Monday, September 13, 2010

Book II, Chapters 1 and 2

ETO NA YUNG KWAN…



















IKALAWANG AKLAT (espesyal dobol isyu)


Maikling salita…
muna…

                Ang aklat na ito, kung sakali man na iyong tunghayan ang mga dahon at ‘di mo kakitaan ng kisig at mga matatamis na pangungusap o kung ano mang matatayog na kuru-kuro ng malikhaing kaisipan at kung sakali man ding hindi madapuan ng sidhi sa iyong dila o sakaling hindi maging masarap sa iyong panlasa ang napapalaman sa libretang ito, ay hinihiling ng mga may akda ang paumanhin sa payak na lathalain, sapagkat kami ay hindi naman mga tanyag na mangangatha. Naisulat lamang ang aklat na ito sa nasang maisiwalat sa lahat at maisalarawan ang mga tinawid ng mga abang kalalakihan at ang kanilang pakikipagsapalaran sa tadhana, mapait man o matamis ang kanilang kahihinatnan ay atin sanang magiliw na tunghayan. Sa ngayon po ay aming ipinababatid sa mga mambabasa na sakaling may makitang pagkakamali sa pagkakasulat o hindi akma sa inyong kuro ay ipagpaumanhin po ninyo, sanhi ito marahil ng aming kabataan sa panitik at kami ay hindi pantas na mga mangangatha. Gayunpaman, inuusal namin ang pag-asang ang likhang ito ay mapasama sana sa mga punpon ng libro na iniingatan mo…

            Muli ang pagpapadaloy ng aming pagkagalak at iyo pa ring tinutunghayan ang aming paglalakbay pasalunga sa unos na ikinakasa ng habagat ng tadhana sa aming lahat. Ikaw ay aming binibigyan ng papuri at iyong napagtagumpayang subaybayan ang mga hamon at punyagi ng aming lakbayin hanggang dito sa ikalawang aklat ng buhay at pag-asa…




HUGTUNGAN SIX
IKALAWANG AKLAT, KABANATA – ISA

Pinya Colada

Sa pagbalik ng liwanag ay aking hindi napasinayaan ng husto ang mga nagaganap sa aking kapaligiran dahil ang aking mga mata ay tila baga nakasuper glue na dahil sa sangkatutak na muta na namuo dahil sa aking mga luhang dulot ng aking pag-aalala sa love team nila Samson at Delilah.
Mabuti na lamang ay may nagpahid ng kung anu mang basang bagay sa akin at nawala na din ang namuong dilaw na bato sa mga talukap ng aking magagandang mata.

PJ:        Men dilat na. Yan ah mag-thank you ka sa ‘kin at inalis ko mga muta mo.

Anak ng bakang nakalata!!! Alam ko na kung anu yung bagay na naipahid sa‘kin! At sa sobrang poot na aking naramdaman ng mga kisapmatang iyon ay aking binuo ang desisyon na paslangin na nga si PJ.

Ngunit, datapwat, subalit ako ay natigilan nang aking napansing nakatigil din ang aking mga kaibigan…
           
Wala ding umiimik at nagbibitaw ng kahit katiting na alingawngaw at malayo ang kanilang tinatanaw. Napuno ng agam-agam ang aking gakuntil na utak dahil sa kanilang ipinapamalas kung kaya’t naudyukan nila akong tumingin sa kanilang tinititigan…

Di ko alam kung paano ko isasalarawan ang mga tagpong nakalatag sa aming harapan pero I’ll try. Isang malawak na lupain, lupang isinumpa kung aking bibigyan ng ngalan, malawak na lupaing nadiligan ng kulay pulang sanaw na umaagos mula sa mga taong nakalagak sa iba’t-ibang panig ng liyanong iyon.

Chet:   Dre, nakakatakot naman dito. Parang may labanang nangyari dito sa lugar na to ah.
JC:        I know. Parang may gera
Wino:  Parang yun napapanood ko sa pelikula.
McJ:     Ou nga ‘Nam, ganyan nga yun, daming patay. Nakakakilabot.

Ako man ay nangilabot din sa aming nasasaksihan ng mga oras na iyon. Ibang-iba ang anyo at ayos nito kung ikukumpara sa pelikula. Nakaririmarim tingnan ang tagpo kaya minabuti naming pagkasunduang lisanin ang balakyot na pook na iyon.

Ngunit bago pa man kami makakibo at magawang igalaw ang aming mga hinlalaki sa paa ay isang tumpok ng ‘di namin mapangalanang mga nilalang ang biglang humambalang sa linya ng aming paningin.

Kim:     Sa tingin ko dre, di mababait yang mga yan.
Ipoy:    Ano gagawin natin?
Danny: Di maganda ‘to. Kelangan makaalis na tayo dito.
Nhoel: Oo nga. Delicades.

Tama si Lele. Alam naming lahat na delicades nga kung mananatili pa kami sa lugar na ‘yon. Gayunpaman ay sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay tila wala kaming magawa at walang ni isa sa amin ang makagalaw mula sa aming kinatitirikan. Sa hitsura ng aming mga bagong kalaban ay mababakas mong hindi sila ang tipong nagpapaliguy-ligoy pa. Sila yung tipong patay kung patay. Isang maling hakbang lang ay siguradong madidiligan ng dugo namin ang sinumpang lugar na iyon.

PJ :       Anu gagawin natin? Lalabanan ba natin ang mga yan?
Wino: Ano? Sabihin nyo lang? Handang handa na ko.
Eriko: Ako din handa na. Tanda ko pa ang ipinamanang istilo ng pakikipaglaban nila Pilip Bayabas sa akin. Ang “Sayonatsi
McJ : Wah, alam ko din ang kasiningan ng pakikidigmang yan. Tamang tama        yan para mailigtas ko ang manok ko.
Karl :   Teka, anu ba yung technique na yan? Parang wala ata ako nung itinuro     yang sayonatsi na yan?
Wino:  Hayaan mong apoyuhan  kong magliwanag ang nagdudumilim mong katalinuhan, kapanalig kong Frankster. Ganito yan, una, gawin mo yung first step sa action nung kantang my toes my knees my shoulder my head, pero hanggang una lang, tapos alisin mo slipper mo,tumindig ka, hawakan mo ang nakakagayumang tsinelas na ito na para bang isang napakalakas na sandata, at ipukol mo ito nang buong pwersa sa iyong mga katunggali habang ipinapalahaw ang mga katagang “SAYONATSI..”  Parang ganito….

At iminostra nga ni Wino kung paano gawin ang teknik na iyon kung saan alam na din naman iyon ng halos lahat ng nilalang ng four only. Si Karl nga lang ata ang hindi dahil wala nga ata sya nung mga panahon na iyon. Baka natapat iyon sa araw na sumailalim si Karl sa isang maselang operasyon sa paa nang dahil sa pagkakadulas niya habang nagdidilig ng mga halaman. Sinigaw na ni Wino ang sayonatsi at ipinukol na ito sa mga kalabang di pa napapangalanan.

Wino : Waaaaahhhhhh…!!!!! SAYO-NA-TSInelas ko!!! Takbo na!!!
PJ :       SH**!!!! Wino!!! Bakit mo ginawa yun? Bakit mo binato sa kanila tsinelas mo! Tumakbo na tayo. No choice na.
JC :       Kala ko bang demonstration lang? Bakit tinotoo mo na? Tingnan mo naglaway na mga kamukha mo! Papaslangin na tayo ng mga yan.
Wino :Ah, eh , sorry. Nacarries away lang.
Chet : Lintik ka Wino! Nu pa ginagawa nyo, ayan na sila, takbuhan na naman!
Gail : Tang juice! Takbuhan na naman! Malamang sumpungin na naman ako        ng pulikat.
Kim :    Loko dre, bahala ka kung di mo kayang tiisin yan ngayon, basta ako tatakbo na!
Eriko: Haha! Maiwan ka na lang pag pinulikat ka. Basta ako mabilis tumakbo, dati akong athlete of the year eh.
Vince:Sabi nga nila, para makaligtas ka sa shark attack, kelangan lang mas mabilis kang lumangoy sa kasama mo. Parang ganito lang din yun.
Ipoy:    Oo nga, kaya alin lang senyong dalawa ni Karl yung maiiwan. Pag pinulikat ka ikaw na yung maaalay pero pag hindi ka pinulikat, for sure si Karl na, kasi mabigat yung bakal sa paa nyan eh. Haha!
Karl:    T@n6 nA!!!
Nhoel:Ok lang yan dre. Ots napano naman kung maalay para sa mga kaibigan. Hahaha!
McJohn: Ayan na sila! Takbo na!      

