester naman ay madaling nakasingit at kaagad nagtungo sa isang puno.

Lester: Ba swerte! Bayabas oh!!! Maakyat nga!!
??????: Amang, halika’t bumaba ka sa punong iyan. Dahil sa liit mo ay hindi          mo ako makita kaya pinasya mong umakyat sa puno?
Lester:Ha, ah eh opo. (Lagot. Di ako nagpaalam. Basta na lang ako namitas.         Nagalit ata may ari.)
??????: Halika’t pumasok tayo sa loob ng bahay.
Lester: (Nalintikan na talaga... Mukhang mapapagalitan ako.)

Sumama si Lester sa loob at naiwan kaming tulala at walang magawa kundi makipagtsismisan sa madla.

???:      Ang swerte naman nung unano.
???:      Oo nga naanyayahan sya ng Guro sa loob.
Gail:     Teka, sinong Guro?
???:      Sino pa ede ang Mesiyas!
Ipoy: Ang Mesiyas! Kung ganun ay dito tayo napadpad sa panahon ng       kabanalan!!!
Danny:Teka! May pag-asa pa!!!
Eriko:  Anong may pag-asa pa?
Kim:     Tama dre! May pag-asa pa si Chet.
Wino: Di ko kayo magets!!!
Noel:   Dre, hawiin mo lahat ng tao! Idudulog natin si Chet sa Tagapagligtas!!!
JC:        Pero napakadami nyan! Mukhang di natin kakayanin!!!
Marvin:Wag mong sabihin yan Prof.
PJ:        Para kay Chet ‘to.
McJohn: Oo nga, baka ito na lang yung pag-asa natin.
JC:        Tama.
Karl:    Dun tayo sa bayabas dumaan..!!!

Nakipagsiksikan at gitgitan kami sa mga tao. Ginamit ko na ang laki ng aking katawan upang unti-unting makausad patungo sa bahay. Umakyat kami sa puno ng bayabas na siya ring inakyat ni Lester at aming ginamit upang makalagpas sa mga tao. Medyo wala pa din kaming mapuntahan mula sa bayabas sapagkat hanggang sa bukana ng pintuan ng bahay ay nakalipon ang sangkaterbang tao. Kaya naisipan naming pumunta sa bubungan at baka sakaling may chimney, para dun na lang lumusot.
Subalit....

Danny:Dre dahan-dahan. Mukhang ‘di maasahan ‘tong bubong ng bahay na         ‘to.
Kim:     Baka nga di tayo kayanin.
Noel:   Wag tayong sasampa lahat.
JC:        Rek, baba na. Maghintay na lang tayo dun sa baba.
           
Pero...

                        Blag!!!!

Late na! Biglang bumigay ang isang parte ng bubong at muntikan na kaming mahulog lahat. Mabuti na lang at kinapitan ako nila Kim at napigilan ang aking pagbagsak. Pero sa kasamaang palad ay aking nabitawan ang katawan ng aking magiting na kaibigan. Isang hibla ng tissue na lang ang aking hawak at sa milagro ay sumapat naman upang maantala ang paglapat nito sa lupa. Nagmistulang pabitin si Chet na tila baga palaro sa isang birthday party. Oo matibay yung tissue. Sa maniwala ka’t sa hindi.
           
            Hindi kami nakaligtas sa mata ng lahat. Nagsimula silang mangairita sa amin. Nagkakaingay na at binabalak na yata nila na kami ay bugbugin na.

Lester:Guro. Mga kaibigan ko po sila. Mga tanga lang talaga yang mga yan.         Pagpasensyahan nyo na po sila.
??????:Ah okay lang yan. Pero mukhang kailangan nating magpaliwanag sa          may-ari ng bahay na ito. Mga binata, maari ko bang itanong sa inyo           kung bakit dyan kayo naglalaro sa bubungan?

Danny:Ah, eh, Maestro, ilalapit ho sana namin sa inyo itong kaibigan ko.


Pinagpapawisan na ko. Mabibitawan ko na ata si Chet nung mga oras na iyon. Nilapitan ng Guro ang katawan ni Chet at kinausap ito.


