Tuesday, October 16, 2012

HUGTUNGAN LABIMPITO



IKAAPAT NA AKLAT, KABANATA – DALAWA



“Bukas ang Pinto”

Kapag gumagawa tayo ng bakod, dalawang bagay ang nangyayari: Una, pinipigilan natin ang iba upang makapasok; at ikalawa, ikinukulong natin ang ating sarili sa loob ng bakod na iyon. Pakiramdam natin ligtas tayo sa loob at walang makakapanakit sa atin. Gumagawa tayo ng bakod para protektahan ang ating mga sarili. Dalawang bagay ang nangyayari. Umiiwas tayo sa pananakit ng iba pero nalalayo din tayo sa pagmamahal na hatid nila. Sa tuwing masasaktan tayo, bumubuo tayo ng panibagong harang. Ginagawa natin yon dahil natatakot tayo. Natatakot na masaktang muli, natatakot na magmahal, at ang pinakamasaklap sa lahat, natatakot na mabuhay.

Tuesday, August 28, 2012

HUGTUNGAN SiXTeeN



Sharky Studios
presents



Gusto ko kasing umupo sa may damuhan kasama ka. Sabay tayong bubuo ng pangarap habang nakatingin sa kalangitan. Gusto ko rin maranasang maligo tayo sa ulan nang magkasama. Yayakapin ka at damahin ang lamig na hatid ng bawat patak ng ulan. Ganda ng gising ko kaninang umaga, ikaw kasi ang una kong nakita. Isip ko, pano kaya ang gagawin ko para maging permanenteng routine ang magising sa piling mo at may kasamang “Magandang Umaga. Mahal Ko..”





Ang
Ikaapat
Na
Aklat
Ng

Hugtungan Series







HUGTUNGAN SiXTeeN
IKAAPAT NA AKLAT, KABANATA – ISA

“Victoria”

Monday, July 16, 2012

Hugtungan Kinse




International Praise for the Hugtungan Series

“The words are very vivid and real! I almost unseated myself from laughing! A must read! Kudos to the creators!”  – Ma. Theresa Ocampo

“Hindi lang pala english ang nakaka-nose bleed! – Lorraine Jane Mallari

“SUPER LIKE!” – Peter John Liwanag

“Hayup..ang galing..hahaha…ayos tong trip nyo ah.. sige.. pagputuloy nyo yan.” – Karl Zoilo Franco

“…in fairness ha malupet xa ha…hehehe…” – Donna Salang

“Shet!!! Lufet nmn nyan! Hahahaha.” – Jo Ann Sampang

*The Hugtungan Series also has 40+ likes on facebook.






Isang araw, sa isla ng Bora…

“Umuulan! Ano ba yan grabe. Sayang ang leave kung ganito lang ako dito sa Bora. Di mo man lang maenjoy. Sumama na lang sana ako sa kanilang magscuba diving,” wika ng isang babaeng inis na inis. Halata sa kanyang mga nguso ang pagkadismaya kung kaya’t kung anu ano na lang ang dumadaplis sa isip. “Hmmm… Anu kaya pinagkakaabalahan ng mga mokong ngayon?” tanong niya sa sarili na tila may sumulpot sa kanyang imahinasyon na nagpasindi ng kaunting ngiti sa kanyang mapupulang labi.

Kapag ganitong naiinip siya ay kadalasang naaalala niya ang mga kaganapan nuong mga panahong ang suliranin lamang niya sa araw araw ay mapagtagumpayang pababain sa ground floor ang mga kaklase. “Those were the days,” isip niya. “Hay nako, araw araw na lang nilang pinapasakit ang ulo ko,” reklamo niya habang ang kaninang maliit lamang na ngiti nya ay umabot na sa kanyang mga mata.