Monday, September 13, 2010

Hugtungan - Una. Book 1 Chp. 1

PAUNA MUNA



            Ang susunod na artikulo na inyong mababasa ay hango sa totoong buhay at karanasan ng mga taong kabilang dito. Ipinapakita ang buong tapang na pakikipagsapalaran ng bawat tauhan laban sa mga dagok ng kapalaran sa kanilang mga madamdaming buhay. Ang mga pangalan ng tao, mga pangyayari, at mga lugar na ginamit dito ay totoo lahat at hindi gawa-gawa o kathang-isip lamang. Ang bawat isa ay nagtulungan tungo sa ikagaganda at ikatatagumpay ng nasabing sulatin. Luha, pawis, hirap, sakit, sakripisyo, muta, at libag po ang mga puhunan ng mga sumulat nito kung kaya’t tanggapin po sana natin ito ng buong puso at damdamin. Ating tangkilikin ang sariling atin. Isa po itong napakaseryosong paglalahad. Ang istorya ay may halong action, suspense, drama, love story, at horror. Comedy lang yata ang wala. Sinisigurado po naming kapanapanabik ang bawat pangyayari na aabot sa punto na gustung-gusto na ninyong ilipat ng pahina upang malaman ang susunod na mangyayari. Isa lamang po ang ipinapakiusap ng crew. Huwag naman po sana nating gayahin o kopyahin ang artikulong ito upang ipabasa sa madla. Mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpapabasa nito sa mga pampublikong lugar tulad ng paaralan, palengke, liwasang bayan, o kahit na sa mga public toilets nang walang anumang pahintulot ng mga magagaling at mga naggagandahang lalaking mga akda nito. Ang sinuman pong mahuhuling lumabag sa batas na ito ay mabibigyan ng karampatang parusa. Ang mga mambabasa pong nasa edad na labingwalo pababa ay hindi papayagang magbasa ng walang patnubay ng magulang.  Pinapayuhan po ang mga mambabasa na maghanda ng panyo, tissue, o kahit anumang maaari ninyong ipamunas sa inyong mga luha. Ang anuman pong donasyon o abuloy na inyong maibabahagi ay malugod po naming tatanggapin nang walang pagdadalawang isip. Maraming salamat po.


HUGTUNGAN - UNA
Ang nakaraan…
Ang nakaraan ay nakaraan na kaya di na dapat pinag-uusapan pa, puwera na lamang sa tambalang lele - tere, yun kahit nakaraan na ay may alab pa din…
At ngayon, sa pagpapatuloy ng tuluy-tuloy na nakakapanabik ng pananabik na paglalakbay ng ating naggagandahang kalalakihang crew…

Hindi pa rin nababasag ang de bakal na katahimikan, nang biglang sumigaw si Sarhento Ericko Ckarlo.

Kalo:      Mga repapits luto na ang inihaw na century tuna at ang Ligo Sardines barbecue, ayos ang pagkakaluto. Itong papaitang Argentina corned beef mamaya na lang at baka hindi natin maubos.
Gail:      Anak ng!!! Burak! Alam mo naman na paborito ko yung papaitang Argentina, pinagpaliban mo pa!!! Kung ganyan lang nang ganyan eh hindi na lang ako kakain!!
Nhoel:  Lintik ka Pons! Kaarte mo talaga. Kung ayaw mo edi wag loko!
Chet:     O ayan ah narinig nyo, akin na lang yung para kay Gail. Kahit mali si Eriko dahil sinungaling. Pede kale yung sinasabi meraw nyang hindi daw natin mauubos?
Kim:       Aba dre, wag ka masiba, partehan mo ko dyan. Ots kala mo ikaw lang yun gutom, lagi tayung gutom dito!!! Nanumbalik tuloy yung panahon na palakol yung ginamit naming pambukas ng pinakamamahal nating sardinas, tapos hinahabol pa ako hanggang sa taas ng puno ng mangga ng namayapa nating kaibigang si BBro…
Gail:      Ops, kayo naman di na kayo mabiro. Sinabi ko lang naman yun para magkadialogue eh.
JC:          Tama na yan! Kain na!
Danny:Iba talaga pag si Prof na ang nagsalita. Napakatigas! Parang platinum na gawa sa tingga.
Wino:   Ayos! Kainan na. Kanina pa ko naghihintay dito eh.
Kalo:      Hala sige kain na mga repapits. Sobrang sarap nyang niluto ko kasi halatang- halata kanina pa tumutulo laway ni PJ eh.
PJ:          Hoy hindi totoo yan...ano lang ‘to…tubig lang ‘to.
Vince:   Nagkaila ka pa! Pero nagkamali ka Eriko. Sadyang parati lang ang tulo ng laway nitong si PJ.
Mc J:      (walang dialogue dahil kumakain na pala ang masiba, nagpatiuna pa eh malamang na isuka nya lang uli ang mga yun)

                                Sa sandaling mga sandaling yaon ay nagsimula na nga at natapos na din silang manginain. Oo ganun kabilis na saglit lang at huwag ka nang magtaka. Kung makikita mo lang nang personal ay sasabihin mong kulang pa ang aking pananalita sa pagtukoy ng kanilang pamamaraan ng pagtanggap ng pagkaing sariwa from the can. Marahil maihahalintulad sa kidlat ang bilis o dili naman kaya ay kasingtulad ng aking bilis kapag matutulog sa gabi, na sa pagpatay ko ng aking ilawang gasera eh bago pa man mawala ang liwanag ay ako’y nakahilata na sa aking kama. Hindi ko namalayan na wala sa aking malay na ako’y hindi nakigulo sa pag-aagawan ng kanya-kanyang parte ng makakain, dahil marahil siguro na ako’y kaunting medyo nagalak at natuwa sa pagmamasid sa aking mga kaibigan.
                                Huli na nang aking mapagtanto habang aking nasisilayan ang pagkalusaw ng mga putaheng naihanda ng aming Sarhento na ako’y naubusan na.