??????: Kaibigan, pinatatawad na ang iyong mga kasalanan.


Sa pagkawika ng Guro ay bigla ko na lang naramdaman na parang nanlalaban na ang katawan ni Chet sa pagkakabalot niya. Ilang segundo pa ay tuluyan ko nang binitawan at unti-unting inilapag sa lupa ang katawan ni Chet. Kasabay niyon ay unti unti kaming bumaba mula sa bubong, nagsitalunan na lang kami. Pero di na namin pinasunod si Karl. Baka anu pa ang mangyari sa kanyang paa. Alam naman nating lahat na napinsala ang kanyang paa mula sa kasipagang kanyang ipinamalas noong araw, iyon ay ang *ehem* pagdidilig.

Pagkalapat ng katawan ni Chet sa sahig ay makikita at mapapansin ang pagkislot nito. Pakislot kislot lang sa mga naunang segundo, hanggang sa pabilis na ito nang pabilis at naging marahas ang kanyang pagpupursiging makawala mula sa kanyang pagkakabalot na iyong maihahaluntulad sa isang naka-coccoon pang paru-paro. Makalipas pa ang ilang saglit ay naririnig na naming umuungol na si Chet. Puro ganun lang ang nangyayari. Ungol lang sya ng ungol habang nagpipiglas, pagkadakay muli na naman itong tumahimik...


JC:        Dre. Katanga mo! Alisin mo yung balot ni Chet!
Noel:   Ou nga kamurit ng!
Gail:     Ebat sino ba kasi yun nagtali kay Chet, pinakahigpit!

Natawa pa ko habang kinakalag ang nakabalot na makapal na tissue mula sa ulo hangang talampakan ng aking kaibigan.

Chet:   put@n6na nyo! Papatayin nyo ba ko? Gusto nyo ba kong masuffocate?

Nagulo na ang mundo naming lahat. Tama ba ang nasaksihan naming ito? Si Chet, buhay! Minura pa kami dahil sa aming katangahan. Ang walangya! Subalit sadyang napakasarap sa aking tenga ng murang iyon, oh anong saya ang mamura ka ng iyong kaibigan. Mga katagang napakalambing nang manggaling sa kanyang bibig. Nagtakbuhan kami sa tabi nya at kanya kanyang yakap at katos sa aming kaibigan. Medyo amoy lupa na si Chet pero okay lang. Umiiling pa rin ako. Imposible! Paanong nangyari ang ganoon? Sa buong buhay namin ay noon lamang kami nakasaksi ng isang kagila-gilalas na pangyayari. Isang himala. Naghalo-halo na ang mga emosyon na aming nararamdaman subalit ang nangingibabaw ay ang lubhang kasiyahan. Kung melancholy ang naramdaman namin noong mga nagdaang araw, ngayon naman ay bliss. Hindi na kinaya ng aming mga puso ang sobrang emosyon at nagsimula nang umagos ang luha sa aming mga mata. Lahat kami ay nababalot ng ngiti, pati si Chet. Isang ngiti na inakala naming hindi na namin masisilayan pa. Lumingon ako sa Guro at aking nakita na siya rin ay lubhang natutuwa sa kanyang nasasaksihan.

??????:Hahaha! Mga kapatid ko, tinulungan kayo ng inyong            pananampalataya.

Kailangan lamang matutunang tanggapin nating mga tao na may mga bagay na higit pa sa ating pang-unawa. Mga bagay na hindi kayang abutin ng kapasidad ng ating mga pag-iisip. Mayroon din tayong mga limitasyon. Tingnan mo na lamang ang mga nilalang na may mas mababang lebel ng talino kumpara sa ating mga tao, tulad halimbawa ng mga hayop. Sa tingin mo ba ay naiintindihan ng mga hayop ang lahat ng ginagawa nating mga tao? Alam ba nila kung bakit tayo nag-aaral, nagtatrabaho, at gumagawa ng kung anu-ano pang mga komplikadong bagay? Hindi naman 'di ba? Pero ang mga alaga nating hayop tulad ng mga aso ay nananatili pa ring tapat at mapagmahal sa atin. Ganoon din dapat ang tao. May mga bagay na nangyayari sa atin na hindi natin kayang unawain. Kahit anong isip ang gawin natin ay sadyang hindi natin maiintindihan. Ganoon na ba kataas ang pride natin at hindi natin matanggap na mayroong nilalang na mas makapangyarihan at mas mataas ang lebel ng talino kaysa sa atin? Sadyang may mga bagay lang na hindi kayang abutin ng pang-unawa nating mga tao at ang kailangan lamang ay hindi magmaliw ang ating tiwala at pagmamahal sa Diyos. Ang tawag doon ay FAITH.