Nakakapagpaapaw talaga ng lugod ang samahan ng barkada, kahit sa bingit ng kamatayan ay iringan at biruan lang ang aming napapairal. Natutunan na din kasi namin na kahit anu pa mang paglilitis ay walang problema dahil para saan pa at makakaraos din naman. Kailangang hindi matuon ang buong kaisipan kakaisip sa hindi mo maisip-isip na mga problema mo. Ika nga ni MC John sa motto nya in life “If there’s a wheel, there’s a way”, nung interview ni Mam Agustin, yun nung bago ba makapasok ng High School? Pero mas mainam ata yung sinabi nung isa ko pang kaibigan kahit medyo high ata sya sa katol nung mga sandaling yun pero kahit ganun eh medyo may kalaliman din na lagpas tao yun baha este yun naiusal nyang mga kataga : “Alam mo, ang problema? Hindi totoo yun, niloloko ka lang ng mga tao na totoo ang salitang problema. Ang totoo, pag nakakaranas ka ng mga pagkakataon na iniisip mong namomroblema ka, yun ang mga oras ng portuna ng mga solusyon.” Ewan ko din, pero ngayon ko napagtanto yung mga sinabi nya, kahit nung oras na binanggit nya yun ay nakalimutan na din nya agad. Para lang isang positibong kabatiran sa pagharap mo sa mga pagsubok ng buhay. Sa kanya ko din nabatid na wag sagad ang pagseseryoso mo sa buhay dahil ang buhay, hindi tayo sineseryoso nyan. Kaya eto, mamamatay na, nagtatawanan pa. Medyo sumobra ata ng konti yung hindi namin pagseseryoso sa buhay, pero ayos lang din siguro…

Gail :    Dwre!!!! Mukhang pinupulikat na naman ako!!!
Nhoel:Lintikan ka, ayan ka na naman. Hindi na leon yang humahabol sa atin.       May mga utak yang mga yan. Lilikidahin ka ng mga yan.
Chet:   Panay namang pinupulikat! Wag ka na nga sumama sa susunod!
Karl:    Yes! Ligtas!
JC :       Aabutan na tayo. Hurry up guys!

Sa pagkakasambit ni JC ng mga terminong iyon ay nagawa na ngang makalapit ng mga nilalang na humahabol sa amin. Ngayon ko napagmasdan ang kabuan ng kanilang mga anyo. Nakamaskara sila, na marahil siguro o baka siguro ay eto ang kanilang gayak pandigma.

Sa isang kagyat na saglit lang ay nagawa na ng mga kaaway na maalpasan ang bilis ng aming pagtakbo. At sa mga mahigpit na saglit na iyon ay nagawa nilang hablutin ang kapoot poot na si Gail. Nahinto kaming lahat sa pagtakbo sa pag-aalala sa aming malapit nang mapaslang na kaibigan. Hinihintay namin ang mga sandali at pinagmamasdan ang mga galaw ng aming mga katunggali. Napasinghap ako nang magsimula nang magtaas ng gulok ang isa sa kanila at akto nang tatagpasin ang kawawang si Gail. Nang dahil sa pulikat ay magwawakas ang kanyang hininga at tuluyan nang hindi mamulatan ang ganda ng haring araw ng aming sariling panahon…

Pero bago pa man mangyari ang lahat ay biglang nagsisigaw si PJ..

PJ :       Papa!!! Yah!!! Mga papa!!! Yahoo! Ang swerte naman!
Ipoy:    Nandito si Pedok?! Asan?
PJ:        Hindi si Pedok, ayun oh mga papables.
JC :       Ano ka ba PJ? Mamamatay na ang kaibigan mo, kinikilig kilig ka pa dyan  sa mga papaslang sa kanya?
Wino:  Sira ulo ka ah. Gusto mo paunahin na kita sa byahe papuntang impyerno   kesa dito kay Gail eh?
PJ :       Ano ba kayo guys? Hindi yang mga yan. Ayun oh…!

????? :             “What is our profession?”
?????????        :           “Ahoo! Ahoo!”

Mga papable nga yung mga dumating. Ako man ay hindi ko itatangging nag-isip din ako ng mga imoral na bagay nung mga sandaling iyon. Isang tribo ng mga kalalakihang naglalakihan ang mga katawan, lahat ata ng parts ng katawan nila, muscle. Napakalaki ng kanilang mga sandata na lubos na ikinagalak ni PJ. Armado sila ng mga sibat at kalasag.

At sa isang iglap, naisalba nila si Gail sa tiyak na kamatayan. Isang napakatulin na sandali lamang ang kinailangan ng mga maskuladong mama upang magawang tapusin ang kakayahang huminga ng mga dugyot na mga nilalang. Mabilis talaga. Ayan ganyan lang kaigsi yung naging laban nila.

JC:        Maraming salamat sa inyo mga kaibigan.
Gail:     Ou nga, isang tabong pasasalamat sa inyo. Mabuti na lamang at nailigtas ninyo ako, kundi baka ano na nangyari sa‘kin…(t@ngn@ng yan, laging ako na lang yung nililigtas…)
????:    Maaring naisalba namin kayo ngayon, pero isang bagay ang tiyak, hindi tayo magkakaibigan. Magkakasama lang tayo ngayon pero hindi tayo magkakaibigan. Wag sana ninyong masamain o mabutihin ang pakikitungo namin sa inyo, subalit ang mga tulad nyo ang mga klase ng tao na kinaiinisan namin. ‘Di ba guys?
?????   :Ahoo! Ahoo!
????:    Hindi nyo ba nalalaman na napakapanganib ng lugar na ito? Maraming masasamang loob at masasamang labas ang naglipana sa pook na ito. At sa tantsa ko sa inyo ay parang wala kayong mga talent at kahit isang kampon lang ng kadiliman ay hindi ninyo kayang gapiin. Mga mukha kayong walang silbi. Walang kwenta ba, ganun. No offense.
Kim:     Alam namin yun. Eh sa totoo lang di naman namin gustong andito kami    eh.
Wino:  Oo nga, wala lang kaming chance.
Ipoy:    Anung chance? Baka choice! Katugeks.
????:    Kahit pa. Dapat sana ay hindi na pala namin kayo iniligtas, dahil sooner    or letter eh masasawi na din kayo, magtago man kayo sa ilalim ng lupa.
Eriko:  OA ka naman. Kahit sa ilalim na ng lupa?
????:    Ah, eh, sige ikaw makakaligtas ka pag nagbaon ka sa lupa. Hindi ka mahahalata lalo na pag nagbuburak na yung soil.
McJohn:HAHAHAHA!!!!! Mapagpatawa din pala tung mga mamang to eh.
????: Oo naman. May sense of humor kami. Pero may sense of horror din, dahil   sinisigurado ko sa inyo na mamamatay lang kayo dito.
Chet:   Amo. Boss, eh batid naman namin na tama ang mga sinasabi ninyo. Wala ba kaming magagawa upang maibsan naman kahit konti ang porsyento ng aming kamatayan sa pook na ‘to?
????:    Wala na! Pwera na lang kung marunong kayong makipaglaban. Pero I highly doubt it, mukha kayong mga tatanga-tanga lang eh. Hindi naman sa nilalait ko kayo pero parang mahihina kayo eh, mga walang kakayahan o potensyal man lang.
Vince:Hindi nyo ba kami pwedeng turuan?
PJ:        Ay saya!!!
????:    Paumanhin subalit, busy kami eh.
Wino:  Sige na naman bossing…
????:    Hindi talaga pwede eh. Pero dadalin namin kayo dun sa kuta ng Alay         Forces. Yun lang ang magagawa namin para sa inyong mga tanga.