Danny:Punyales naman! Peste talaga! Ilang horas na akong walang kinakain maliban sa aking katangahan. Inubusan nyo pa ako!
                               
Naligaw ako at medyo nawala sa aking katinuan at pagkalipas ng .000005 segundo ay tuluyan nang nagwala! Dala na din marahil ng labis at sobrang inis na dumalaw sa aking matipunong dibdib. Sa aking pagkalito at kawalan ng kakayahang mag-isip ay aking napagdiskitahan ang mga latang pinanggalingan ng espesyal na putahe. Tinipon ko ang lahat ng natitira ko pang lakas at ginamit kong lahat ito upang ipagbatbatan sa tila baga pader na katawan ng higanteng balyena at sa sobrang lakas ay hindi mo na maaninag pa kung ano ang naganap sa mga kawawang lata.

Silang Laat:         Uwag!!!!
                               
Sadyang hindi maunawaan ng aking gamunggo at gakuntil na utak kung bakit gayon na lamang ang pag-aalala nila sa malansang nilalang na ito. Batid nila marahil na aking masusugatan ang balyena dahil sa epekto ng nag- uuumapaw kong lakas.

Danny:Ako’y hindi mapakali at hindi ko mapagtanto ang lahat. Kayo ba ay tunay nang napamahal sa balyenang ito? Masyado kayong OA! Sabay-sabay pa kayong sumigaw dyan.
Nhoel:  (nangangatal ang boses) Isa kang HUnghang!! HungHAng ka! @#$%^& ^$ *+!!!!
Eriko:    (umiiyak na) Pano mo nagawa sa amin to repapits?
Kim:       Dre, hindi ko inakala na magkakaganito!!!!
Chet:     Eh, wala namang nagsabi na malabo ang mundo!!!
Jeff:       Hindi na din namin inaasahang maintindihan!!!
Gail:      Alam naman nilang wala kaming pakialam.
PJ:          Y?? Y?? Y?? Y?? y o y?
MC J:     Oh hinde!!! Mali ako ng puwesto! Basang-basa tuloy ako dahil sayo PJ!!!
Vince:   Dan bakit? Walang ibang kataga ang namumuo sa aking mapupulang labi na hindi nagpapahuli sa iyo kundi bakit! Bakit kaya?!
Danny:Hindi ko maarok ang mga ibig ninyong ipaintindi sa aking sensitbong pag-iisip. Sipiin at ipaliwanag ninyong mabuti dahil hindi kayang iprocess ng Pentium 1 kong utak.
JC:          Humayo ka kaibigang Tom Sawyer!! Kaibigang Daniel!! Artistahin kong kaibigan!! Tinanggal mo na ang kakayahan naming umasa. Dahil inalis mo na ang tsansang makaalpas at makapuga sa malansang kapaligirang ito!!! Lahat ng gawin mong mali ay aming natatanggap! Pero ito, iba na to! Mukhang ito na ang tatapyas at puputol sa hugtungan ng ating mga pusod at gugupit sa pagkakabuhul-buhol ng ating mga bituka.
Gail:      Masasawi na tayo dito!!! Ang ating huling hantungan!! Sa malansang isda!!! Sapagkat tayo’y hindi nagmahal a sariling wika!!!
Nhoel:$%r%^$%d+ ka Daniel!!  Kim tulungan mo kong pagtulungan yang Daniel na yan.
Kim:       Ots, siiiiiiiiiiiiiii, nakitang kalaki ng katawan nyan. Eto kay Chet ka humingi ng tulong mas malaki sa kin to.
Chet:     Si magaleng, nakita mong di man tayo nagkakalayo ng kaha. Gusto mong pinagbuhol lang tayo nyan.
Wino:   Bago tayo mamatay dito. Unahin na natin yang Daniel na yan!!! Ialay natin sa machine!!!
JC:          Tama na ang bangayan!! Imbes na magtulung-tulong tayo sa pagsulong at magkaisa tayong mag-isip ng iba pang alternatibo ay awayan at payabangan ang inaatupag ninyo…!!! Buweno Daniel, upang maibsan ang iyong agam- agam ay aking ipaliliwang ang laat-laat sa iyo.. Lights please!!! Wino yung slide…
                Sa katotohanan, magmula pa lang na kami ay lunukin ni Moby ay nag-isip na ako ng napakaraming plano para makatakas sa sinapit naming ito. Halos libo- libong designs na ang aking nagawa...
Chet:     Libo-libo moraw.
JC:          Tumigil ka dyan Chet at baka samain ka. Next slide please. At eto ang nabuo kong disenyo. Isang time machine na magagamit  upang makapaglakbay sa iba’t-ibang panahon. Gamit ito, pipiliin sana namin ang oras kung saan nagkita-kita kami ng mamang bangkero upang tumanggi sana sa kanyang paanyaya at nang sa gayon ay maiwasan at aming matakasan ang kalbaryong ito.  
Subalit ang lahat ng ito ay napunta sa wala nang walang pakundangan mong winasak ang aming mga pangarap. Iyong sinira at itinapon ang pinaka- importanteng bahagi na bubuo sa aming makinarya…ang mga lata!!!
Kim:       Ang mga latang iyon sana ang magsisilbing chips na ihuhulog sa slot ng machine.
Nhoel:Ngunit bago yun ay akin munang yuyupiin ang mga latang iyon upang lumiit na parang barya at maisaksak sa makina.
Jeff:       Kinakailangan natin ng madaming-madaming lata sapagkat ayon kay Master JC ay mababa ang specs ng lata upang mapagana ang makina.
Gail:      Kaya nang iyong itapon ang mga lata kanina ay siya mo ding pagtapon ng aming mga pagkatao at pag-asa.
Ericko:  Pinakaingatan ko pa naman ding huwag madumihan ang mga iyon repapits.
PJ:          Pinapakahugasan ko pa nga ang mga yun gamit ang laway ko..ehem..tubig pala, tubig ginamit ko.
Wino:   Huh? Nilawayan mo yun? Ninapnap ko pa naman at sarap na sarap pa ko sa pagdila hanggang kaloob-looban.
MCJ:      &%^g^%! Ako din pinakahigop ko pa!!! Eh yun pala essence mo na yung…..Ow noooooo!!!!!
JC:          Wala na tayong pag-asa. Walang ibang bagay na magagamit upang mapagana ng matino ang imbensyon kong ito.
Danny:Di ko sinasadya. Hindi ko naman alam na ganun pala yun. Wala na ba tayong magagawang iba?
JC:          Wala na… wala tayong makukuhanan ng raw materials. Kagamitang pwedeng gamiting chips na pang slot machine.
Kim:       Langyang yan. Magmuritan na lang tayo dito habang buhay…
Nhoel:  Knock knock!
Chet:     Who’s there?
Nhoel:  Peter John Liwanag.
Chet:     Peter John Liwanag who?
Nhoel:  ♪♫ Basta’t tayo’y magkasama, laging mayrong umagang kay ganda. Pag sikat ng araw, Peter John Liwanag sa ating pangarap…♫ ♪
Kim:       Hahaha!!!
PJ:          @&**8!/”??^  nyo!!!!!
Chet:     Hahaha!!!
Jeff:       Ot Daniel kanina pa ko ngawit na ngawit sayo. Et hindi mo man lang maibaba yang bag mo. Pagkalaki at nangangabukot ka dyan sa pagdadala, ginto ba yung laman nyan?!
               