Danny:Guro. Panginoon, isama po ninyo kami. Nais po namin kayong        paglingkuran.
??????:Malaya kayong sumama sa akin pero sa isang kundisyon.
Kim:     Kahit ano pong kundisyon.
??????:Sige. Huwag nyo na akong tawaging Panginoon, o Guro. Isa lamang           akong hamak na karpintero tulad ng aking ama at ang Panginoon nating          lahat ay ang Diyos Ama sa langit. Magkakapatid tayong mga anak Nya.
Ipoy:    Eh ano pong itatawag namin sa 'yo?
??????:Tawagin na lamang ninyo ako sa madalas itawag sa akin ng aking  mahal na ina -Yeshua.

At kami nga ay sumunod sa kung saan man inaabot ng kanyang mga paa si Yeshua. Hindi namin alintana ang pagod. Sapagkat napakasaya ng mga karanasang aming nadadama habang kapiling siyang naglalakbay. Sa una ay naiilang akong gawin ang ginagawa namin ngayon, pero si Yeshua na din ang nakapagtanggal ng mga balisang iyon. Iyong makikita na para lang siyang isang kaibigan na kasama mo sa daan. Nakikipagbiruan pa sa amin at nakikipagtawanan, pero syempre, walang kamuritan yung mga biruan, medyo low profile muna ng konti.

Sa aming paglalakbay ay napapansin naming parang wala kaming problema. Hindi man lang namin naisip ang mga suliranin naming sa mga nagdaang araw ay halos ikasira na ng aming mga ulo. Napakalaking pasalamat at dito kami napadpad sa lugar na ito. Sapagkat sa aking palagay ay kinailangan naming lahat ito. Parang sem break lang. Time out muna sa problema. Naghilom ang mga sugat ng aming mga puso. At muli, ay naranasan namin ang mabuhay.

Sarap ng buhay if you just live it. Pero sa palagay ko eh parang mas mahihirapan tayo kung masyado pa nating sinusuri ang buhay. At lalong mas mahirap para sa mga taong walang ginawa kundi punahin ang buhay. Yung mga kilos at saloobin natin yung siyang magbibigay ng depinisyon sa buhay natin. Basta ang akin lang, enjoy mo buhay mo. Basta tumawa ka ng malakas paminsan minsan to the point na pati mga problema mo matatawa na lang sayo. Mamuhay tayo ng napakainam, na kahit si kamatayan eh natutuwang makitang buhay ka. Lumaban ka na kahit ang tadhana ay tatanggap ng kanyang pagkatalo. Agad na may natutunan ako sa Guro kahit di nya alam na naipaintindi nya sa akin yung mga bagay na yun. O marahil alam din nya.

Sobra sobrang galak na naman ang nailalabas ng aking busilak na puso. Halos pakiramdam ko ay ako’y humahakbang sa mga ulap. Napakasarap ng feeling.

Nhoel:Hoy Daniel! Lakad ka pa din ng lakad!
Kim:     Mamahinga na muna daw tayo sabi ni Boss.

Anak ng… Di ko napansing nagpapahinga na pala sila. Masyado akong nahigh sa mga feelings ko. Pinagtawanan tuloy nila akong lahat. Pero ayos lang. Mas okay ang ganito, masasaya.