Napapayag din namin yung grupo ng mga kalalakihan na humigit kumulang…

McJohn:….298, 299, 300…

Yung grupo ng 300 kalalakihan…dadalin nila kami sa lugar kung saan syempre hindi namin alam, hindi naman kami taga rito. Hindi din namin alam kung anong klase ng mga nilalang ang makakasalamuha namin sa sinasabing kuta ng mga kolokoy na to. Alay Forces? Parang maaalay lang kami dun ah. Pero ganun pa man ay sumama na lang din kami. As if naman may iba pang choice di ba?

Ang kapalaran namin ngayon ay naihalintulad ko sa isang saranggolang napatiran ng lubid. Sa ngayon ay nakakapaglayag pa sa himpapawid ngunit wala ni isa man sa amin ang nakatitiyak kung hanggang kailan tatagal ang halik ng hanging malamig na sya na lamang nakakaalalay sa paglipad. At sa napipintong paglalaho ng bugso ng hangin ay sigurado na ang lagpak ng saranggola sa lupa…
                       
Ilang oras din ang lumilipas at lakad lang kami ng lakad. Alay Lakad patungo sa Alay Forces. Walang imikan. Tahimik ang bawat isa sa amin. Kanya kanyang kausap sa aming mga damdamin. Nag-iisip, nagliliwaliw ang mga utak, naghahanap ng mapapagbagsakan ng sisi. Pero para saan pa, balewa din kahit anung hinanakit ang ipamalas namin. Nagconcentrate na lang ako sa paglalakad dahil baka madapa pa ‘ko o kaya naman eh makaapak ng eks… Kung pagbabasehan, medyo matalinghaga din yun ah, bigyan mo ng atensyon yung paglalakad mo at baka sinong eks na pala ang naapakan mo.
                       
Nagliliwaliw pa ang aking kaisipan at papalapit na sana ako sa alapaap nang magsalita yung lider lideran ng pangkat nila.

????:    Hanggang dito na lang namin kayo masasamahan dahil obvious naman,    nabiyak na ang daan.
Nhoel:Huh? Nabiyak? Baka mahulog tayo!!!! Parang sa movie na 2012.
Kalo:    Ogags… ibig sabihin nabiyak, dalawa na yung tinutunton ng daan.
????:    Dito sa kaliwa yung papunta sa kuta ng forces na sinasabi namin sa inyo. Itong sa kanan ay ang koponan ng masasamang loob at labas. Basta tuntunin nyo lang ang daan at siguradong maliligaw na kayo, este hindi kayo maliligaw. Bagtasin nyo lang ang daan na ito hanggang sa abutin ninyo ang kagubatan. Sa loob ng kagubatan ay nandoon ang kuta ng Alay Forces.
Danny:Salamat. Salamat talaga at tinulungan nyo kami, kahit di nyo sinasadya.

Umalis na ang kanilang tropa at hindi man lang pinansin ang aming mga pasasalamat at kami naman ay nangaiwang nakatanga at nakatitig lamang sa tinutumbok ng kaprasong daan. Medyo aninag ang anino ng gubat at makakadama ka ng manipis na takot at pangamba habang pinagmamasdan ang hilatsa ng aming tatahaking landas. Ngunit walang ibang magagawa kundi humakbang at sumulong upang makamit ang ginhawa.

Nagtungo kami sa liblib na lugar na iyon nang hindi nalalaman ang maaring sapitin ng aming mga buhay. Walang may alam sa amin kung ano na namang pagsubok ang isasampal sa amin ng tadhana. Ni isa sa amin ay walang nakahula sa mga sumunod na naganap.

Inabot na namin ang gubat nang makasalubong namin ang isang pangit na pulubi. Nakahambalang sa daan at talaga namang maiinis ka dahil nagpapapansin pa sya talaga at nakagitna sa kalsada.

Gail:     HOY! Matandang pulubing mabaho na nakaririmarim ang hitsura! Tumabi ka nga dyan at baka….
Tanda:Anu ka sinusuwerte? Bakit naman kita tatabihan? Ano ako cheap?
Gail:     Matandang ‘to…! Talagang nambubusit aba….! Umalis ka na dyan baka     masipa pa kita!!!!
Danny:Dre wag ganyan, matanda yan oh. Alam namin bugnot tayong lahat          dito pero wag naman tayo makakalimot sa GMRC.
Kim:     Ou nga dre, wag kang magpadala sa emosyon mo.
Wino:  Kontrolin natin ang ating mga nararamdaman.
McJohn:Kanina ko pa nga kinokontrol eh. Naeebs na ko.
Gail:     Ede umebs ka! Ikiskis mo yung puwit mo dun sa damuhan na yun oh tapos ipakain mo sa manok mo yung eks mo… o kaya ibigay mo dito kay tanda… Tabi nga dyan!!! (sabay tulak sa matanda at muntikan na itong mangangudngod sa lupa…)

Sa ginawang iyon ni Gail ay bigla na lamang isang matinding liwanag ang bumalot sa paligid at sumilaw sa aming mga mata. Ang pulubing inapi api ni Gail ay nagpalit anyo at mas lalo pang pumangit. Isa pala itong... ubod nang pangit na pulubi... at tsaka meron din pala itong kapangyarihan. Kapangyarihang sana ay hindi na lamang namin natunghayan…

Tanda:Ananas Comosus!

Sa pagkumpas ng kamay nito, ang kawawang si Gail ay naging pinya. Oo tama. Kahit basahin mo ulit pinya pa din yung nakasulat. Si Gail ay napailalim sa isang sumpa, at naging pineapple.

Shock kaming lahat sa nangyari. Tinigasan kaming lahat ng panga sa naganap. Hindi na namin napansin ang paglalahong parang bubbles bubbles balloon ng matandang pulubi. Hindi namin sukat akalain ang sasapiting iyon ni Gail.

Hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Mahirap paniwalaan. Pero hindi dahil hindi natin kayang tanggapin ang isang bagay ay hindi na iyon totoo.

Namurit na talaga, hindi ko na alam ang gagawin sa sandaling iyon. Hindi kayang abutin ng aking kamalayan ang mga kaganapang iyon kaya tumindig ako at buong lakas kong sininghot ang likidong nagsisimula nang tumulo sa aking ilong. Nakita ko si Karl na maglulupasay na sana sa lupa at magngangangakngak, pero…

????:    Tae! Anung nangyari? Bakit lumaki kayong lahat???
                       
                        Si Gail, nakakapagsalita pa! bilang isang pinya!!!

Wino:  Astig to ah! Pinya ka na, nakakapagsalita ka pa din!!!
Gail:     Anung pinya pinagsasasabi mo dyan?
                                   
Mukhang hindi pa alam ni Gail ang mga naganap sa kanyang malanding katauhan. Walang umiimik at tumugon sa kanyang mga katanungan. Nang ‘di maglaon ay tumahik na rin si Gail at tila napagtanto na niya ang mapait na sinapit ng kanyang kapalaran. Mababakas sa mga mata ng bawat isa sa amin ang lungkot at awa para sa aming kaibigan. Gusto namin syang damayan subalit wala kaming alam na mabisang paraan upang mabigyan siya ng comfort. May namumuo nang perlas sa gilid ng aking mga mata nang biglang may bumigla sa aming lahat…
           
Isang halera ng mga kakaiba ang posturang mga nilalang ang kanina pa pala tahimik na nakamasid sa aming lahat…

???:      Sino kayo?
????:    Anong ginagawa ninyo sa part ng gubat na ito? Espiya siguro kayo ng mga kaaway ano?
????? ????:      Walang ibang nakakaalam ng daan papunta sa lugar na ito.
Karl :   Hindi kami naghahanap ng gulo.
Vince:Ang totoo nyan ay gulo ang naghahanap sa amin.     
Kim:     Pasensya na sa inyo kung nakakapagdulot man kami ng disturbance sa inyo.
Nhoel:May hinahanap lang kasi kaming grupo.
JC:        Sa totoo lang ay hindi namin alam kung sino ang aming hinahanap. Dinala lang kami ng pangkat ng 300 dito at nagbigay ng directions upang mahanap ang Alay Forces.
????:    Kung ang tatlong daan ang nagdala sa inyo dito ay siguradong mga tatanga tanga kayong mga nilalang.
???:      Pero no prob. Pwede namin kayong matulungan.