Sa mga katagang nabitawan ni Ipoy ko lamang naalala ang mga pinagpalang barya na aking karga-karga mula pa noong starting line.
               
Danny:Bwahahahahahahaa!!!! Hahahahahahahahaha!!!!
                               
Biglang sumindi at nagtransform from Christmas light to fluorescent light ang ilawan ko sa ulo…ting….!

Jeff:       Nababaliw na si Danny. Dre tulungan natin siya.
Danny:Hindi ako nasisiraan ng sama. Hindi pa ko baliw na kagaya nyo. Hindi ba ninyo nababanaag ang ningning ng aking mga mata, ang biglaang pagpula ng aking mga labi at kapansin-pansing pag-umbok ng aking mga pisngi? Mayroon akong naisip na paraan! Prof sa halip na mga de lata, pede bang gamitin mga pisong barya dyan sa time machine mo?
JC:          Oo! Yun nga ang pinakamainam na gamitin dito. Ang kaso eh kung iyong mga barya barya lamang sa ating mga bulsa ang ating gagamitin ay hindi sasapat yon. Marahil ay babalik lamang tayo ng ilang oras at mananatili pa rin tayo dito sa loob ng balyena.  Ang kailangan natin ay at least libu-libong barya.
Chet:     Teka. Kung ganon Prof bakit hindi natin gawin yon?
JC:          Gawin ang alin?
Kim:       Oo nga dre galing mo talaga! Ang ibig sabihin ni Chet ay bumalik tayo ng ilang oras at…
Nhoel:Ang mga lata! Maaari tayong bumalik sa oras kanina kung saan hindi pa naitatapon ni Danny yung mga lata.
PJ:          Tama! Ang gagaling ninyo. Ang tatalas ng inyong mga kaisipan. Ang lalaki ng inyong katawan. Ang titigas ng inyong kalamnan. Ang sarap nyo sigurong kakan…
Danny:Kakan ano?!!!
PJ:          Kakan-tahan…Ots. ♪♫ Pag sikat ng araw, Peter John Liwanag sa ating pangarap…♫ ♪
Eriko:    Sige mga repapits, contribution na, asan na mga barya-barya nyo?
Jeff:       Hehe. Wala ako pera, naiwan sa beach.
Vince:   Wala din ako.
PJ:          Ano tinitingin-tingin nyo? Wala din ako pera.
Gail:      Meron ako bente dito, pabarya na lang natin.
Nhoel:  Dre pigilan nyo ko! Pigilan nyo ko!
Gail:      Ots biro lang.
JC:          Teka, sino ba sa’tin yung may barya, kahit magkano lang?