Sa kabila ng lahat ay aking napagmasdan na pawang ligaw ang kalooban ni Chet, tila ba naguguluhan at wala siyang naiintindihan sa mga nagaganap. Marahil ay hindi nya alam na nawala siya ng panandalian sa census ng mga nabubuhay pa. Hindi ko alam kung ano ang kanyang naramdaman ng mga oras na tulog sya sa ilalim ng madilim na papel.

Hindi kailan man maaabot ng aking  pang-unawa kung totoo nga bang may kaluluwa ang tao, at saan ito mapupunta kapag ikaw ay namatay na. Maliban na lang kung mamatay na din ako, pero ‘di ako magkakaroon ng chance para maisalaysay pa kung what it’s like on the other side.

Naisip kong walang saysay ang pagkatok ko sa aking noo sapagkat wala namang mailalabas na kasagutan ang aking maliit na kukote, kaya minarapat kong tanungin na lang si Chet kahit na naiilang akong itanong sa kanya ang mga bagay na iyon...

Danny:Dre, ano pakiramdam mo ngayon?
Chet: N@mo! Eh ano mararamdaman ko, pinagkaisahan nyo ko! Pinupot nyo       ko!

Tama ang aking hinala. Hindi nga siya aware sa kanyang naging kapalaran. Sinunggaban ko na ang moment na ito para isiwalat sa kanya ang kanyang sinapit. Medyo nahirapan akong ipaunawa sa kanya nung una, pero nagawa ko din sa tulong ng kanyang naexperience sa mga nakaraang araw...

Chet:   Kaya siguro ganun na lang yung nangyari…
Danny:Anung nangyari dre?
Chet:   Kasi alam ko ay naroon tayo sa isang magandang panahon. Kasaya na       nga natin eh. Napunta na tayo sa oras ng kaginhawahan.
           
                        At nagsimula na ngang magsalaysay si Chet…
           
Mam Angeles: Boys, wag masyadong maingay... Tapos na ba kayo sa activity       nyo? Karl pakihinaan ng konti yung radyo.

Yun yung una kong narinig. Katuwa ko na nga dahil narinig ko na uli yung boses ni Mam. Nasa drafting room tayo. May activity ata, pero di man ako gumagawa o tapos na yata ako. Di ko man pinansin dahil inaabsorb ko pa yung moment eh. Medyo maingay nga yung mesa natin, ay wala ka pala dun, andun ka sa kabilang mesa. Nakahiwalay ka ata. Ewan ko nga ba sayo ebat dun ka pumwesto dati nun sa drafting…meron ka atang tinabihan. Aray! (Kinatos ko si Chet at sinabing magfocus na lang sa kwento baka kung ano pa isipin nyo.) Ots, sige eto na nangyari…

Gail:     Hoy Chet! Kabingi ng!
Kim:     Et wala ka ata sa sarili mo dre?
Noel:   Ano tuloy ba tayo? Wag na tayong pumasok sa English. English lang           naman.
Jeff:     Eh di man tayo papalabasin ng guard...
Kim:     Oo nga, nababadtrip na nga ako sa Pepito na yan eh.
Wendell:Ako bahala. May daan dun sa likod. Dun tayo sa bukid dumaan.   Tumalon na lang tayo sa bakod.
Karl:    tan6n@! Tatalon na naman sa bakod neh.
Marvin:Di ako pede. Kayo na lang..
Gail:     Si Vinards naman. Ayos yun. Training mo na din to para maging magaling na artist. Ido-drawing mo yung panonoorin natin.
Lester: Anu ba panonoodin natin?
Jeff:     Adventures of Mickey…
Marvin:Ah ok. Walt Disney naman pala... Sige sama na ko.

Tumawa lahat...

Kim:     Eh dre pano si Danny?
Gail:     Ako bahala sa murit na yan.
Noel: Eh tignan mo andun sa kabilang mesa. Sila Joy tsaka sila Mae Ann halos      nagbababatbat na sa kakatawa dun, siya ang put6an&n@ nakatahimik         lang.
Jeff:     Anu ba nangyayari sa kaibigan mo?
Karl:    Ewan ko nga ba dyan. Nitong mga nakaraang araw parang kahirap            kausapin eh.
Kim:     Dre wag nyo pansinin yan. Ganyan lang talaga yung style nyan. Sa una      meraw ayaw nya. Pero sasama din sa bandang huli yan.