Sa binanggit ng lalaki ay lumaki ang aking tenga. Sumaya kahit katiting ang aking kalooban at panandaliang nawala sa isip ang pinyang aking hawak. Aking pinagmasdan ang pulutong ng mga nilalang. Ang isa sa kanila ay pure green ang gayak, naka skinny jeans na kulay green din syempre, may mahaba at matulis na sapatos at may dalang pana. Ang dalawang binatilyo na magkaakbay ay parehong nakasuot ng jumper, ang pinagkaiba lang ay nakatupi hanggang tuhod ang kaliwang bahagi ng pantalon ng isa at ang isang binatilyo naman ay may suot na straw hat. Mayroon pang tatlong bigotilyong mama na pare-pareho ang postura, may suot na malalaking sombrero, at may mga dalang espadang pang fencing. Ang isa namang nilalang na matindig ang pagkakatayo ay may gintong korona at isang napakagandang espada. Katabi niya ang isang matanda na nakacostume tulad ng mascot ng Enchanted Kingdom.

Isang matinding reyalisasyon ang rumehistro sa aking utak. Naloko na talaga! Inaamin ko, nung mga sandaling ‘yon ay gusto ko na ding magfreak out, magtatalon at magtitili, mabuti na lamang at may natitira pa akong kontrol sa aking mga emosyon. Kung saan saan na kami napadpad. Wala ni isa sa amin ang pamilyar sa lugar at panahon na yon. Pamilyar sa amin ang mga tauhan, ngunit ang mga kaganapan ay bago lahat sa aming mga kamalayan. Gayunpaman ay umihip pa din ang hangin ng pagkapanatag sa aking damdamin.

Ang tropa ng mga nilalang na nagpakita sa aming mga harapan ay kinatatampukan nina Robin Hood, Huck Finn at Tom Sawyer, 3 Musketeers, at sina King Arthur at Merlin. Ang Alay Forces ay natagpuan na namin.

Robin Hood: Napagpasyahan naming lahat na buuin ang samahang ito upang      mas madaling masugpo ang aming mga kalaban.
Huck:   Oo nga, masyado na din kaming nahihirapan kay Indian Joe eh. ‘Di ba       Tom?
Tom:    Tama si Huck. Sa ganitong paraan, natutulungan nila kami at         matutulungan din namin sila. Win win situation.
Ipoy:    At tutulungan nyo din kami?
King Arthur: Walang kaso sa amin yun.
Robin Hood: Pero sa tingin ko ay madami tayong dapat pagdaanan, sa dating      kasi eh, wala kayong mga talent.
3 Musketeers: Dadaan kayo sa seryosong training... (sa hindi ko maipaliwanag    na dahilan ay laging sabay sa kahit anung gawin ang tatlong musketeers   na ito, yun ata yung all for one, one for all)
           
            At isinama na kami ng Alay Forces sa kanilang Training Ground. Iba ang simoy ng hangin, mainit na mamasa-masa. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kataka-takang lumakas ang paghatak ng gravity sa lugar na iyon dahil lahat kami ay nahihirapang gumalaw at ang aming mga kasuotan ay biglang nangagsibigat. Sa atmosphere pa lang doon, alam mo na kaagad na napakahirap ng pagsasanay na kanilang isinasagawa sa kanilang hukbo. At ang madugong pagsasanay na iyon ay amin na ring mararanasan.

            Kulang pa ang salitang napakahirap para ilarawan ang training. Hindi maabsorb ng aming katawan ang kanilang itinuturo, o sadyang mapurol lang talaga kami? Nauubusan na ng pasensya ang aming mga professor. Andyang gupitan na kami ni Robin Hood sa pamamagitan ng pagpana sa aming mga ulo at si King Arthur naman ay halos tagpasin na ang aming mga daliri ng kanyang excalibur. Pero ang pinakamatindi sa lahat ay ang parusa nina Tom at Huck. Pinapakanta kami ng “Humayo ka” habang nakalubog sa tubig. Mabuti na lang si Gail ay isa pa ring pinya, di nya nararanasan ang hirap. Ilang oras na lang ang kailangan at siguradong hindi na kami mapapatay ng mga masasamang nilalang sapagkat siguradong dito pa lang ay mawawakasan na ang aming mga hininga...

                        Hindi na masikmura pa ni Merlin ang lahat kaya...

Merlin :May dalawang linya kung pano ka mabuhay sa pakikipagsapalaran sa mundong ito. Ang una ay tila baga walang himala, at ang ikalawa ay lahat ay parang isang himala. Sa puntong ito, hindi ko alam kung paano pa kayo matutulungan, kahit himala yata ay hindi makakaagapay sa inyong pag-unlad. Wala kayong talento!
JC:        Sakit nyo naman magsalita. Alam namin ang lahat ng ‘yon. Di naman kami sanay sa ganito. Kung mang-aalipusta lang kayo, sana ay no further comments na lang.
Merlin :‘Di nyo ‘ko masisisi kung pagsalitaan ko kayo ng malulupit dahil sinisiguro ko sa inyo na dito na ang magiging huling silbi ng mga katawan nyo... pataba sa lupa.                                   Pero may tsansa pa sana kung kumpleto lang ang formula ng aking love potion, erh, strength potion pala...
Eriko:  Anong potion yun manong?
Wino:  Tsaka anong formula?
Karl:    Anong kulang sa inyong formula?
Merlin :Wala namang kulang sa aking formula mga idyotang kabataan. Kulang lang ako ng mga sangkap. Kung libre lamang sila Tom ay naipakuha ko na sa kanila ang aking mga kailangan, eh ang kaso, nakikita nyo naman na super busy silang lahat sa pag-eensayo. Sila Peter Pan naman ang 7 dwarfs at ang iba pang mga members ay may kani-kaniyang misyon.
Kim:     Ano po ba ang kulang sa inyong recipe? Baka pedeng kami ang            maghanap ng mga iyon?
Merlin :Konti lang naman ang kulang, madaling hanapin. Ang problema ay paano kung abutan kayo ng mga kaaway habang hinahanap ang mga sangkap?
Danny:Malaking problema yan maestro, napakamapanganib na misyon, lahat     ay nakataya.
JC:        Walang kasiguraduhan ang tagumpay, pero yan ang panganib na nais naming kaharapin.
Karl:    Susugal na kami ngayon. Ilista na ninyo ang mga kailangan naming hanapin at kami na ang bahalang sumalisi. Medyo magaling naman kami sa bagay na iyon.
Merlin :Kung gayon ay tanggapin ninyo ang listahang ito.   
                        Iniabot sa amin ni Merlin ang xerox copy ng kanyang recipe…
pampalakas
NilRem
           
direkzion

1.Pakuluan ang ihi ng butete sa ilalim ng araw.
2.Pigain ang katarata ng mata ng buwaya at banayad na ihalo sa kumukulong ihi ng butete.
3.Tunawin sa isang baso ang pinulbos na kuko ng tigre, ipahid sa iyong mukha. Pampakinis.
4.Haluin ang ihi gamit ang buhok ng hito.
5.Ilagay sa lilim ang ihi. Palamigin.
6.Magsalin sa baso. Inumin kasabay ng dagta ng rubber tree...

Mga  Kailangan

*Isang tabong ihi ng butete.
*Dalawang hibla ng buhok ng hito.
*Apat na kutsaritang dinikdik na kuko ng tigre.
*Mata ng buwaya, yun may katarata.
*At isang kilong dagta ng rubber tree.
 
