                                Nagningning ang paligid!!! Kumislap ang aking mga mata. Para akong haring tumayo at ang tindig ko ay parang isang bayaning ginawan ng rebulto. Pakiramdam ko ay nagbabaan ang mga anghel sa langit. Naramdaman ko ang ginhawa, ginhawang kasing halaga ng sitwasyong pagpigil ng iyong ebs sa mahabang biyahe at sa wakas ay nailabas din ito pagbaba mo ng sasakyan.  Kasabay ng ginhawang ito ay aking ibinagsak ang kanina ko pa tangan-tangan  na bag. Pagkabagsak ko ay siya ding pagsambulat ng mga baryang aking napanalunan sa minsan sa isang beses lang na hindi na mauulit pa na once in a life time chance na premyo. Nagliliwanag ang mga ito at kumukuti-kutitap pa na parang mga alitaptap sa dilim.
Silang lahat ay natulala at hindi makapagsalita sa kanilang nasaksihang milagrong naganap. Hindi maipaliwanag ang pinta ng kanilang mga mukha na sa tipo ay kahit iedit mo sa adobe photoshop ay ganun pa din ang hilatsa.   
                                Ilang kisapmata pa ang daglit na lumipas nang magsalita ang sarhento.

Sarhento Ericko:Master JC! Ano repapits, kelan tayo aalis? Wino ihanda ang lahat.. ilabas ang…
PJ:          Brief!!!
Ericko: Anong brief? Malakas talaga ang pagnanasa mo kay Wino repapits.
Wino:   Uuwwwaaaak!!!! (sumusuka pa pala dahil sa natagpuang katotohanan kanina)
JC:          Ayos! Sa dami ng barya natin ngayon hindi na natin kailangan pang balikan ang mga de lata at sa halip ay babalik na tayo sa oras na hindi pa tayo sumasakay sa bangka. MC ihanda mo ang layag ng Bangka. Dadalhin natin ang bangkang ito pabalik sa kaligtasan. Nagkaroon na ng malaking lugar ang bangkang ito sa aking puso.
Jeff:       Ou prof, isasama ko pa ba tong mga life jacket na to?
Gail:      Syempe naman! Eh kung malunod tayo?
PJ:          Malunod eh hindi naman tayo sa dagat maglalakbay.
Kim:       Tanga! Pede namang malunod kahit sa ere ah? Daniel, maraming salamat sayo. Ikaw talaga ang pinagpala!!! Buti na lang at tag-pipiso ang napanalunan mo! Pano na lang ang mga nurse ko kung wala ka.
Jeff:       Wag ka na Peej. Eh kung sa laway mo kami malunod?Hehehe.
Chet:     Hahaha. Ou nga. Tara na! Sa wakas at makakaalis na din tayo dito at malamang ay sa express way pa tayo madaan dahil upgraded ang gagamitin natin, from tin can to peso.
Nhoel:  Ayos na! Prof simulan na natin. Teka pano pala kung di gumana yan?
Jeff:       Pano kung sa ibang panahon tayo mapadpad? Mapapatunayan na ba natin na ilang araw lang nabuhay ang mga dinosaur? Di pa natin natetesting yan.
Vince:   Hindi pa tayo sure pero sa aking palagay, palagay ito ng isang chick boy kaya siguradong mapagkakatiwalaan. Sigurado man o hindi ang ating pupuntahan eh kaylangan nating sumugal!
JC:          Handa ba kayong itaya ang kung anu mang meron tayo sa ngayon laban sa walang kasiguraduhan na malamang walang SSS na tadhanang ito? Ang ibig kong sabihin ay maaari tayong malipat sa anu mang panahon. Inaamin kong sadyang hindi biro ang makipaglaro sa oras at panahon.
Ericko:  Repapits ako pupusta! Kesa magtiis tayo dito. At least dyan hinagis natin ang pangara! Lumaban tayo! Manalo matalo nagmamahalan tayo.
Kim:       Si mahalay.
Chet: Haha!!!
Nhoel:  Ok tara! Yung ayaw sumama, maiwan!

                                Sumang-ayon ang lahat at inihahanda na ang pagpapasok ng mga coins sa slot. Tadhanang walang kasiguraduhan, pero paano ka tatama kung hindi ka tataya. Susubukan naming manalo sa paraffle ng tadhanang ito. Inaamin ko na ako ang tipo ng tao na hindi nagdadasal at naiisipan lang gawin ito kapag gipit, may mabigat na problemang pinapasan o tumaya sa sweepstakes at gustong manalo. At isa na ang momentong ito para tawagin ko na ang lahat ng banal na kakilala ko upang magpapadrino kay Manager at ilapit sa kanya ang kaganapang ito.

JC:          Handa na ba kayo? Ako hindi pa, gusto ko lang sabihin bago ang lahat, I love you guys!!
PJ:          I love you too!!!
Wino:   Ulul!!! Hindi ganun ang ibig sabihin ni Prof, di ba Prof!!! I feel you Prof! I feel you!!!!
Chet:     Ilan ba yung ihuhulog namin?
JC:          Maghulog ka ng isang libo.
Chet:     Ah kadame. Hoy Kim! Tulungan mo ako! Ikaw din Noel! Lokong matamad!
Nhoel:  Bakit ako na naman? Sige na nga.

                                At sinimulan na nga nilang ihulog ang tigpipisong barya one thousand times…

Kim:       One, two, three, four, five… ikaw naman Chet pagod na ko.
Chet:     Six, seven.. o ikaw naman Le. Kahirap naman pala nito. Mas okay sa’kin kung maghukay na lang at gumawa ng tunnel dito kesa sa maghulog ng mga piso.
Nhoel:  Si mareklamo. Tignan nyo nga kayo pala yung mga tamad. Akin na nga. Eight, nine, ten, eleven, twelve, thirteeeen, fooourteeen, fiiffffteeehhnn…. Dre kayo naman.
               