Hahahahahahaha.  Nagtatawa ako ng malakas nun na kala mo nababaliw na ko. Napagalitan pa nga ko kay Mam eh. Pero ayos lang. Ang importante mahalaga. Iniisip ko napunta na tayo sa napakaperpektong panahon para sa ‘tin...

Wala ako masabi. Tama si Chet. Isa nga iyong napakasayang panahon para sa amin. Hindi pa nagagawang tapusin ni Chet ang kanyang kwento nang napalingon ako sa aking paligid. Lubusan akong namangha nang aking masaksihan ang nagkaipong tao na marahil ay hindi lamang daan daan kundi libo libo na. Muling nagsalita si Yeshua.

Yeshua: Napakaraming tao ang sumunod sa atin. Siguradong gutom na ang          mga ‘yan. Saan kaya tayo makakabili ng tinapay na pwede nilang         kainin?
Jeff:     Kung ano mang pera meron tayo, siguradong kukulangin pa rin yun sa      dami ng mga taong yan.
Marvin: May ideya ako. Pwede pa siguro natin magawan ng paraan yan.
Yeshua: Talaga? Ano yun Nards?
Marvin: Pwede ako gumawa ng mga tinapay. May alam akong technique na        mabilisang paraan ng paggawa at maramihan din. Siguradong           kakayanin nun na mabigyan lahat ng taong yan.
Eriko:  Sigurado ka? Kadami nyan oh.
Marvin: Rek may bakery kami. Tsaka ‘tong technique na ‘to naipasa-pasa lang     sa pamilya Dres, kaya kami lang may alam nito.
JC:        Nice ‘dol. Tara pano ba gagawin?
Marvin: Kanina ko pa napansin na madaming ingredients na nagkalat lang           dyan sa paligid. Ipunin lang muna natin ‘yon tapos ako na bahala           magprepare. Leave the rest to me.
PJ:        O boys, kilos na!

Sinunod na nga namin ang mga instructions ni Marvin kahit na may mga doubts pa kami. Kasi naman sa mga uri ng ingredients na sinasabi nya parang napakahirap sumang-ayon. Tapos nagrequest pa siya ng isang bampayr, yun bang kwan, yung apoy na masarap paliyabin pag nag-overnight ka sa isang beach? Basta itanong nyo na lang kay Wino kung bakit bampayr. Inaamin kong hindi rin ako sigurado kung totoo ngang magagawa ni Marvin yun. Si Yeshua naman ay nakangiti lamang na minamasdan kami at nang hindi maglaon ay lumapit na siya sa lupon ng mga tao at nakihalubilo sa kanila.

Ilang saglit pa ang lumipas ay nakumpleto na namin ang mga sangkap na kakailanganin ni Marvin. Sangkap na ‘di ko pwedeng idisclose sa kadahilanang naisumpa naming lahat na hindi ibubunyag ang sikretong formula ng pamilya Dres.

Marvin: Ah guys, baka pwede nyo muna ko iwan?
McJohn: Ots baket? Papanuodin ka lang namin!
PJ:        Para naman makita kita in action kung pano ka magmasa... (kakaibang tawa)
Kim:     Wag na kayong mangulit dyan. Iwan na lang natin sya.
Marvin: Thanks Kim. Pasensya na kayo guys. Talagang di ko pwedeng ibunyag      sa inyo tung sikreto namin. Nagmula pa ‘to sa unang henerasyon ng mga           Dres.

Hindi na rin naman kami umangal pa sa halip ay nilapitan na lamang namin si Yeshua at nagsimulang makinig.

Yeshua: …Tinatanong natin kung bakit may mga paghihirap sa mundo. Bakit        nga ba? Isa sa mga ibinigay sa ating regalo ng Ama ay ang free will.            Malaya nating gawin kung ano ang gusto natin, mabuti man o masama.         Walang taong likas na masama. Kung minsan lamang ay may mga            bagay siyang nagagawa na nagdudulot ng masamang epekto sa        kanyang kapwa o sa kanyang paligid.