            Dinakot namin ang coupon bond na listahan ni Merlin. Matagal naming tinitigan ang 1 whole paper habang kanya kanyang malalalim na buntong hininga ang maririnig sa aming lahat. Hindi mapakali ang aming mga damdamin. Gusto ko nang tumanggi pero may mga bagay na kahit anong pasya mo, sa bandang huli ay hindi mo pa din mabitiwan. Sadyang may mga bagay na hindi natin gustong i-let go, mga taong hindi natin kayang talikuran… Kailangan lang namin ay patience. Tanggapin na lang namin ang mga bagay bagay kung ano talaga sila at tingnan nang makatotohanan ang mundo sa paligid. Kailan ba ang tiyak na oras kung saan binibigay mo ang full effort mo para maisakatuparan ang isang bagay? Di ba pag ikaw ay gumagawa na ng hakbang? Basta magtiwala lang sa aming sarili at sa kung ano mang landas ang aming mapili, at anong pinto ang aming maibubukas...







Itutuloy...






Agad...

HUGTUNGAN KAPITO
IKALAWANG AKLAT, KABANATA – DALAWA

Alay

Merlin :Wag nyo nang pakialaman ang direksyons dahil ako naman ang gagawa nyan. Basta tipunin ninyong lahat ang ingredients.
Karl:    Opo maestro. Tara na guys lumakad na tayo.
Chet:   Teka Karl, nabasa mo na ba tong listahan ni manong?
Kim:     Ou nga dre, mukhang malabo ata na makuha nating lahat ‘to.
Wino:  ‘Di yan, kasama naman natin si PJ eh. Maliwanag yan. Tsaka isa pa, magtiwala tayo sa ating mga sarili. Hanapan lang ng materyales yan, kayang kaya.
McJohn:Tama si Wino! Magaling ata akong maghanap.
JC:        Tama mga kaibigan. Kaya tara na para di tayo abutan ng gabi.
Vince   :Bakit Prof? Hinahabol ba tayo? Hehehe joke lang. Tara na.
                       
            May pahabol na punchline pa si Vinards bago namin tuluyang inumpisahan ang tila baga napakaimposibleng misyon (tumutugtog sa background yung theme ng mission impossible) ngunit kahit may kaunting ngiti ang naidulot ni Marvin sa kanila ay nanatili akong malungkot dahil si Gail ay isang pinya. Nalulungkot ako dahil ako ang may dala sa kanya, at tsaka naaawa na din siguro ‘ko. Kasi naman, ikaw ba naman maging pinya ‘di ba?
                       
            Pasalisi naming ginalugad ang rehiyon ng lugar at isa isang pinapakiramdaman kung saan matatagpuan ang kinaroroonan ng mga ingredients. Kailangan lang naming maging pasensyoso, para saan pa at matatapos din ang lahat, ‘di ba lahat ng sinulid ay may dulo. Naniniwala akong matatagpuan namin ng walang hirap ang aming mga paghihirap. Basta hindi lang kami magkanya kanya. Dapat ay magtulungan at wag maging self centered. Dahil oras na maging reklamador ang isa sa amin ay siguradong papalpak na ang misyon. Ganun naman talaga sa buhay. Wag kang maging reklamador, wag mong isisi sa lahat ang mga nangyayari sa iyo, o kaya ay hingin ang atensyon ng lahat, hindi dapat na gusto mo eh laging ikaw. Anu ba? Hindi ka naman araw para sa‘yo lang umikot ang mundo ‘di ba?
                       
            Halos lahat ng sangkap ay aming natipon na. Nanguha kami ng libo libong butete at inilagay sa isang tila baga kulambo upang masala ang kanilang mga ihi. Pagkadakay inahitan namin ang nahuli naming hito sa sapa. Nilinlang din namin ang isang tigre upang ma-nail cutter ang kuko nito. Simpleng simple ang mga task. Kinayas namin ang mga dagta ng rubber tree na natagpuan namin sa gitna ng kakahuyan. Subalit may isang problema, hindi kami makahanap ng buwaya. May matsing pa naman kaming nakuha upang ipangpain sa kanya. Malapit na sana kaming sumuko nang may marinig kaming kakaibang tunog...

Tick tock, tick tock, tick tock, Tick tock, tick tock, tick tock, Tick tock, tick tock, tick tock…

            Tunog ng isang orasan. Subalit hindi namin lubos maisip kung saan nagmumula ang tunog ng orasan na iyon. At nang mula sa ilalim ng mababaw na sapa ay umahon ang isang dambuhalang buwayang may bulaklak sa ulo. Ngunit sa hitsura ng buwaya ay hindi na ito mapanganib. Kung titingnan mo ay kulang na lang ay salamin at saklay upang kumpleto na ang looks nito. Matanda na ang asta ng buwaya at uugod ugod na. Ang hindi ko lubos na mapagtanto ay kung bakit tunog orasan ang mga kilos niyon. Hindi ko maipaliwanag pero parang may kakaibang sensasyong kumakalabit sa likod ng aking kaisipan subalit hindi ko na lamang iyon pinansin. At sa huling hakbang ng buwaya ay bigla na lang itong nagcollapse sa aming harapan. Wala na kaming inaksayang oras pa at dali daling dinukot ang mga mata nito na syang kumumpleto ng koleksyon ng malinamnam na sangkap sa espesyal drink ni Merlin.
           
            Magbubunyi na sana kaming lahat subalit may naulinigan kaming mga yabag ng paang papalapit sa aming kinaroroonan kaya kami ay biglang nagkubli sa mga water lily na pumupuno sa buong paligid ng sapa, at sya namang sumapat upang kami ay ma-camouflage. Nang makarating sa aming lokasyon ang mga yabag ay namataan kong tila napakasaya nung isang mama at mukhang nagdidiwang nang masilayan nya ang bangkay ni grandpa croc. Hindi ko maaninag ang kanyang hitsura sapagkat sya ay nakatalikod. Subalit nang humarap ito ay pagkagimbal ang bumalot sa aming lahat. Putol ang kamay ng mama subalit may nakakabit na hook dito. Oo. Tama ang hinala mo, ang nilalang na ito ay walang dilit iba kundi si Captain Hook at kasama nya pa sila Indian Joe, ang Big Bad Wolf at si Dracula!

            Hindi ko na alam ang aking gagawin sapagkat nawawalan na yata ako ng tibay ng loob at parang gusto ko nang sumuko. Isang segundo pa ang nakaraan ay tuluyan na naman akong nawalan ng malay tao...
           
            Posibleng maging masaya o masayahin sa halos lahat ng oras. Tingnan mo na lang ang mga maliliit na bata, at iyong makikita ang natural na pagkamasayahin sa kanila. Pwede mong sabihin na ang mga bata ay malaya at walang kung anu mang suliranin at pasanin sa buhay,  pero kung titingnan mo, ikaw din naman! Malaya tayong mamiling mag-alala o piliin nating maging masaya. At kahit na anong piliin mo ay eksaktong iyon din ang makukuha mo. Pagkabalisa ay makakaakit ng mas marami pang pagkabalisa. Lugod ay magdadala ng mas madaming lugod. Ang lahat ng ito ay aking nakikita habang ang aking diwa ay naglalaro sa alapaap. Walang problema sa ngayon sapagkat panandalian akong nakatakas sa kasalukuyang mundong aming ginagalawan. Sa mga oras na iyon, kung akin lang alam na ako’y nasa isang panaginip, marahil ay mas pinili ko nang wag nang idilat ang aking mga mata upang tuluyan nang matakasan ang dugyot na katotohanan ng aming kapalaran. Pero hindi rin siguro, andyan naman ang mga kaibigan ko na kadamay ko din sa ganitong sitwasyon. Kailangang gumising upang samahan sila sa kalbaryo ng buhay. Kailangang makagawa ng epektibong paraan upang mapagtagumpayan ang suliranin ngayon. Subalit kung desperado kang gumawa ng isang bagay, ang pinakamainam na gawin ay maghintay. Maghintay na ang iyong desperasyon ay maging isang positibong pwersa. Sapagkat ang mga desisyon mo habang nasa estado ka ng pagiging desperado ay mahina. Step back ka muna, parang ako ngayon, hinimatay muna kunyari. Gamitin mo ang oras at manakanaka mong ibahin ang mga negatibong desperasyon sa isang makabagbag damdamin at positibong pag-unawa ng determinasyon. Wag magpokus na takbuhan ang mga bagay bagay. Kunyari maglalasing ka? Sabi nga, walang maitutulong ang alak sa problema mo. Pero kung iisipin, ganun din naman ang gatas. Basta, ibuhos mo na lang ang iyong atensyon at lakas sa paglikha ng buhay na gusto mong maranasan. At lagi mong tatandaan na maging disiplinado ka at laging ibigay ang iyong isandaang porsyento sa lahat ng bagay. Hindi pwedeng pailan-ilang porsyento lang o painstallment ang effort mo. Ang sabi nga ni Robin Padilla, “Paano mo mapapalawak ang talino mo kung ikaw mismo hinaharang mo?”
           