Ganito ang naging takbo ng eksena sa loob ng walong oras hanggang sa wakas ay naihulog na nila ang pang isang libo’t isang tuwang piso…

Chet:     Dre ayun na ang ikathousand island.
Prof:      Ok. Dol  iset mo ang timer. Gail paikutin mo ang ulo. Poy pindutin mo na ang button.
Jeff, Vince, at Gail:         Ok matutupad!! Lets bolt in!!
               
Pagkasabing-pagkasabi nila ng mga katagang yaon ay biglang dumilim ang lahat. Isang kadiliman na talagang wala ka nang ano mang makikita o mababanaag. Gayunpaman, nararamdaman pa rin namin ang presensya ng isa’t isa at batid naming kami’y lulan pa din ng aming Bangka kaya’t kami’y nagkapit bisig at sabay-sabay na nagnilay at tahimik na naghintay. Hindi namin alam kung ilang oras o marahil araw na ang kadiliman, nang biglang sumikat ang nakasisilaw na liwanag, iba ito kaysa kay PJ. Ito ay liwanag na nanggaling sa araw! Nagsilbing liwanag ng pag-asa ang liwanag na iyon. At isang reyalisasyon ang rumehistro sa aming mga utak. Sa wakas at kami’y nakalabas na sa madilim at malansang isda! O anong kasiyahan ang nag-uumapaw sa aming mga kalooban nang sandaling iyon. Subalit... Ngunit.. Datapwat… But… However…

Gail:      Bakit ganun? Puro liwanag lang!!! PJ anong ginawa mo?!!
Jeff:       Basta liwanag si PJ na eh…hahaha!!!..
McJ:       Teka anong nangyayari? (Ngayon pa lang natapos si MCjohn sa pagduwal! Tinalo nya si Wino sa patagalang sumuka)
               
Medyo matagal din ang naganap na kaliwanagan. Tumagal ng mga ilang oras din. Hindi ako sigurado kung oras nga lamang yon o araw na yata. Halos kasing tagal na din marahil ng nagdaang kadiliman ang kaliwanagan na aming kinaharap o maaaring mas matagal pa. At ang laging nagaganap sa akin sa kwentong ito. Nawalan na naman ako ng malay tao…

Vince:   Dan, gising na! Dan?! Dan!!!
Jeff:       Patay na ata!!!
Ericko:  Repapits umayos ka!!!!
Chet:     Buhatin nyo! Dalin natin sa guidance.
Gail:      Walang clinic dito! Ni hindi nga natin alam kung nasan tayo!!!!
Kim:       PJ, alam mo na gagawin. Pagsamantalahan mo.
Danny:OK na ko!!!!
Nhoel: ♪♫ Wala ka bang napapansin? Wala ka bang napapansin?Sa iyong mga kapaligiran…♪♫
Wino:   Aba teka! Saan napunta ang damit ko.. Bakit nakahubad ako…!
JC:          Ou nga! Tayong lahat walang saplot!!!!
MC J:     Ah dre! Yun isang paa mo naputol! Hangang tuhod na lang yun natira!
Kim:       Hahaha!! Tulukan! Hindi naputol yun paa nya nakalabas lang yung pangatlo!
JC:          Tama na ang biruan at maghanap tayo ng mga clues kung nasaan na tayo.
Gail:      Mga pare mag-ikut-ikot tayo at tumingin-tingin sa kapaligirang nakapaligid sa’tin.
Ericko:Ok sige repapits. Tayo na. Tayo na’t humayo at maglakbay kung saan man naisin.
Danny:Kim samahan mo ko maghanap ng makakain. Sama ka na din Chet.
JC:          Ok sige basta dito ang meeting place natin ha? Sa ilalim ng punong ito. Mansanas ata ‘to. Punta muna kami doon sa banda rito banda doon. Let’s go guys.
PJ:          (nakanganga lang at tumutulo na naman ang laway, alam nyo na kung bakit)
               
                                At pansamantala nga kaming naghiwahiwalay ng landas. Naghanap sila ng ‘di nila alam kung ano ang kanilang hinahanap at kami naman ay pagkain ang pakay.

                                Makalipas ang napakaraming madaming sandali ay madaming madami kaming nalikom na madaming pagkain. Mukhang hindi pa nagagahasa ang pook na ito sapagkat saganang sagana pa sa yamang pagkain.

                                Di naglaon ay bumalik kami sa meeting place, at nadatnan naming ang puno ng mansanas ay puno pa din. Wala pa ang tropang blue kaya nagpasya muna kaming mamahinga, at peste mamahinga lang ay iba pa ang tinakbo ng aming mga utak.

Kim:       Dre, mukhang magandang matulog dito sa taas ng puno oh!
Chet:     Ou nga dre! Nakakaengganyo! Mukhang kumportable!
Danny: Ok tara lets!

                                At inakyat na nga namin ang puno at namahinga habang aming inaantabayanan ang iba pa naming mga kaibigan.

Hindi namin lubos maisip at maintindihan ang mga sumunod na nangyari at naganap…

??????:Naku ito ang punong ipinagbabawal ni Bossing. Ang pupula naman ng bunga ng punong ito. Mukhang masarap kainin. Ito na lang yata ang prutas na hindi ko pa natitikman.