Lester:Eh bakit naman mayroong mga lindol at bagyo? Ang daming           nagdurusa at namamatay dahil dun.

Yeshua: Alam mo Les, kung minsan hinahanap ng mga tao ang kasagutan sa        Diyos at kung minsan naman ay sa siyensya. Ang mga napakagandang           milagro ng Ama tulad halimbawa ng unang pagpatak ng niyebe sa            taglamig o ng unang pamumukadkad ng isang bulaklak matapos ang         tagtuyot ay tinatanggalan natin ng hiwaga gamit ang siyensya. Pero  bakit ang mga sakunang mayroon nang scientific explanation ay    itinatanong pa natin sa Diyos?

Karl:    Oo nga naman. Kung gusto mo malaman kung bakit may bagyo i-  google na lang natin. Eto naman yung link sa lindol oh.          http://en.wikipedia.org/wiki/Earthquake. Hehehe!

Yeshua: Hahaha!

Kung iisipin kong mabuti, nakalulungot na tayong mga tao pala talaga kung minsan ang may kasalanan. Ang mga maling choices natin ay maaring makasakit sa kapwa natin o makasira sa ating environment. Bakit may mga patayan at digmaan? Sino ba ang may hawak ng mga sandata? Tayo hindi ba? Paanong nagkaroon ng climate change o global warming? Dahil binutas natin ang ozone layer. Napakasimple lamang ng mga paliwanag sa mga tanong na inaakala nating walang mga kasagutan. Ang totoo, nariyan na sa harap natin ang mga sagot, pinipili lang nating huwag tingnan.

Lahat ay pagkamangha at kaliwanagan ang nararamdaman sa piling ni Yeshua. Hindi ko na alam kung gaano katagal pa nagpatuloy ang ganoong usapan. Halos maihahalintulad mo lamang nga iyon sa masayang pagkukwentuhan ng magkakaibigan. Magkakaibigan na binubuo ng libo libong katao.

Nagulantang ako nang lumabas sa kabilang gilid si Marvin. Para syang nag-aerobics, o kaya naglaro ng basketball sa loob ng apat na quarter. Basang basa ang kanyang buong katawan sa pawis at halata na parang nanghihina. Siguradong dala iyon ng ginawa nyang sagradong ritwal sa pagmamasa ng tinapay.

Marvin: (hinihingal) Guys, kunin nyo na yung mga tinapay dun. Ipamigay nyo na  sa mga tao.....

Biglang nagcollapse si Vinards. Nangamba kaming lahat. Mabuti na lamang at andun ang Guro...

Yeshua: Wag kayong mabahala. Tingnan nyo ang mga labi nya.
PJ:        (sarap halikan....hihihi)
Yeshua: Punong puno ng ngiti. Ibig sabihin ay masaya sya. Marahil ay napagod    lamang sya sa kanyang ginawa. Hayaan na lamang muna natin syang            magpahinga.
           
Sa sinabing mga salita ng Guro ay kapanatagan ng loob ang nadama naming lahat. Nagmainam na ako at mag-isa kong tinungo ang kubling gilid na pinagmasahan ni Vinards upang makuha na ang mga tinapay at ipamahagi sa libu libong madla...

Danny: Ah, naknam! Dre tulungan nyo ko...
Eriko: Repapips! Dame nito. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganito kadaming     tinapay.
Wino: Ebat kale hindi ginagawa ni Vinards to sa atin neh? Siguradong yayaman  sila dito.
Kim:     Siiii... Malay mo ginagawa na nga nila?
Noel:   Posible nga dre. Malay mo sila pala supplier ng mga sikat na bakery satin?
JC:        Kung puro tayo kwentuhan baka dumugin na tayo ng mga tao. Baka          magkastampede. Let’s move out!

Pawang nagsisimula na ngang magkaingay ang mga tao kayat minarapat na naming ipamahagi ang mga tinapay. Ngunit parang kulang. Napansin iyon ng Guro. Siya ay tumayo, tumindig at panandaliang nanalangin, at pagkadakay kinuha ang pinakakatago tago kong buko sa aking likuran...