            Medyo mahaba na ang aking pagmumunimuni kaya naisipan na din ata nila na ako ay gisingin na…

Ipoy:    Men, gising. Wala na ang mga kalaban.
JC:        Tara na, lumakad na tayo at dalhin ang mga sangkap kay Merlin.
           
            Sa aking pagdilat ay tumindig ako at amin nang tinungo ang daan pabalik sa kuta ng Alay Forces. Medyo nagmamadali na kami dahil sa excited na kaming matanggap ang likidong babago sa aming mga kasalukuyang estado. At sa aming pagbabalik sa kuta ng Alay Forces ay si Merlin agad ang aming sinadya.

Karl:    Bossing eto na ang lahat ng sangkap na kailangan mo.
Wino:  So easy naman pala niyan eh.
Merlin :Ou na. Sige na wag na kayong magyabang.
           
            At sa pagtanggap ni Merlin ng mga sangkap ay isinagawa na niya ang pagmix ng drinks na bebenta sigurado ng malaki sa mga bar…

            Isa isang sinalinan ni Merlin ng kakaibang likido ang aming mga baso. Hindi ko alam kung maniniwala ka pa pero ang mga sumusunod ay ang mga transpormasyong naganap sa aming mga pangangatawan.

            Si Karl ay nagiging bakal ang katawan.
Si Lele ay nagagawang baluktutin ang kanyang katawan sa kahit na anong anggulo na parang lumambot ang kanyang mga buto.
            Si Eriko ay lumaki ang katawan na parang Incredible Hulk.
Si PJ ay nakakapagpalabas ng nakatutunaw na malaasidong likido mula sa kanyang bibig.
Si McJohn ay nakakayang maglabas ng bulitas mula sa dulo ng kanyang mga daliri na nagsisilbing tila baril.
            Si Wino ay naging isang ninja na magaling kumanta.
            Si Marvin ay naging drunken master.
Si Chet ay nagkaroon ng kakayahan upang malaman at matuklasan kung nasaan ang mga tao at bagay sa paligid na tila isang sensor.
            Si Kim ay naging isang malaking gorilla.
Si Ipoy ay naging si Mang Jose at lumalaki ang kanyang dibdib na nagsisilbing isang shield.
Si Prof ay naging isang werewolf at nagsilbing alpha dog ng pangkat. Sa kadahilanang siya lamang naman talaga ang dog.
At si Gail ay nanatili pa ring isang pinya. Dahil hindi nya mainom ang energy drink, ibinuhos na lang sa pinyaple na katawan niya ang likido at nagkaroon ng laser beam ang kanyang mga mata. Yung laser na iba iba ang design, may korteng babae, si santa clause at marami pang ibang design, na magsisilbing pambulag sa aming mga kaaway.
Ako naman ay nasuotan ng isang costume. Naging isa akong taong saging o kaya Banana Man na lang para mas cool.
Dahil hindi magamit ni Ponce del Monte Pineapple ang kanyang sariling lakas ay nagcombine sila ni Banana Man(ako yun). Ayos na ayos, konti na lang salad na...
           
            Natigil ang ensayo ng lahat. Natulala sa kanilang nasaksihan sa aming pagbabagong anyo, namangha sila malamang, lalo na sakin, Banana Man, tunog pa lang astig na talaga.

Tom:    Ayos na! Siguro naman ngayon ay magagawa na nating talunin ang ating mga kaaway.
Huck:   Pero Tom, sa palagay ko ay kailangan pa nilang magsanay. Hindi pa sila pamilyar sa kanilang bagong lakas.
Robin Hood:   Tama si Huck! Kaya wag na tayong mag-aksaya pa ng oras at isagawa na ang inyong pagsasanay.
            Wala pa ding tiwala sa amin ang mga Alay Forces kaya pinakitaan namin sila ng maikling demonstrasyon. Maikli lang. Tsaka sa kanila lang namin pinakita yung demostration...sabi ko namang pinakitaan namin “sila” di ba?
           
            Tuwang tuwa ang Alay Forces at ngayon ay handa na silang ideploy kami sa labanan at expected na nila na kami ay magwawagi sa gerang magaganap...
           
            Wala nang patumpik tumpik pang ginanyak nila kami upang magsimulang maglakbay patungo sa piling ng mga kaaway. Sa mga oras na iyon ay wala na kaming alinlangan. Confident. Huwag ibaba ang ekspektasyon para naman matugunan ang peformance. Dapat na itaas ang estado ng aming pagganap para mapantayan ang mga expectations. Aasahan namin ang pinakamahusay sa aming mga sarili, at gagawin ang anu mang kinakailangan para maisakatotohanan na ang minimithi nilang kapayapaan.
           
            Medyo lumaki ang mga ulo namin, syempre, pero hindi nakasama. Positibong pananaw naman ang naitatak sa aming mga utak. Inisip na agad namin na matutulungan namin ang aming dating mga walang kwentang sarili upang makaalpas sa pagsubok, at sa parehong oras eh, matutulungan namin ang sangkatauhan sa distritong ito na magapi ang kanilang mga mortal na katunggali. Sinasabi ko sa sarili ko na bawat magandang imahinasyon na naiisip, bawat magandang usal na nababanggit, bawat magandang emosyon na nadadama, at bawat kabutihang gawi na naisasagawa, ay nakapagtataas ng prikwensya ng pagtungtong sa mas mataas na estado ng aming mga sarili...

            At nagpatiuna na ang mga Alay Forces upang tahakin ang daan tungo sa tagumpay. Pansin ko lang, parang yung daan ng success eh laging under construction? Parang hindi mo madaanan. Kailangan mo munang maging karpintero o construction worker at kumpunihin ang iyong daraanan kasabay na rin ng iyong pagpapainam sa iyong sarili sa mahabang prusisyon ng iyong pag-abot sa matamis na taluktok ng tagumpay.

            Ilang milya o kilometro ang aming naunlad nang nagsimulang magbago ang simoy ng hangin. Iba na ang amoy nito, kala ko nga may nautot lang pero simoy na pala yun ng mga nagaping nilalang at nanatili na lang na maging supplement sa lupain.

            Eksaktong limang hakbang pa ay hindi na namin nagustuhan ang aming mga nasaksihan...

King Arthur:Pamilyar sa akin ang kasuotan ng mga nilalang na ito ah.
3musketeers:Hindi ko inaasahan na sa ganito hahantong ang kanilang            kapalaran.
Tom:    Pero wag tayong panghinaan ng loob.

            Pero kahit sinabi pa iyon ni Tom ay hindi na napigilan pang lumisan ng iba sa kanilang hukbo. Sapagkat ang aming pinagmamasdan ngayon ay ang mga katawan ng tatlong daan. Nakalagak na sa lupa at pawang hindi man lang nakapalag sa pamamaslang ng mga kaaway. Hindi ko din masisi na matakot ang iba sapagkat kahit ang tatlong daan na nabuhay at sanay na sanay sa pakikipaglaban ay ganito ang kinahantungan...
           