                                May isang nilalang na dumating. Hindi namin makilala kung sino pero obvious na obvious na babae ito sapagkat wala din itong saplot na kahit ano man lang kagaya namin. At papalapit na ito sa ilalim ng puno kung saan abot kamay na nya ang mga bunga, kukuha na sana siya ng bunga ng biglang may sumuway sa kanya…

?????:   Hoy!!! Anung ginagawa mo!!! Alam mo naman na bawal kumain ng bunga ng punong iyan.

Tinig iyon ng isang lalaki sa di kalayuan..

?????:   Hoy Eba! Bingi ka ba!!!

                                Halos mangabitaw kami sa aming pagkakakapit sa punong aming pinagkukublihan dahil sa aming rebelasyong narinig. Nalito na! Eba? Kung pagsasamasamahin at pagninilay-nilayin ang mga naipong impormasyon ay mapapagtanto mo na itong dalawang ire ay walang dilit iba kundi sina Eba at Adan. At sa makatuwid at medyo kibit ay andito kami sa punong ipinagbabawal! Ngunit ang nakakapagtaka ay kung bakit wala dito ang tusong si ahas.

Eba:       Adan! Ginulat mo naman ako. Tinitingnan ko lang naman ito eh. Iniisip ko lang kung anong meron dito sa mga bunga nito at pinagbabawal ni Boss.
Adan:    Halika na at mamahinga na tayo, lubayan mo na ang punong iyan!!!

                                At tumalikod na si Adan at iniwan na si Eba. Naiwan si Eba na nakatingin pa din sa puno. Nang biglang…

Eba:       Ay ahas! Ahas anung kaylangan mo sa akin?

                                Kami ay napuno ng pagtataka at agam-agam at may kahalong pangamba gawa ng kami ay nasa taas ng puno at wala naman kaming nakikitang ahas na nandidito. Luminga-linga kami upang hanapin ang sinasabing ahas ni Eba upang maiwasan sana iyon subalit ni anino ng ahas ay wala kaming nakita. Pasalamat na din namin na hindi kami napapansin ni Eba dahil malalago ang mga dahon ng puno at sapat na para kami ay maikubli mula sa kanyang paningin. Nanatili pa ding palaisipan ang ahas na tinutukoy ni Eba.

Eba:       Hmph. Suplado ka talaga ahas! Sa lahat ng hayop dito, ikaw ang hindi nakikihalubilo. Kahit na yung kaibigang ahas ni Adan hindi din ako pinapansin. Makaalis na nga.
Danny:Hindi ka ba kakain ng bunga?

                                Naku patay! Hindi ko namalayang nailakas ko pala ang mga salitang iyon!

Kim:       (pabulong) Loko dre! Anu ginawa mo? Bakit mo kinakausap ang ninuno natin?
Chet:     (pabulong din) Lintik ka Daniel(!)  Wala ka na ginawang matino. Hindi dapat ikaw yun mag-udyok sa kanya kundi yung ahas! Bakit naman kasi wala yung ahas na yun dito?

Eba:       Anung sabi mo ahas? Kakain ako ng bunga? Pero bawal ang sumuway sa kautusan ni Boss. Pero dahil kinausap mo ako at para sa unang pagkakataon ay kakainin ko ito para sa iyo.

                                Wala na kaming nagawa upang pigilan pa ang mga kamay ni Eba. Pumitas na siya ng isang bunga at kumagat sa mapulang mansanas.

Eba:       Ang sarap! Napakatamis! Kaya pala ipinagbabawal! Pupuntahan ko si Adan at ipapatikim ko rin sa kanya. Paalam ahas.

                                Humangos si Eba papalayo at unti-unting nawala sa aming paningin. Hindi kami magkandaugaga sa pag-uunahang makababa ng puno upang makaalis na sa lugar na ‘yon.

Chet:     Hindi maganda to dre. Kaylangan na nating makaalis dito.
Kim:       Oo nga! Alam na naman natin ang mga susunod na mangyayari. Siguradong sermon yan. Teka mali pala, hindi sermon dahil pari ang gumagawa ng sermon, mas matindi sa sermon dahil si Manager yan.
Danny:Tara na! Kinikilabutan na ‘ko!

                “At pinasya naming umalis sa lugar na iyon at hanapin ang iba pang crew. Bago umalis ay nilingon kong muli ang puno at siniyasat kung andun nga talaga ang tusong ahas, subalit akoy bigong makita ang ahas na kanina’y kausap ni extra grande Lola Eba.” (Excerpt from Lucban Datu, abangan ang paglabas ng librong ito)

                                Pinilit naming hanapin ang iba pang crew hangang masalubong namin sila na humahangos at mukhang pagod na pagod sa kakatakbo. Kaagad namin silang nilapitan upang ipaalam sa kanila ang aming mga nasaksihan subalit tila sila man ay mayroong kakaibang experience.