Ou may buko pa ko. Hindi ko nga alam kung pano nakita ng Guro yun. Aangal pa nga sana ko pero wala na din ako nagawa, pinakatago tago ko pa meraw yun mula pa nung book 1. Hinihintay ko ngang tubuan yun ng suwi para itatanim ko sana pagbalik sa atin, pero ayos lang dahil...

Itinaas ni Yeshua ang buko ko, pero niyog na yun sigurado at malamang di na masarap yung sabaw. Binutasan nya ang buko gamit ang kanyang hintuturo at nagsimulang salinan ang dalang tapayan ng ilan sa mga tao. Di ako makapaniwala, ni minsan hindi ko narinig ang ganitong pangyayari. Sabaw ng buko ang ipapainom sa napakadaming taong ito. Nakapuno siya ng madaming tapayan na sa palagay ko ay sasapat na o malamang ay sumobra pa para sa mga tao.

Naging masaya ang lahat, may special bread na, may buko juice pa. Nagsimula na silang kumain at kami na din ay kakain na nang aking mapansing ganun pa din ang timpla ng aking kaibigang si Chet... 

Danny: Dre ots bat mo malungkot ka pa din? Di ka ba masaya sa mga       nangyayari? Ou nga wala pa tayo sa panahon natin, pero maayos pa         din naman yun takbo di ba?
Chet: Di dre. Nalulungkot lang ako kasi naiisip ko yun mga nasaksihan ko nun       natutulog ako sa tissue...
Danny: Nga pala! Nu na nga pala nangyari ‘di mo man natapos kwento mo eh.

At itinuloy na nga ni Chet ang kanyang salaysay sa kanyang kakaibang karanasan…

Basta ayun. Tawa ako ng tawa hanggang sa nangapagalitan na ‘ko ni Mam Luz…

Mam Angeles: Chet! Anu ba yan? Lakas mong tumawa ah! Wag naman     masyadong maingay.
Chet:    Ah, eh , sori po Mam.
Gail:     Wag ka kasing malakas tumawa Chet. Baka may makahalata nyan eh.       Mapurnada pa alis natin. Ganda pa naman nitong bala ni Prof.

Biglang nagring yun bell... Time na!!!

Wino: Ayos! Dre tara na. Gawin na natin to!
McJohn: Gail gawa na ba yung lock ng banyo nyo?
Gail:     Ou gawa naman yun! Ikaw lang yung tanga. Di marunong maglock.
Lahat: Hahahaha!!!
Kim:     Dre kausapin na natin si Danny.
Ipoy:    Ikaw kumausap, sabi mo ikaw yung bahala di ba?
Kim:     Sige sige..
            Dre... tara na... alis na tayo.
Danny: Et san na naman tayo pupunta? Ayoko.
Kim:     Si magaleng.. Tara na ebats....
           
Sabay hatak ni Kim sayo. Sa paghatak nya bumagsak yung bagong celphone nya. Humiwalay yung housing. Pero ok pa naman yun kasi matibay yung mga celphone nun eh kahit ipamato mo sa tatsing o kaya sa piko pwede. Lumang punchline na yan pero totoo naman kasi.
           
Pero iba naging dating sayo nung ginawa ni Kim. Bigla ka na lang nagberserk! Di ko alam kung ano meron ka nung oras na yun, kung may problema ka ba o ano pero kadali mong mairita...

Danny: p9t@ng i5a nyo!!! Lagi na lang kayong ganyan! Anu ba gusto mo? Suntukan na lang tayo!!!
Kim:     Ebat ba kadrama mo?! Para ganun lang! At wag mo kong minumura!        T^n6n@ m#!!!

Sabay naunang sumuntok si Kim. Tinamaan ka sa leeg. Pero di mo ininda. Nadampot mo yung silya sa tabi mo. Binato mo kay Kim, buti nakailag, malamang duguan sya kung tinamaan sya nun. Nagsimula nang magulo yung buong klase, pati yung mga girls nabuo ng takot sa inyong dalawa. Umiiyak na nga yung iba eh...
                       