            Nagluluksa pa kami sa aming mga kakilala nang mula sa himpapawid ay nagsimulang umulan ng napakadaming sibat. Tila tinarget kami ng napakadaming archers...

Jeff:     Lahat kayo sa likod ko!!!!
           
            Pinalaki ni Ipoy ang kanyang dibdib ng super laki na syang sumapat upang kaming lahat ay maproteksyonan...

            Sumusugod na ang hukbo ng masasamang nilalang! Walang oras para magpahinga. Simula na ng labanan! Nagfirst move ang mga kalaban. Mabuti na lang at handang handa ang lahat. Medyo mas madami ang bilang ng mga kalaban sa amin...pero ayos lang.

Banana Man&Delmonte Pineapple:Tapos kayo sa ‘min ngayon! Tangapin nyo     ang laser beam...!!!
           
            At nagawang masilaw ng napakadaming kalaban. Chance point!!!

Karl:    Hahahaha!!! Parang si spongebob lang tong mga kalaban!!!
Nhoel:Ba! Nakakailan ka na ba? Ako dame na. Di nila ko matamaan dahil easing easy umilag.
McJohn:Mas madame tong akin!!! Target practice!!!
Wino:  (pakanta-kanta lang habang walang humpay ang paghagis ng mga      shuriken sa mga kalaban)
PJ:        (hindi nagsasalita dahil di talaga sya makapagsalita kakabuga ng asido)
Vince:Shino pa? Shino pa matapang dyan!!!! Hik! Hic!
Eriko:  Kim! Tag team tayo!!!
Kim:     Tag team meraw...

            Mismatch na ang mga kalaban sa aming ekstra ordinaryong lakas. Naging madali ang labanan at nagawa naming lipulin ang hukbo nila. Parang winalis lang, tapos na agad…sweep!!!

Chet:   May ibang nilalang na paparating! Mula sa norte! Iba ang atmosphere     ng mga to... maghanda tayo!!!
           
            Buti na lang at nasense agad ni Chet ang mga paparating, at naging alert ang lahat...

            Ngunit hindi naging sapat ang alertness ng iba. Sa kabilang direksyon ay nagawang saklitin ni Captain Hook ang iba sa aming mga kasamahan. Panay ang lapang ng Big Bad Wolf sa kanila, at pawang napakalakas ni Indian Joe at nagagawa niyang buhatin ang napakalalaking bato upang ipukol sa aming Forces, habang si Dracula ay cool na cool lang na sumisipsip ng dugo sa may di kalayuan. At may kasama pa silang iba pa... si Sabretooth, at ang Juggernaut!

Indian Joe:Hoy Tom! Sumuko na kayo. At sinisiguro ko sa inyo na hindi namin kayo papaslangin.
Tom:    Indian Joe!!! Wag mo kaming ihian sa likod at sabihin sa amin na        umuulan!!!
Huck: Tama!!! Wag mo kaming linlangin!!!
           
            Hindi na mapigilan pa nina Tom at Huck ang bugso ng kanilang damdamin at sinugod nila si Indian Joe. Ngunit kulang ang kanilang lakas upang matalo ang natatanging lakas ng kalaban. Isang wasiwas lang ni Indian Joe ay bagsak agad ang dalawa. Ganun din ang naging kinalabasan ng pakikipaglaban ng tatlong Muskitero. Kahit si King Arthur at ang kanyang magiting na espada ay hindi tumalab sa lakas at pwersa ng kalaban. Pero ngayon ko lang napansin na wala si Merlin sa labanan, naiwan ata sa camp at nirarayuma daw.

            Sa mga nangyayari ay oras na para kumilos kami. Kanya kanya kaming sagupa ng kanya kanyang katunggali...

Banana man & Delmonte: Tapusin na natin to, Wino, Nards, at ikaw Poy.       Magtulong tulong tayo kay Indian Joe...
           
            Habang sinisilaw namin si Indian Joe ay siyang sabay na pagsagupa ni Wino at ni Vinards sa kanya. At nakaalalay si Ipoy sa mga batong ipinupukol sa amin ni Joe...

JC:        Tapos na si Dracula!!! Get get Awwrrrrrooooouuuuu!!!!
           
            Nagawa agad ni Prof na wakasan ang mapang agaw ng lakas na si Dracula...

JC:        Ipaubaya nyo na din sa akin si Sabretooth. Siguradong maglulupasay sa akin yan.
Chet:   Ok Prof! Tulungan kita at sabihin ko sayo kung saan sya magtatago, dahil magaling sa taguan yan.
Nhoel:Ok guys let’s do this! Arbor ko na si Captain Hook. Dahil walang silbi ang   lakas nya sa akin. Kahit kalawitin nya ko ay di mamari.
McJohn:Tatargetin ko na lang ang Big Bad Wolf! Oy PJ gusto mo paligsahan  tayo? Paturuan?
PJ:        Oh Cmon!
Karl:    Mukhang mapapalaban tayo dito sa Juggernaut na to ah.
Kim:     Ou nga pero ‘di bale, yakang yaka yan.

            Pinagtulungan nila Karl at Kim ang Juggernaut subalit sadyang napakalakas pa din nito para sa kanilang dalawa. Kaya no other choice…

Eriko: Ahaha! Tag team na ito!!!! At tatlo pa tayo!!!

            Mahaba ang labanan. Matatalo kami pero di kami sumuko... ibinuhos namin ang lahat!!!

            Sinaid namin ang lahat ng nutrients ng serbesa ni Manong Merlin, at hanggang sa huling patak ay natalo na din namin ang mga kampon ng kadiliman. Ngunit sa pagkakapanalo naming iyon ay kasabay ang unti-unting paglaho ng aming mga kapangyarihan at pagbabalik namin sa normal. Sa paglaho ng aming mga natatanging lakas ay siya namang pagbalik sa dating katauhan nya si Gail. Marahil ay sa kainitan ng labanan ay nagapi din ang tandang sumumpa kay Gail. Hindi ko rin sigurado pero nagpapasalamat na ako. Ayos na ang lahat dahil tapos na din naman ang labanan. Hindi na namin kailangan ng kung ano mang kapangyarihan. At fair trade, nabalik na sa dati si Gail na nung mga sandaling iyon ay kilik kilik ko pa rin pala.

            Nagising na ang iba sa Alay Forces. Nakarekober na at handa na kaming magdiwang sa kapapanalo lamang na digmaan, subalit gumuho ang lahat sa mga sumunod na pangyayari...

Chet:   Sa likod!!! Ilag guys!!!
           
            Walang ni isa sa amin ang nakapansin na may konting hininga pa pala si Captain Hook. Si Chet lang ang nakapuna dahil may sensor sya. Sa huling lakas ni Hook ay ipinangtira nito ang hook sa kanyang kamay at inasinta ang kinaroroonan namin. Mabuti na lang at hindi pa tuluyang naglalaho ang kapangyarihan ni Chet at nagawa nyang hadlangan ang huling atake ni Captain Hook. Subalit...

Chet:   i...  feel cold...
JC:        Cold meraw. Wag ka na magyabang. Salamat at nakita mo yun kundi baka kung sino na ang tinamaan.
           
            Hindi kumukibo si Chet sa pamumuska na iyon ni JC. Nakahawak lamang sya sa kanyang tagiliran. Halata mo ang pamumutla ng kanyang mukha. Unti unti mong maririnig ang pakikipaghabulan niya sa kanyang hininga. May bahid ng kaunting ngiti sa kanyang labi kahit pilit na nangingibabaw ang daing sa kanyang mga mata. Nagsimula at dahan dahang bumabagsak ang mga kamay ni Chet at nagbigay daan upang aming mapagmasdan ang tagilirang kanina nya pa hinahawakan. Umaagos ang kulay pulang lunaw sa kanyang katawan. Biglang bumagal ang galaw ng mundo. Pakiramdam ko’y mahinay na bumibigat ang aking balikat. Nabibingi na ako sa tindi ng dagundong ng aking dibdib nang mga sandaling iyon. Gusto kong sumigaw subalit walang lumalabas na ugong sa aking bibig. Tatakbuhin ko sana ang aking kaibigan at sasaluhin sa kasalukuyang kalagayan ngunit huli na ang lahat...