Nhoel:  Dre! Umalis na tayo dito! Di kayo maniniwala sa mga nakita namin.
Chet:     Wala nang hihigit pa sa aming nasaksihan!
Wino:   Ayoko pang mamatay!!! Umalis na tayo dito!
Jeff:       Kayo lang naman ang inalala namin eh. Kaya napilitan kaming bumalik para katagpuin kayo.
Kim:       Eh papunta na nga din  kami sa inyo eh. Kelangan nyo malaman kung sino ang nakita namin!
Gail:      Loko dre, mali tayo ng kalkulasyon. Masyado tayong napaurong ng panahon.
JC:          Nakasagupa kami ng mga dinosaur dre! Buti puro de gulay ang kinakain, wala yun mga talagang pumapasang ng laman.
MCJ:      Pero minarapat na din naming umalis baka magsidating pa.
Ericko:  Sinuggest ko nga na iluto namin yung isa at maexperience namang kumain ng dinosaur.
Vince:   Napunta tayo sa panahon ng mga dinosaur... wala pang tao!!!
Jeff:       O baka naman sa Jurassic Park tayo napadpad!
Danny:Mali tayo dre! Maling mali! Hindi tama yun sinasabi nila nun sa discussion na ilang araw lang nabuhay ang mga dinosaur.
Chet:     Kasabay palang magsimulang mamuhay ang mga dinosaur at tao.
Kim:       Hindi tayo sa Jurassic Park napadpad Poy, mas masaklap pa dun. Dahil nakaeyeball namin sina lolo Adan at lola Eba kani-kanina lang.

                                Gulat at pagkabigla ang nadama ng lahat! Shock! Napagdesisyunan ng crew na maghulog muli ng mga coins at nang makaalis na sa lugar at panahong iyon.

Gail:      Asan na ang time machine?
McJ:       Eto buhat ni Kalo.
JC:          Eh yung bangka?
Jeff:       Eto tinutulak namin nila Vince at PJ.
Nhoel:  Hirap na hirap na nga sila eh...wehehehe
JC:          Sige sige, maghulog kayo at dagdagan nyo pa! Kelangan fast forward.

Subalit natigilan ang lahat dahil sa kakaibang tunog na aming narinig! Ugong na tila mga yapak ng isang malaking nilalang. At ang tunog ay papalakas nang papalakas na tila baga papalapit sa aming kinaroroonan. Kinabahan na naman ako upang maging sanhi ng pamamawis ng aking kilikili at panunuyo ng aking lalamunan.

                                Nang biglang isang malaking ulo ng hayop ang biglang bumigla sa aming lahat mula sa kalangitan!

Lahat:    T-Rex!!!!!
                               
Takot ang lahat. Walang gustong kumilos. Hindi man lang namin magawang manginig man lang. Nang biglang…

Wino:   Aaaaahhhhhh!!!!!!!
Ericko:  Si Wino sinagpang ng T - Rex!
JC:          Tulungan nyo siya.
Jeff:       Batuhin natin!!! Asintahin natin ang mata.           
Kim:       Sige Poy! Kaya mo yan! Magaling ka naman sa ganyan.
McJ:       Go Poy! Kaya mo yan.

At inasinta nga ni Jeffrey R. ang mata ng mabangis na T – Rex at umasang mabitawan nito si Wino. Subalit sa kanyang ginawang pagbato ay lumampas ito ng 1mm sa ulo nito.

??????:Aray!! Sira na nga ulo ko lalo pang masisira! Mga broke head kayo!!! May hang   over pa nga ako eh..

Nagulantang kami dahil sa kapamilyaran ng boses na aming narinig. Imposible ito. Hindi maaaring…