Pero naglumpunan na kami. Inaawat na namin kayo.

Danny: Ganyan pala kayo! Kung kelan nasuntok na ko tsaka kayo aawat? Sige       pagkaisahan nyo kong lahat....!!!
Eriko:   Hindi ganun. Ayaw lang namin ng ganto.  Magkakapatid tayo dito.
Danny: Tumigil ka Kalo! Bitawan mo ko! Tandaan mo to Kim! Di pa tayo tapos…

Ganun yung nakita ko dre. Come to think of it, medyo bittersweet pala. Masaya nga sa panahon na yun pero may ‘di naman magandang nangyari sa samahan natin. Buti na lang hindi pala yun totoo. Kasi napakalungkot na tanawin nun. Umiiyak na yung mga girls, pati si Mam. Sigurado magkakaroon ng open forum kinahapunan nun. Sabi ko nung oras na yun sana di na muna tayo nakabalik sa oras natin kung ganun lang yung mangyayari. Tapos nun, napupupot na ko at nahihirapang huminga, tapos nagising na ko. Wala pa tayo sa sarili nating panahon... nakakalungkot. Nakakalungkot kasi nakadama ako ng saya na hindi pa tayo nakakabalik....sino mag-aakalang mabibigyan ako ng ngiti ng kinasadlakan nating sitwasyon?

Sa usapan naming ito ni Chet ay kanyang nabuksan ang pintuan ng pag-asa sa aking puso. Nagawa niyang muling ipaisip sa akin na mayroon ding magandang naibubunga para sa amin ang mga problema.

Minsan nakakalimutan natin kung ano yung meron tayo, kasi lagi nating hinahanap at binibigyan ng pansin kung ano yung wala. Ibig kong sabihin eh di natin maenjoy kung anong meron sa ngayon kakaisip sa mga bagay na di na dapt iniisip. Narinig mo na ba yung mga salitang “Cross the bridge when we get there?” Nu ba ibig sabihin nun? Na magdesisyon ka kapag andyan na? Ganun ba yun? Di ko gaanong intindi pero parang nakukuha ko naman yung gusto nyang ipahiwatig. Pero mas mabigat na leksyon ng buhay eh, nang nakaharap ka na sa tulay eh, madaming tulay pala, ngayon kailangan mong mamili kung saang tulay ka dadaan, at aling tulay ang dapat mong sunugin o gibain. Bawat tulay iba ibang kahihinatnan, pero isa lang ang mapipili mo. Ang dapat lang, wag mo na isipin kung ano yung nasa hindi mo napili. At tsaka hindi mo na mababago pa kung ano ang nasimulan mo sa mundong ito, at lagi mong tatandaan na walang backspace ang buhay, na isang pindot mo lang eh burado na agad yung mga mali mo. Pero sa mga oras na ‘to pwede tayong makagawa ng hakbang para maiba kung ano ang magiging ending. Hawak natin ang mga materyales. Bumuo tayo ng sarili nating tulay upang makatawid sa ilog ng tadhana nang sa gayon ay ating marating ang lugar na nais nating tahakin ng ating mga buhay nang walang ano mang pagsisisi.

Medyo naluluha na kami ni Chet sa tema ng usapan namin at dahil  na rin sa sobrang kacornyhan nang magyaya nang tumuloy sa paglalakbay ang Guro.

Heto na naman, patuloy ang hakbang. Sabay sabay kaming tumayo at taas noong tumingin sa landas na dapat tunguhin. Sa paghakbang ay kalakip ang ngiting hindi mapantayan ng kahit anong makislap na batong matatalisod mo sa lupa...

Yeshua: Tara na...

Napakaikling mga salita. Sa loob ng napakaraming araw, nakadama din ang aking kalooban ng katahimikan. Pagkapanatag ang bumalot sa aming mga katauhan. Tila ang lahat ng aming mga problema, alalahanin at agam-agam ay naglaho sa isang iglap at napalitan ng kapayapaan.

Ang wasak naming pagkatao ay muling binuo ng karpinterong ito.










Itutuloy…

No comments:

Post a Comment