            Naganap na. Tuluyang lumagpak ang buo niyang katawan sa lupa. Nadiligan ng kanyang magiting na dugo ang lupang aming kinasusuklaman. Nang aking buhatin ang kanyang katawan ay titig na lamang ng kanyang mga mata ang aking naabutan. Mga matang nagsasabing, salamat kaibigan. Kuntento ang kanyang sarili at kahit  ialay nya ang sariling buhay para masalba kami ay kanyang niyakap ng buong puso ang kapalarang iyon. Pero bakit?! Bakit kailangang mag-alay ng buhay ni Chet? Bakit hindi na lang niya iniligtas ang kanyang sarili?
           
            Punung-puno ng hinanakait ang damdamin naming lahat sa mga pangyayari. Hindi namin matanggap ang kinalabasan ng kabayanihan ni Chet. Walang nagsasalita. Ano nga ba naman ang maaari mo pang sabihin sa mga ganoong pagkakataon? Lahat ng sabihin mo ay wala nang halaga. Mananatiling mga pawang salita na lamang. Sa isip ko ay ‘di bale nang hindi na naging bayani ang aking kaibigan, ang mahalaga ay kapiling pa sana namin siya...

            Wala pa ring kumikibo sa aming lahat habang tangan ko ang walang buhay na katawan ni Chet. Lahat kami ay mata ang nangugusap, halos makabuo na kami ng lawa sa paligid dahil sa mga luhang umaagos sa aming mga pisngi. Pati ang kalikasan ay nagsimula nang makiluksa sa aming lahat.
           
            Umiihip nang napakalakas ang hangin, yumuyuko ang mga puno, at iyong maririnig ang haplos ng hangin mula sa kagubatan na tila ba umiiyak. Halos mabiyak na ang langit sa lakas ng kulog at talim ng kidlat. Nagsimulang pumatak ang ulan.
           
            Isa-isang nanariwa ang lahat ng pinagdaanan naming magkakaibigan. Napakasaya ng mga nagdaang araw, parang kailan lang at kami’y magkakasamang naglalakad, asaran kwentuhan...

Chet:    Dre, ganda ng langit oh. Punong puno ng bituin. Gandang pagmasdan. Pero lagi na lang ganyan... lagi mo na lang tititigan ang mga tala sa langit. Kahit pilitin mong abutin, di mo magagawa. Pero dre, pag nasawi ako sa nalalapit na labanan, sana maging bituin ako, para ako naman yung titingalain nyo.
Danny:N@mo Chet anu pinagsasabi mo dyan. Matulog ka na nga...

            Ang naging pag-uusap namin ni Chet ilang gabi pa lang ang nakararaan.

            Sana nga ay naging bituin ang aking kaibigan. Para sa kadiliman ng gabi ay mapagmasdan ko siya. At kahit anong mangyari ay pipilitin at pipilitin ko syang abutin...
           
            Sana ay naggugugol tayo ng oras para sa mga mahal natin sa buhay, kasi hindi habang panahon ay nandyan sila. Magbitiw tayo ng mga magagandang salita sa iba na nakakabata sa atin o yung mga taong humahanga sa atin. Kasi yung mga maliliit na taong yun ay tatanda din at magmamature, at pagkadakay mawawala din sa ating tabi. Sana ay yakapin natin nang mahigpit ang taong nasa tabi natin, kasi iyon lang ang maibibigay mong kayamanan mula sa puso mo, at hindi ito nagkakahalaga ng kahit isang sentimo. Let’s say I Love You sa mga taong mahal natin, kahit gano pa kabaduy ang dating nito sa ‘yo. Ang isang halik at yakap ay makapagpapagaling sa pusong nasasaktan kung ito ay taos sa iyong kalooban. Makipaghawak kamay sa mga taong malapit sayo at pagpahalagahan mo ng todo ang sandali sapagkat ang taong ito ay pwedeng hindi mo na makita pang muli sa mga susunod na araw. Magkaroon ka ng panahon para makapagbigay ng pagmamahal, oras para sa pakikipagkwentuhan. At maglaan ka ng sandali para naman maishare mo ang lahat ng mahahalagang bagay na namumuo sa iyong isip.

            Hindi ko alam kung ilang oras kaming tahimik, nakaupo lang sa tabi ni Chet. Umiiyak. Nadehydrate na nga ata kami kaiiyak eh. Nagpasya kaming dalhin ang bangkay ni Chet sa kampo ng Alay Forces.

                        Matagal talaga yung katahimikan tapos ay biglang may umimik...

Merlin:Wala na tayong magagawa kundi bigyan na lang ng magandang libing      ang napakigiting ninyong kakosa.
           
            Bago pa namin mapagbalingan ng hinanakit si Merlin ay nag-alburuto naman ang lintikang time machine. Talagang pinagtatawanan kami ng tadhana. Hindi man lang kami bigyan ng panahon para mahanap ang aming mga sarili.

Danny:Isasama natin si Chet! Kasama natin siya kahit san man tayo makarating.
JC:        We will leave no man behind.
Ipoy:    Dre ayoko na sana magsalita pero basa si Chet eh. Kanina pang           binubuhat natin naramdaman ko na.
McJohn:Syempre muret nabasa sa ulan!
Gail:     Lahat naman tayo basa eh.
Ipoy:    Hindi dre. Basa yung salawal nya, nangaihi yata bago mamatay.
Kim:     Ganun talaga muret! Mabuti nang naihi sya bago sya namatay.
Nhoel:Oo nga, kesa kung kelan nakaburol sya dun sya maihi sa kabaong.
Vince:Nakakahiya yun.
Wino:  Walang makikipaglamay.
Karl:    Ang panghi yata sa lamay nun.
PJ:        Yuck!
Eriko:  Tara pagulungin na lang natin si Chet.
Danny:N@nyo! Ano pinagsasasabi nyo dyan!...
Danny:Hehehe…
Kaming lahat: Hehehehe..Hahahaha!!!!!Bwahahahaha!!!!!!
JC:        Si Chet talaga, kahit sa huli, napasaya pa din tayo…Hugasan muna natin para mawala yung amoy.

            Sa sinabing iyon ni Prof ay binalot na naman ng isang matinding tawanan ang buong paligid habang ibinabalot namin si Chet na parang isang mummy. Napakahirap mang tanggipin o isipin man lang ay iyon na marahil ang huling halakhak na alay samin ng aming namayapang kaibigan. Pagkatapos ng karampot na sandali ng kaligayahan ay akin nang pinasan ang kanyang walang kalatuy-latoy na katawan.

            Nagsimula na ring ihulog nila Ipoy ang mga piso sa bunganga ng pesteng time machine. Kailangan na naming lisanin ang makasaysayang panahon, ang kasaysayan ng pag-aalay ni Chet para sa kapakanan naming lahat.
           
            Malumanay na kumislap ang kaputian ng kapaligiran na hudyat ng paglalakbay ng panahon. Hindi ko pa rin matanggap ang mga pangyayari. At sa aming paglalakbay ng panahon ay aming hinihiling na sana ay isang masamang panaginip lamang ang lahat at umaasang sa paglitaw ng mundo ay nasa Oceam View kami at masayang nagtatawanan at naghaharutan sa dalampasigan...kasama si Chet.
           
            Sa mundong ito, talagang may bagay na di mo mabitiwan, mga tagpong ayaw mong kaharapin. Pero itatak mo sa iyong isip na ang pagbitiw sa isang bagay ay hindi nangangahulugan ng katapusan ng mundo, ito ay simula ng panibagong buhay...
           
            Inaamin ko na totoo yun, pero sa tagpong ito ay hindi pa talaga kami handa na kaharapin ang lahat. Ito’y magsisilbing kadiliman sa kapitulo ng kabuhayan naming lahat. At nung mga oras na iyon ay wala nang dapat sabihin pa.








Itutuloy...

No comments:

Post a Comment