Danny:Naknamp!!! Brokehead?!!!
Gail:      Franks?
Kim:       The original frankster….
Ericko:  Karl Zoilo Franco.  Ang pag-ibig at pantasya ni pichara?
Franks:Oo ako ‘to. Pucha sakit ng ulo ko, buti na lang nakahanap ako ng kabayo, di ako napapagod maglakad. Sino nga ba ang nagpasimuno na bago dumating ang mga tao eh wala na ang mga dinosaur, dahil sinasabi nila na kung kasabay nila Eba’t Adan ang mga dinosaur ay baka nakain lng sila ng mga ito at tuluyan nang hindi nag-exist ang mga tao. At sino ang nagsabing mababangis at masasamang hayop ang mga T-Rex? Hindi talaga mapapagkatiwalaan ang mga teacher nung panahon natin. Alam ko namang mas magaling ako sa kanila. Isipin mo naman, ako yun pinaglelecture sa subject na Physics yata yun?
Chet:     Ibig mong sabihin dre hindi talaga mababangis ang mga T-rex? Friendly sila? Hindi nananagpang ng tao?
McJ:       Parang si Barney?
Vince:   Eh bakit kinakain ng tropa mo si Wino?
Franks:Hindi nya kinakain si Wino, binabati nya lang, greetings ba. Inutos ko lang sa kanya yun. Kaya nya nagawa. Ou mga brokehead! Wag na kayo magtaka. Nauutusan sila, masunurin nga eh, daig pa ang aso pag binigyan mo ng commands.
Jeff:       Pero Karl maiba tayo. Pano ka nga pala napunta dito?
PJ:          Ou nga Karl. Kala ko malungkot na ang buhay ko. (tatalun-talon na tila ba may inaabot habang nakatingala kay Karl na nakasakay sa T-Rex.)
Franks:Yun din ang hirap akong maipaliwanag. Akala ko nga nasobrahan na ako ng inom at anu-ano na nakikita ko. Pero totoo pala ang lahat. Natatandaan ko kasi namimiss ko kayo nung umiinom ako. Iniisip ko kayong lahat, tapos bigla na lang dumilim paningin ko. Kala ko nablack out lang ako sa sobrang lasing, nun lumiwanag na nakita ko tong T-Rex, kala ko panaginip kaya naglakas loob akong sakyan. Yun pala totoo na at mabuti na lang eh sobrang amo pala ng mga ‘to. Eto parang ayaw na nyang malayo sa kin. Ang pinagtataka ko naman eh pano tayong napunta lahat dito?
JC:          (itinuro ang Time machine na kanina pa buhat ni Kalong mukhang tanga habang mukhang hirap na hirap . Hindi man lang ibinitaw.)
Franks:Prof!!! Time machine? Nagawa mo din? Pero napakadaming risk! Matagal ko nang sinabi sa‘yo na mapanganib ang disenyong iyan! Kala ko ba napagkasunduan na natin na hindi bubuuin ang bagay na iyan? Bakit hindi mo sinunod ang ating pact? Tingnan mo ang nangyari sa akin? Sa ‘yo. Sa ating lahat?
Chet:     Dre wag mo sisihin si Prof sa nangyari. Former teammate pa nga kayo sa GBs di ba? Kasama nyo pa nga si Kim? Tsaka ‘di naman siya ang may kasalanan ng lahat, siya pa nga ang dahilan na pagkakaligtas namin.
Franks: Ligtas? Anong ligtas? Di mo alam ang sinasabi mo Chet.
Wino:   Alam ni Chet ang sinasabi nya Karl. Tsaka pede magrequest muna? Ipababa mo naman ako dito sa alaga mo. Baka mapabaon yung kagat nya eh, samain ako.
Nhoel:  Tama sila, Karl. Hindi dapat sisihin si Prof dito. Ginawa nya lang ang nararapat.
Franks:Nararapat?! Hindi ninyo alam kung ano ang sinasabi nyo. Wala kayong ideya sa trahedyang kinasangkutan natin. Pero sige, bibigyan ko kayo ng pagkakataon. Ikuwento nyo ang buong detalye ng mga kaganapan sa inyong mga madamdaming buhay para naman maunawaan ko. Pero sinasabi ko sa inyo ngayon pa lang, may masamang epekto ang makinang iyan, at alam ni Prof yan. Nadala kayo sa linya nyang “believe me”…. At “if you want to be the best….”
PJ:          Sige ikukuwento namin sa ‘yo. Pero bago yun, bumaba ka muna dyan sa T-Rex mo, para makita ko na T-Rex mo…(kakaibang ngiti)

                                At isinalaysay nga kay Karl ang mga kaganapan…
                                Kay Karl na lang isasalaysay dahil alam mo na ang mga nangyari, kakasawa nang paulit-ulit pa, nakakapagod magtype. Kung ‘di mo pa rin alam, tumigil ka na lang sa pagbabasa.

Franks:Ganun pala ang mga nangyari. Pasensya ka na Prof. At paumanhin sa inyong lahat. Todo gipit na pala kayo sa inyong sitwasyon at no other choice ka na Prof  kundi gamitin ‘to. Pero pagdasal mo lang na sana wag magmalfunction yan. Kahit na medyo pumalpak na dahil napadpad tayo sa ganitong lugar at panahon.
JC:          Wag ka mag-alala Karl, ako na lang ang hayaan mong mangamba tungkol sa bagay na yan.
Gail:      Teka Prof, ano ba yung pinapangamba ninyong dalawa ni Karl?
JC:          Gaya ng sabi ko kay Karl wag nyo nang problemahin yun at…

                Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut tut tut tut tut Tut tut tut tut (ang dameng tut tut nito)

Ericko:  Aru…. (konti ng nabitaw ang time machine na ayaw talaga nyang ibaba)
Wino:   Hoy Eriko! Anong ginawa mo?!
Gail:      Katanga nang, kay PJ mo na lang nga pabuhat yan.
Franks:Naku Pucha!!! JC!!! T-Rex, magtago ka! Wag ka munang lalabas hangga’t hindi pa ligtas.
JC:          PATAY TAYO!!!  Kapag tumunog nang ganyan yan ibig sabihin malaking problema. Lahat ng nakagamit at naging involved sa ating time machine ay mai-stuck na sa panahong huling tinigilan nito. Kailangan nating maghulog bago pa man ito tuluyang masira. Ang ibig sabihin, kapag hindi tayo nakapaghulog kaagad ay hindi na ito gagana. At mananatili na lang tayo dito.
Franks:Pero hindi na natin kontrolado kung saang oras at panahon tayo eksaktong lalapag. Random na yan.
JC:          Yun ang kinakatakot ni Karl, ang hindi makontrol ang time machine.
Kim:       De ibig sabihin kaylangan na nating maghulog?
JC:          Oo dre at humangos na kayo.
Chet:     Ots Le anu pa hinihintay mo? Maghulog ka na.
Nhoel:  Si mapag-utos…
                               
Ganun na nga ang nangyari. Nag-iringan na naman kung sino ang maghuhulog ng mga pinagpalang barya. Eto na naman ang sitwasyon, sugal na naman! Tama ba na suwayin namin ang ibinigay na tadhana sa amin o ang tunay na nakatadhana  ay sumugal at lumiko sa landas na ibinibigay ng tadhanang iyan? Walang kasagutan na maaaring sumapat sa aming mga katanungan. Bahala na. Gaya ng sabi ko, hindi kami tatama kung hindi kami tataya…
                               
Kaya hinulog na ang mga piso, at umikot ang mundo…..


Itutuloy…

No comments:

Post a Comment